Chapter 26 - Sleepover

87K 1.7K 268
                                    

Madison P.O.V.

After namin makausap si Aly kanina ay sa totoo lang ay nakahinga na ako ng maluwag kahit paano. Atleast may isang tao na malapit sa akin ang nakakaalam na ng totoong relasyon namin ni Reese.

Alam ko na dadating din ang time na kailangan ipaalam ko din yun sa pamilya ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila, pero naniniwala naman ako na dahil mahal nila ako ay alam ko maiintindihan at matatanggap din nila ako at ang relasyon naming dalawa.

Pero hindi muna sa ngayon, dadating din ang tamang panahon na hindi na namin itatago at ipagsisigawan ko ang pagmamahal ko kay Reese.

And speaking of my sexy kitten, parang bigla ko tuloy syang namiss. Kanina ng nagselos sya ay naramdaman ko talaga kung gaano nya ako kamahal. Feeling ko ay ako na ang pinakaswerteng babae, hindi lang sa buong Pilipinas, kung hindi sa buong mundo pa dahil minamahal ako ng isang Reese Santillan.

Ang sarap pala mahalin nya, sobrang sweet nya at kahit possessive pa sya ay hindi yun nakabawas sa pagmamahal ko sa kanya at sa halip ay nakakadagdag pa. Sobrang kilig kaya ang nararamdaman ko kapag ganun na nagseselos sya...kagaya ng kanina na nakita nyang napayakap si Nick sa akin dahil muntik na akong madulas dahil sa taas ng heels na 'to.

Mabuti nga pla at mabait si Ms. Rhea at pinahiram ako ng shoes nya, sabi nya ay hindi nya naman ito nagamit kahit isang beses kasi medyo maliit daw sa kanya. Mabuti nga at sumakto lang sa paa ko.

Kapag nakasweldo na ko ay bibili ako ng shoes pero hindi naman ganito siguro kataas. Hindi lang ata 3 inches ang takong nito, kaya feeling ko ay instant na tumangkad ako. Konti na lang ang taas ni Reese sa akin.

"Tama na yang day dreaming dyan, mamaya mo na isipin ang boyfriend mo." pukaw sa akin ng natatawang si Nick. Tumingin ako sa kanya, nakita kong pati mga mata nya ay nanunukso.

Matangkad si Nick at gwapo, bagay na bagay sa kanya ang uniform na suot nya. Kanina ko lang napag alaman na sya pala yung guy na nagoffer ng panyo sa akin noong time na luhaan ako dahil sa encounter namin ni Reese nun sa CR. Nagulat nga ako ng sinabi nya yun kanina at naalala nya pa pala ako, dahil sa totoo ay hindi ko na sya namukhaan nun dahil hilam na ang mata ko sa luha ng time na yun.

"Excuse me at hindi ako nag day dreaming kasi gabi na ngayon." pambabara ko sa kanya. Kita kong natawa sya sa sinabi ko.

"Oo nga pala, sorry naman." lumapit pa sya sa counter ko saka tinukod ang mga siko dito.

Sa totoo ay magaang ang loob ko sa kanya, dahil siguro wala akong Kuya. Parang kuya kasi ang dating ng personality nya, yun tipong napaka gentleman at ipagtatanggol ka sa lahat ng pwedeng mang api sayo.

"Wala pa masyadong customers no." sabi ko habang nakatanaw sa main door na nasa unahan ko lang.

"Yeah, usually kapag ganitong araw at oras wala talaga masyado. Pero kapag weekends, sure yan, ang daming tao dito." nakasmile pa din na sabi nya. Tila naaaliw syang kausap ako.

'Mukhang masayahin 'tong tao na to, laging nakasmile eh.' naisip ko. 'Yun tipong walang dinadalang problema sa buhay. Ok sigurong maging matalik kami magkaibigan para mahawa naman ako sa pagiging masayahin nya.'

May padaan na isa pang waiter, I think Mike ang name nya. Tumingin sya sa amin at napansin nya ang pag uusap namin ni Nick.

"Nick, ingat ingat lang ha." saad nya na ipinagtaka ko. Ingat kanino? Sa akin??

Tila naintindihan ni Nick yung sinabi ni Mike at mabilis itong nagpaalam na pupunta muna ng pantry.

Naiwan akong nagiisip dun. May nangyayari ba na hindi ko alam??

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon