Ride of Jackson:
Kasalukuyan akong pauwi galing sa family gathering namin sa isang resto. Nakasakay ako sa motor ko nang madaanan ko ang isang pamilyar na taong nag lalakad sa gilid nang kalsada. Kaya huminto ako para kompirmahin kung siya nga ba talaga ito. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita kong si Travis nga ang taong naglalakad sa gilid nang kalsada dala² ang isang may kalakihang maleta.
Parang wala ito sa isip na naglalakad. Diretso lang ang tingin nito at parang hindi pansin ang paligid. Papunta siya dito sa direksyon ko kaya hinintay kona ang pagdaan niya.
Kinawayan ko siya ngunit parang hindi ako nito nakikita. Nanatili itong nagalalakad. Blanko ang mukha nito. Malayo sa masiyahing mukhang palaging pinapakita ni Travis sa school.
Nilagpasan ako nito na parang hindi ako nakita. Kaya tinawag kona ang pangalan nito.
"Travis!" Sigaw ko sa kanya. Dahil patuloy lang ito sa paglalakad na parang walang patutunguhan.
Huminto naman ito sa paglalakad tsaka unti-unting tumingin sa direksyon ko.
Nasilayan ko ang blankong mukha niya. Lumapit ito sa akin tsaka ngumiti nang pilit nang nasa harapan kona ito.
"Gabi na jack, bat nandito kapa?" Tanong nito sa akin.
"Ako dapat magtanong sayo nyan. Bakit nasa labas kapa? May dala² kapang maleta." Balik kong tanong sa kanya.
Bigla namang lumamig ang paligid sa ipinakitang reaction ni Travis ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya pero sigurado akong may dinadala itong problema ngayon.
"May problema ba?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
Hindi ito sumagot. Tumalikod ito ulit at tsaka nagsimulang maglakad muli.
"Wait, travs." Sigaw ko sa kanya.
Pina'andar ko agad ang motor ko tsaka sinundan siya.
"Travis" Mahinang tawag ko sa kanya.
Nasa part kami nang kalsadang wala mashadong dumadaan. Medyo malalim barin kasi ang gabi. Kaya wala na mashading dumadaan dito. Tanging ang mga street lights lang ang nagbibigay liwanag sa klasada.
"Hm?" Tanging sagot nito sa akin habang patuloy parin sa paglalakad.
"May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya.
Huminto ito sa paglalakad tsaka humarap sa direksyon ko.
"Kapag sinabi koba sayong bakla ako? Lalayoan morin ba ako?" Diretsong tanong niya sa akin.
Nabigla naman ako sa naging tanong niya. Kahit ako noon, nagdududa talaga ako sa pagkatao ni travis pero ni minsan hindi ko ito nilayuan dahil mabuti ito.
Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya kaya naglakad muli ito.
Napatingin muna ako likod niya bago sha sinundang muli.
"Travis, maasahan mo ako sa oras nato. Magkaibigan tayo diba?" Sabi ko sakanya nang masundan ko ito.
Lumingon ito sa akin tsaka ngumiti nang pilit.
"Salamat" tanging sabi nito.
"San ba ang punta mo? Bat may dala kang maleta?" Tanong ko naman sa kanya.
Napabuntong hininga muna ito bago sumagot.
"Sabihin nalang nating pinalayas ako sa trabaho." Simpleng sagot nito sa tanong ko.
Kahit nagtataka man ako kung ano talaga ang nangyari. Tinanong ko nalang kong saan ito matutulog ngayon dahil parang wala itong distenasyon.
"Hindi ko alam. Pagod na ako jack. Gusto konang magpahinga." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
LIFE IN A CAROUSEL RIDE
HumorLife In A carousel RIde Subaybayan ang kwento ni Travis Millan kung paano niya haharapin ang buhay. Ramdamin ang kilig, saya at sakit. Samahan natin ang mala carousel na buhay ni Travis. M2M Stories of Love Original creation of Jim.