Ride of Travis:
Dumaan ang mga araw na puro trainings and concentration ang inatupag nang mga estudyante nang UO. Araw-araw kaming nasa training nag eensayo para sa laban na magaganap sa darating na Founding Anniv.
Sabado ngayon pero obligado parin kaming pumunta sa last training ngayong araw dahil bukas rest day para sa preperasyon sa opening sa lunes.
Lumabas ako mula sa kwarto ko at nagtungo sa kusina. Medyo nanakit ang katawan ko pero mukhang nasanay narin ito sa araw-araw na training.
Binuksan ko ang fridge tsaka kumuha nang tubig.
Pagkatapos uminom napatingin naman ako sa orasan. Mag aalas syete palang nang umaga. Maaga pa sa alas diyes na simula nang training namin.Madalang narin kaming nagkausap ni Drake dito sa condo dahil madalas itong tulog at nagkukulong sa kwarto. Nilulutuan ko nalang ito nang pagkain at tska din naman ako natulog.
Dahil din kasi sa pagod kaya kailangan nang maraming tulog para maibalik ang energy.Papalabas ako nang kusina upang pumunta saglit sa kwarto nang biglang bumukas ang pinto nang kwarto ni Drake.
"Maaga ka atang nagising ngayon?" Casual na tanong ko sa kanya.
Magulo pa ang buhok nito at bahagyang nakasara ang mata parang ina'antok pa ito.
"Anong oras naba?" Ina'antok na tanong nito.
"Past seven." Simpleng sagot ko sa kanya.
Bigla naman itong napadilat nang mata at tsaka napatingin sa orasan.
"WTF!" Malakas na sabi nito at tsaka dali'daling bumalik sa kwarto niya.
Napatawa naman ako bahagya sa inasta si drake. Hindi kopa kasi itong nakitang nabalisa. Madalas kasing reaction nito parang cold pero mabait naman ito.
"Anong oras ba training niyo drake?" Sigaw ko sa labas nang kwarto niya.
"Eight!" Malakas na sigaw nito mula sa loob nang kwarto niya.
"Okay" mahinang sabi ko sa sarili.
Naglakad nama ako pabalik nang kusina upang iprepare nang sandwich. Nagluto naman ako ng bacons para sa filling nang sandwich para naman may makain kahit papaano si drake. Alam ko kasing nagmamadali ito kaya snacks nalang ang ibabaon ko sa kanya.
-----
Di nagtagal natapos ako sa pag gawa nang baon ni drake. Naipasok ko naman ito sa baonan at pinasok sa isang plastic bag.Lumabas ako nang kusina para sana hintayin si drake pero bumukas naman din ito.
Nakita ko si drake na nagmamadaling lumabas sana nang condo kaya tinawag ko ito.
"Drake wait lang!" Sigaw ko naman sa kanya.
Napalingon naman ito sa gawi ko.
"Here, take this." Sabi ko sa kanya sabay abot sa kanya nung ginawa kong baon
Napatingin sha doon sa ini'abot sa kanya saka tumingin sa mukha ko.
"Ano yan?" Takang tanong niya.
Napasmile naman ako saka sinagot ito.
"Snacks. Alam kong dika makakain nang breakfast kaya gumawa na ako nito." Sagot ko naman sa kanya.
Napatingin ito ulit sa dala'dala kong plastic bag tsaka tumingin ulit sa akin at ngumiti.
"Salamat" Sabi niya sa akin at inabot ang plastic bag na hawak ko.
"Lock the room after you leave." Sabi niya pa sa akin.
BINABASA MO ANG
LIFE IN A CAROUSEL RIDE
HumorLife In A carousel RIde Subaybayan ang kwento ni Travis Millan kung paano niya haharapin ang buhay. Ramdamin ang kilig, saya at sakit. Samahan natin ang mala carousel na buhay ni Travis. M2M Stories of Love Original creation of Jim.