Chapter 31 - Girl crush

85.4K 1.5K 426
                                    

ALY P.O.V.

"Aly ikaw muna bahala kay Drew susundan ko lang si Madison." narinig kong bilin ni Reese habang inuupo ang bangenge as in senglot na si Drew as in ang Drew-hildang (same as bruhilda) hitad na ito.

Nang maalala ko bigla na nasa akin nga pala yun susi ng room, baka kasi doon biglang dumaretso si Bessie ko, dali daling kong dinukot ito sa bulsa ko saka ko inabot kay Reese.

"Hey where are you going?" protesta pa ni Drew ng tumalikod na si Reese, kaso huli na sya dahil mabilis ng nakasibad ito at ni hindi man sya nagawang lingunin.

Hello?? syempre, mas importante naman ang Bessie ko kesa sa kanya no!

Nagulat ako nang bigla syang tumayo at tila may balak pang habulin ang nakalayo na na si Reese.

"Hep hep saan ka pupunta ha??" pigil ko sa kanya, hawak ko ng mahigpit ang braso nya.

Lumingon sya sa akin at mapungay ang mata na tumitig.

"Problema mo Abby bakit mo ako pinipigilan? Hik!" sabi nito sabay tabig sa kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Hayaan mo na nga si Reese at pwede ba wag mo syang nilalandi!" sigaw ko sa kanya, sa totoo ilang araw na din akong nanggigil sa babae na 'to. Kung hindi lang dahil kay Reese ay matagal ko ng sinupalpal ang pagmumukha nya.

Lalo na ngayon na harap harapan pang landiin si Reese sa harap pa ni Madison. The nerve of this girl!

She just raised her eyebrow "Excuse me..hindi ko sya nilalandi, for your informasyooon. Hik." at saka napaupo ulit sya sa tabi ko.

"Ganun? Eh anong tawag sa ginawa mo kanina at may balak ka pang halikan sya sa harap pa mismo ng gf nya! Duh!" sabay irap ko.

"Naglalambing lang akohh sa kanya no." tinaas pa nya ang daliri nya saka dinuro duro ako pero inis na tinabig ko lang din ito.

Maya maya pa ay parang nasapian at biglang nag iba ang aura nya,..........biglang ngumiti sya....yung ngiting alam mo na may iniisip na hindi maganda. Sabi na nga ba at may sayad 'to eh.

"Anong nakakatawa?!!" singhal ko sa kanya, kukutusan ko na talaga ang loka loka na ito. Konting konti na lang papatulan ko na talaga 'to!

"You like me, don't you?" sabi nya habang nanunuksong nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Hannnuuu daawwww?? Ako may gusto sa kanya? Hindi lang pala may sayad 'to eh, kundi totoong sira ulo na!

Ramdam ko na biglang sumilakbo ang damdamin kong naaapi. Mangani ngani ko ng hablutin ang mahabang buhok ng bruha! Halos manginig nginig na ang kamay ko sa sobrang pagpipigil na gawin ito.

Saan ko kaya pwedeng itapon ang bangkay nito mamaya? Balak ko kasing imasaker sya mamaya eh, yep imasaker...baka kasi 9 ang buhay nya eh, isa isa kong tatagpasin ito hanggang sa maputol ko ang kahuli hulihang hininga nya!

"O ano hindi ka makasagot? Totoo kasi diba Abby?" sabi uli nya saka unti unti pang nilalapit ang mukha sa akin.

Mabilis kong naamoy ang amoy alak na hininga nya at muntik na akong masuka dahil doon.

Dali dali ko syang tinulak palayo sa akin at saka galit na galit na tumayo ako sa harapan nya. Feeling ko nga ay mag aala incredible hulk na ako dito anytime.

"Kapal din ng mukha mo bruha ka!" sagot ko sa kanya with matching masuka sukang facial expression ko.

Kita kong biglang nagdilim ang mukha nya nang marinig ang sinabi ko.

Kissing Reese SantillanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon