Chapter 35 - Broken

61.2K 1.3K 535
                                    

Madison P.O.V.

Nick just kissed me!

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya!

Pero bago pa ko makapag react at masampal siya ay narinig ko ang isang malakas na busina sa harapan namin.

Bigla akong nanlamig at kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ang itim na sasakyan....parang napakapamilyar nito kahit na nasa madilim na parte pa yun.

Si Reese??

Kahit nanlalambot ang tuhod ko dahil sa takot at kaba na nararamdaman ay pilit kong tumayo at nagsimula akong naglakad palapit dito. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay biglang umandar ito at paharurot na lumayo.

No! Si Reese nga yun!!

At nakita nya kami.....nakita nya yung ginawang panghahalik ni Nick kanina.

Anong gagawin ko? Sigurado ako na madami ng speculations ang tumatakbo sa isip nya ngayon.

Ang galing mo kasi Madison..epic fail ka talaga kahit kailan. Nagbadya na agad ang luha ko habang nakatanaw pa din sa papalayong sasakyan.

"Sino yun?" narinig kong tanong ni Nick na nakatayo na pala sa tabi ko, kagaya ko nakatanaw din sya sa dito.

Sa halip na sagutin yun ay galit na tumingin ako sa kanya "Bakit mo ginawa yun?! Bakit mo ako hinalikan??!!" sumisigaw na tanong ko, kulang na lang ay may lumabas na apoy sa mata ko galit na nararamdaman ko sa kanya.

Halata ang pagkagulat nya nang makita ang reaksyon ko.

"What? Diba gusto mo din ako?" parang tanga lang na tanong nya.

I slapped his face sobrang galit ko. This guy was successful in ruining my relationship with Reese and obviously he did that with flying colors.

Tapos ang kapal pa ng mukha nya para isipin na may gusto ako sa kanya! Bakit kailangang imisinterpret nya pa yung concern ko? Nagawa ko na ngang magsinungaling sa taong mahal ko dahil sa kanya, dahil sa awa ko sa kanya tapos ano eto pa ang napala ko.

Hindi makapaniwalang nakatingin sya sa akin habang sapo nya ang pisngi nya na namumula dahil sa sampal ko. He deserves more than that!

"Anong pinagsasabi mo ha?! Oo I like you, pero bilang kapatid lang at hindi kagaya ng iniisip mo!!" sigaw ko sa kanya. Gulong gulo ang isip ko.

I know Reese. Alam kong hindi nya ako mapapatawad dahil sa nakita nya. I need to talk to her. I need to explain everything.

Nanghihinang napaupo ako sa damuhan at nanginginig ang kamay na hinagilap ang phone sa bag.

"Kalma lang, pasensya ka na iba ang naging dating sa akin." sabi nya habang nakayuko at ang kapal pa ng mukha na humawak pa sa balikat ko.

Galit na tinabig ko yung kamay nya bago nagmamadaling idial ang number ni Reese, pero laking dismaya ko na marinig na out of coverage area ang phone nya.

Shit!! What now?!

Pinahid ko ang mata ko na hilam na sa luha, kailangan kong mag isip ng gagawin. Kailangang makausap ko sya...pero paano? Puntahan ko kaya sa bahay nila? Tama, I'm sure nandoon na siya ngayon.

Nagmamadali akong tumayo at hindi na akong nag abalang pagpagin ang pantalon ko na puno na ng dumi dahil sa pag upo ko sa damuhan. Tumalikod na ako pero bago pa ako tuluyang makapaglakad ay muling nagtanong si Nick. Suklam na suklam ako sa kanya ngayon. Nagsisisi ako bakit naging kaibigan ko pa sya.

"Sino ba yung nasa kotse kanina at ganyan ka na lang ka affected?" bakas ang pagtataka sa boses niya.

Ayoko na sana syang kausapin sa labis na galit ko pero may gusto lang akong sabihin sa kanya sa huling pagkakataon dahil pagkatapos nito ay baka magresign na lang ako sa resto.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon