Chapter 27 - Drew

88.8K 1.5K 297
                                    

Reese P.O.V.

Nagising ako nang naramdaman ko na tila may gumagalaw sa tabi ko. Pagmulat ng mata ay nagulat ako ng makita ang cute na cute na si Kuting na nakasiksik sa akin at doon ko naalala na nagsleepover nga pala sya dito kagabi.

Napangiti ako nang makita kung gaano sya ka adorable habang natutulog, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ko syang hinalikan sa pisngi.

At tila naalimpungatan naman sya sa ginawa ko at dahan dahan sya na iminulat ang mata nya.

"Ano ba yan..." sabi nya na tila wala pa sa sarili nya, dala pa din siguro ng antok.

"Hi Kuting, good morning." bati ko sa kanya ng magtama ang mga mata namin.

Nanlaki ang mata nya ng masilayan ako at gulat na napaurong sa kama.

Blag!

Kaya ayun, next thing i knew ay nahulog na sya sa kama.

Natatawang sinilip ko sya sa ibaba "Kuting ugali mo na ba magpahulog sa kama?" pang aasar ko pa, carpeted naman ang sahig ng kwarto ko kaya sure ako na hindi sya ganun nasaktan sa pagbagsak nya.

"Kainis ka, nagulat lang ako paggising ko ay nakita kita agad." nakairap sya habang pilit tumatayo sa sahig.

"Bakit? Nakakatakot na ba ang beauty ko ngayon?" sabi ko sa tonong nagtatampo.

Umupo sya sa kama at saka tumingin sa akin "Wala akong sinabi na ganun, hindi lang ako sanay na pagmulat ko ay isang Reese Santillan ang mabubungaran ko."

Napangiti ako sa sinabi nya nang mapadako ang tingin nya sa alarm clock ko, yes at may maayos na alarm clock na ako ngayon. Ang problema lang ay hindi ko na set ng maaga kagabi kaya hindi nag alarm.

"OMG 6:30 na! Malalate na tayo!" tarantang tumayo sya at saka tumingin ulit sa akin.

"Yeah...yeah...tatayo na." tamad na bumangon ako at saka nagpunta ng closet, alam kong wala syang dalang damit ngayon pamasok kaya maghahanap ako ng kakasya sa kanya.

"Mauna na akong maligo." sabi nya habang patakbo syang nagpunta ng banyo. 8am kasi ang 1st class namin kaya ganun na lang sya magmadali.

Isang pink na shirt at black na shorts ang nakita ko at sa tingin ko ay kakasya naman sa kanya yun.

Tinanggal ko ito sa hanger at inilapag sa kama. Inayos ko muna yung ibang dadalhin ko sa school habang hinihintay ko syang matapos na maligo.

Wala pang 10 minutes ay lumabas na sya, tumutulo ang buhok at nakatapis ng towel ang basa pa din na katawan. Aba, hindi naman halatang nagmamadali?

Tinuro ko yung damit na nasa kama "Yan yung isusuot mo." at mabilis syang tumingin dito.

"Salamat, sige na maligo ka na." habang mahigpit na nakahawak sa towel na akala mo ay anytime ay malalaglag ito.

"Ok..." sagot ko pero unti unti akong lumalapit sa kanya. Nanlaki ang mata nya ng makita ang ginagawa ko kaya unti unti syang napaurong.

"A-Anong gagawin mo?" halatang kinakabahang tanong nya.

Pero sa halip na sumagot ay ngumiti lang ako, natatawa kasi ako sa reaksyon nya.

At nang halos magdikit na ang katawan namin ay--

"R-Reese..." parang natataranta na sya kasi wala na pala syang mauurungan pa, nasa likod nya na ang side table.

Iniangat ko yung kamay ko saka sya hinawakan sa labi, kita ko na napalunok sya habang nakatitig sa akin.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon