Ride 26

98 6 1
                                    

RIDE OF TRAVIS:

Natapos na ang nagdaang founding anniv. nang UO kaya balik normal na ang school. Kasalukuyan parin akong nanunuluyan sa bahay nila Jackson kasi kahit anong pilit kong alis hindi ako pinapa'alis nito sa bahay nila. Kaya pinili kong manatili nalang tutal wala naman akong matutuyan. Minabuti kona ring tumulong sa mga gawain sa bahay nila para naman hindi ako parang nakikituloy lang. Sunday ngayon kaya walang pasok, nandito ako sa labas nang bahay nila Jackson tinatanaw ko ang mga bahay nang mga kapitbahay nila. Pinapamilyar korin ang lugar. Habang nasa labas naisipan kong maglakad² tutal wala namang ibang gawain dahil tapos kona ang mga trabaho sa loob. Naglakad ako palabas nang eskinita. Habang binabagtas ko ang daan iilang bata lang ang mga naglalaro sa labas. May iilan ring mga tindahan ang aking nadaanan.
Nang makalabas na ako sa eskinita may nakita akong kotseng parang pamilyar sa akin pero hindi kona ito pinansin at dumeretso nang lakad.

Habang patuloy sa paglalakad nakarating ako sa  isang  childrens paradise na walang kataotao hindi naman ito mashadong malayo sa kabahayan pero parang napapabayaan na ang park na ito kaya pumasok ako sa loob at umupo sa isa sa mga swing. Habang nakaupo sa swing napaisip ako sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ko.

Ang rami nang pangyayari sa buhay ko pero kinaya kong sunabay sa agos nito. Hindi man ako kasing tatag nang pinakamatatag na tao sa mundo pero nandito parin ako, kinaya kong harapin ang mga pagsubok.

Napabuntong hininga nalang ako. Siguro kung pinili kong maging mahina wala na ako dito sa manila. Siguro pinili ko nang umuwi at makasama ang aking pamilya pero dahil sa mga pangarap ko, lumaban ako.

Habang nasa gitna ako nang pagdradrama nakarinig ako nang mga yabag nang paa mula sa likoran ko kaya ko ito nilingon.

Laking gulat ko nang makita ko si Drake.

Natense ako bigla hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya tumayo ako mula sa swing saka unti unti ring naglakad palayo sa kanya.
Ramdam koring sumunod siya sa akin kaya binilisan ko ang aking paglakad palayo sa kanya.

"Stop!" Malakas na sigaw niya sa likod ko.

Napahinto naman ako sa pagsigaw niya. Unti unti namang nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko kayang lumingon sa kanya. Kaya nanatili akong nakatalikod sa gawi niya. Naramdaman kong naglakad ito palapit sa akin.

"Anong kailangan mo?" Mahinang tanong ko sa kanya habang nakatalikod parin sa kanya.

Hindi ako nito sinagot ngunit nararamdaman kong nasa likoran kona si Drake dahin ramdam na ramdam kona ang presensya niya sa likod ko at na aamoy kona rin ang pabango niyang nanunot sa ilong ko.

"Anong kailangan mo Drake?" mahinang tanong ko ulit sa kanya.

Ngunit hindi sagot mula sa bibig niya ang aking natanggap kundi sagot nang katawan niya.

Naramdaman kong may pares nang kamay na bunalot sa mga bewang ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Travis" mahinang bulong niya sa aking mga tenga

Hindi ako nakasagot dahil sa kabang nararamdaman ko. Ang bilis nang tibok nang puso ko para akong galing sa mabilis na pagtakbo dahil sa bilis tibok nito.

"Travis" mahinang bulong na naman niya sa akin.

"Drake?" Mahinnang sagot ko sa kanya

Naramdaman kong humigpit ang pagyakap niya mula sa likod ko

"I don't know why, but I do feel lonliness in my unit after you left. It feels like your a missing piece to me. I feel incomplete. I don't know why but I want you back. Sorry for my harsh words but please be back." mataas na sabi niya

LIFE IN A CAROUSEL RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon