Ride 3

256 25 0
                                    

Ride 3:
(Present time)
So makalat na naman ang condo puno nang basura ng chips, damit at wtf pati naman panty andito pa! Isang mahabang linisan na naman to. Pinulot Ko muna isa-isa ang mga nakakalat sa sahig na mga basura. Nako naman! Di na talaga nabago ang ayos nang condong to! Araw-araw nalang ganito. Gawin ba namang club tong condo. Everynight iba-iba ang tao mga babae mga lalake pero sino ba naman ako para mag reklamo diba? Kaya kapag may party na naman dito sa condo usually nagkukulong nalang ako sa kwarto ko. Di kasi ako sanay sa buhay ni drake. He used to be so popular, he has a lot of friends. Kaya eto ako ngayon naglilinis na naman. Actually minsan naisip ko nang mag quit but pumipigil talaga yung sweldo sa isip ko. ‘’Wag kang mag quit sayang ang laki ng sweldo dito keysa sa natural lang na trabaho’’ sabi ng isip ko. Kaya eto ako nagtitiis pero okay lang medyo nasanay narin ako sa ganitong takbo nang buhay ko.
Habang busy sa paglilinis sa buong condo bumukas naman ang kwarto ni Drake. 
‘Good morning’ nakapikit mata pa nyang bati sa akin.
‘’Good morning sir.’’ (I call him sir for formalities)
‘Mamaya pa class ko 1pm. Ikaw ba?’ 
‘’Mamaya parin class ko sir. Actually malilinis kopa tong buong condo before class.’’
‘Okay, kumain kana ba?’ Tanong niya sa akin.
‘’Hindi pa sir, magpapaluto po ba kayo? Baka may hangover ka po? Coffee?’’ Tanong ko sa kanya.
‘You don’t need to call me sir. Drop that thing magka age naman tayo right? Just call me Drake. That’s fine for me.’ Sabi nya.
‘’O-Okay Dr-drake. So? Do you need anything Drake?’’ Awkward kong tanong sa kanya.
‘I’m okay. Just clean the condo and for a change walang party na magaganap dito mamaya so you can sleep well.’
In my mind (Hay! Salamat makakatulog rin ako nang maaga)
‘’ Ah ganun ba? That’s good. Sagot ko sa kanya’’ 
After nyang makipagusap sa akin pumunta sha sa banyo tapos pumasok ulit sha sa kwarto nya.
I continue cleaning the whole condo bandang 10AM na ako natapos maglinis. It is not easy kasi may mga bakas nang suka sa floor which is kailangan talaga nang more effort. 
Napaupo ako sa sofa ‘Salamat! Natapos rin!’ medyo gutom na ako pero okay pato mamaya na muna ako magluto makakatulog pa ako nito.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!

‘’Travis? Travis?’’ 
Nagising ako sa pagtawag ni Drake sa akin. 
‘Ah Drake? May kailangan po ba kayo?’ Tanong ko agad sa kanya.
‘’Nothing. Are you free? Join me kakain ako nang lunch. Tara?’’
‘Wag na drake nakakahiya sayo.’
Wait nasabi ko naba sa inyo na I am gay? Maybe a closet one. I usually hide myself ayoko kasing malait, ayoko sa mga mapangmata nilang banta. Ayoko sa mga sinasabi nila about sa kagaya namin kaya tinago ko nalang ang ako.
‘’No, wag kang mahiya. Tara kakain lang naman tayo sabay narin tayo sa school. Ano?’’
‘Ah sige, wait lang maliligo muna po ako hihihi. Makakahintay po ba kayo?’
‘’Ah oo I’m fine, sige maaga pa naman. Take your time’’
After he gave the go signal agad na akong naligo actually I make my everymove fast baka mainip sha sa kakahintay sa akin. Nagbihis ako agad matapos kong maligo. Nagsuot ako nang simple white tee sinuot ko rin ang nagiisang blackpants ko sinuot ko rin ang simple white converse shoes ko na medyo sira na sa katandaan. I didn’t bother to buy a new one kasi wala akong time at wala akong pangbili.
Lumabas ako sa kwarto having my bag hanging at my back well nakita ko si Drake na nakatitig lang sa akin and I was like ‘’May dumi po ba ako sa mukha? May mali po ba sa suot ko?’’ tanong ko sa kanya.
’No, no, no actually you look great. Di lang ako sanay na makita kang ganyan. You ssould maintain that look baka maraming magkakagusto sayong girls diba?’
‘’Ah ganun po ba. Di po talaga ako para ayos pero kasi ikaw yung kasama ko alangan naman na magsuot ako dun nang pangit baka masabihan ka nila nang di maganda dun kapag may nakakita sa atin. At dun po sa maraming magkakagusto sa akin? Ayaw kona pong maniwala sa mga ganyan hahahaha’’ Pabiro kong sabi sa kanya.
‘Okay so are you ready? Lets go.’

LIFE IN A CAROUSEL RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon