Madison P.O.V.
Pagkatapos ng mala magical moment na yun sa roof top with Reese ay sabay na kaming sumakay ng elevator para bumaba.
Nakahawak pa din sya sa kamay ko habang nasa loob kami ng elevator.
Nakatitig sa mga mata ng isa't isa habang nakasmile.
Sana hindi na matapos ang moment na to...sabi ko sa sarili ko habang nakatitig lang sa magandang babae katabi ko.
Kaso lahat ng fairytale ay may katapusan.
Ding!
Naramdaman ko na mabilis nyang binitawan ang kamay ko bago pa bumukas ang pinto ng elevator.
Nabungaran ko ang nag aalalang mukha ni Aly sa labas ng elevator na tila hinahanap ako.
Napalinga sya sa direksyon namin at tinawag ako.
"Maddy!" sigaw nya saka lumapit sa akin.
Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino yun lumabas sa elevator na kasama ko.
"Saan ka nanggaling??" tanong nito pero habol tingin pa din kay Reese na direcho lang naglakad pabalik sa loob ng function hall.
Hindi ko maiwasang malungkot habang nakatanaw din kay Reese.
"Pumunta lang sa taas para magpahangin." paliwanag ko.
"Ikaw lang mag isa?" naghihinala ang tingin nya.
"Oo naman, sino pa ba makakasama ko doon."
"Eh yung isa?" sabi habang nakatingin sa direksyon ni Reese.
"Ewan nakasabay ko lang sya sa 3rd floor." palusot ko na lang.
"Ok....tara na kanina ka pa pala hinahanap ni Dean. Magstart na ang bidding."
Dahil sa narinig ay bumalik ako sa realidad. Tapos na ang fairy tale.
Bigla na naman bumalik ang kaba ko. This is it! Wala ng urungan.
Pumasok na uli kami sa function hall at mabilis kaming sinalubong ni Dean Martinez.
"Madison akyat kana sa stage magstart na yung bidding." sabi nito habang itinuturo ang daanan papunta sa back stage.
"Ok sige po." tumalima na ako papunta dito habang ang lakas ng tibok ng puso ko.
Parang gusto ko ng himatayin ng makita kong nandoon na yun P4 sa stage.
Nag alangan tuloy akong pumanhik.
"Sige na girl para matapos na." sabi sa akin ni Aly ng mapansin nya ang pag aalinlangan ko.
Wala akong nagawa kung hindi umakyat na.
Narinig ko nagbulungan yun ibang estudyante nang makita akong umakyat ng stage. Syempre sino ba naman ako para sumali sa bidding. Eh hindi nga ako kasing sikat, kasing yaman o kasing ganda ng P4.
Gusto ko ng lumubog sa kahihiyan pero nilakasan ko na lang ang loob ko para matapos na lang.
"Hello.." Nasamile na bati sa akin ng member ng P4 na si Sydney, alam ko sya yun anak ng senator.
"H-hi" nanginginig na sagot ko.
Napansin ng katabi ni Sydney ang kaba ko, yun mukhang chinese na maganda. Si Victoria Tan-Lee, yung modelo.
"Cool ka lang girl, hindi tayo bibitayin dito." ngumiti sya na halos mawala na yun mata nya.
"A-ang gaganda nyo kasi....nahihiya ako." sabi ko pero hindi makatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Kissing Reese Santillan
Teen Fiction"Sige na Madison gawin mo na para matapos na ang problema mo sa ex mo na stalker" tulak sa akin ng bestfriend kong si Alyana palapit sa popular table, kung saan nakaupo ang hottest guy sa campus na si Blake de Asis. "S-sigurado ka ba dito Aly?" Pina...