Madison P.O.V.
"Magsigising na kayo at tanghali na!" makabasag tengang sigaw ni Nanay sa amin habang kinakalampag ang dingding ng aming kwarto.
Nang mapansin nya na gising na ako ay tumigil na sya sa pagkalampag dito at saka lumabas na ng kwarto.
Pupungas pungas akong bumangon at saka ginising ang mga kapatid ko na sina Dakota, Maryland at Vermont.
Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. 19 years old na ako at nasa 3rd year college na sa kursong Accountancy, sumunod si Dakota, 17 years old, 1st year college naman sa kursong HRM, pangatlo si Maryland 15 years old nasa 3rd yeah High School at ang bunso namin at nag iisang lalake na si Vermont, 13 years old, sa ngayon ay huminto dahil nawiwili sa kakalaro ng online games sa computer shop sa kanto.
Kung mapapansin nyo ang mga pangalan ng mga kapatid ko ay hango sa iba't ibang States ng Amerika, paano ba naman obsessed ata ang nanay namin sa lugar ng Amerikano.
Pangarap nya makarating dito mula ng bata pa sya.. pero hanggang ngayon ni anino nito ay hindi man lang nya nasilayan. Kaya ang American dream nya na yun ay nanatiling pangarap na lamang.
Dinaan na lang nya sa mga pangalan namin ang pagkahumaling nya sa bansang Amerika. Sina Dakota, Maryland at Vermont ay pawang mga estado sa US at maging ang pangalan ko nga ay hango sa sikat na Madison Square Garden sa New York. Sabi nga nya, kahit paano naman daw ay maging sosyal kami, maging sa pangalan man lang.
Paano naman, ang pamilya namin ay maituturing na isang kahig at isang tuka. Nagtatrabaho lang sa construction site ang ama namin at simpleng may bahay lang si inay.
Hindi ko alam paano nagkakasya sa aming anim ang kakarampot na kita ng ama namin. Kaya madalas ay tumatanggap na lang ng labahin o plantsahin si Inay para kahit paano may pantawid gutom kami sa araw araw.
Kung hindi pa dahil sa De Asis Foundation ay hindi pa kami makakapag aral sa college ng kapatid ko na si Dakota. Napakabait talaga ng mga De Asis, bukas palad silang tumutulong sa kagaya namin nangangailangan.
Madalas akong pumasok na pamasahe lang ang dala, minsan ay nililibre ako ng bestfriend ko na si Alyana. Pero syempre nakakahiya din naman kaya minsan ay tumatanggi ako pag nag aalok sya na ililibre ako.
Kahit naman walang bayarin sa tuition fee ko ay madami pa din naman ibang gastusin sa school. Kagaya ng pagpapaphoto copy ng mga notes, mga libro at kung anu ano pang projects. Kaya nga mas madalas ay napupudpod na ang mga daliri ko kakasulat kesa ipaphoto copy pa ang mga notes namin.
"Dakota..Maryland gising na." tawag ko sa dalawa pero ungol lang ang isinagot nila sa akin, halatang ayaw pang bumangon. Nagsisiksikan kaming tatlo sa kama, habang si Vermont naman ay sa lapag lang natutulog. Hindi na nga maiwasan na malaglag ang isa amin sa kama lalo na at lumalaki na kami.
Ay sila lang pla, ako kasi mula na nag 18 ako ay parang tumigil na din ako pagtangkad. Maliit lang ako sa height ko na 5'2, mahaba ang straight at natural na brown hair ko na hanggang bewang, hindi ako kaputian pero hindi naman ako maitim, ang masasabi ko lang na asset ko ay ang baby face na itsura ko. Madalas nga ay napagkakamalan lang akong nasa high school.
Aba ang dalawang kapatid ko ayaw pa magsigising, buhusan ko kaya ng tubig ng magsibangon na? Kaso tinatamad naman akong lumabas para lang kumuha nang ipangbubuhos sa kanila.
Kaya nakaisip ako ng ibang paraan kung paano ko gigisingin ang mga ito, pasimple ko silang itinulak paalis ng kama at saka pabagsak na nahulog sa sahig.
"Aray ate ano ba naman ya!." reklamo ni Dakota sapo ang balakang niya.
"May balak mo pa ata kaming balian ng buto!" nakasimangot na sabi naman ni Maryland.
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Teen Fiction"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...