Ride 15

215 23 0
                                    

Ride of Travis:

Nagising ako dahil sa ingay nang boses nang mga taong nagkakatuwaan sa sala nang condo. Hindi na muna ako tumayo mula sa pagkakahiga tsaka pinakiramdaman ko muna ang paligid.

"Take it easy bro! Don't rush her." Drake said.
"Hihihihihi its okay raz." Boses nang isang babae.
"You guys are so noisy. May natutulog pa dito." Boses ni Ivan.

Napatingin na muna ako sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw study table katabi nang bed ko.

'10:38 AM'

Linggo ngayon at bukas ang opening nang Founding Anniv sa school. Supposed to be rest day talaga ngayon dahil bukas may laro agad ang lahat nang sports basically bukas ang round 1. Dalawang laro ang lalaroin namin bukas isa sa umaga at isabsa hapon yan kasi ang sabi sa amin ni coach kahapon. Bukas pa ibibigay ang lista nang mga makakalaban namin.

Dapat masurvive namin ang round 1 bukas para sa semis naman sa susunod na araw.

------

Tumayo na ako sa pagkakahiga at pumunta muna sa banyo sa loob nang kwarto ko upang maghilamos at mag toothbrush. Dinig na dinig ko parin na masaya silang nag uusap sa sala kaya minabuti ko munang ayusin ang sarili. Nagpalit na muna ako nang damit pagkatapos kong mag hilamos at tsaka tiningnan ang sarili sa salamin.

"Kahit sinong haharapin mo ngayon Travis. Act normal" sabi ko sa sarili ko na nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin.

Naglakad naman ako palapit sa pinto nang kwarto ko para lumabas na.

"Hihihihi later babe. Ahihihi" boses ulit nang isang babae.

"I can't wait for later babe" dinig kong boses ni Drake.

Napabuntong hininga naman ako. Mabilis maglaro ang ating mga isipan siguro naman alam niyo na ang iniisip ko ngayon?

Hinawakan ko ang doorknob at tsaka binuksan ito.

Pagbukas nito ay agad napatingin ang ilan sa mga taong nasa sala sa direksyon ko.

Nakita ko silang nakaupo sa sofa. Occupied ito lahat dahil may mga babae din silang kasama. Nadoon si Drake katabi niya ang isang babae na nakaupo sa sofa ganun din si Raz may katabi din itong babaeng ina'akbayan niya. Napatingin naman ako sa side nila Ivan nandoon sa pinapagitnaan nila ang isang babae. Si Ivan, yung babae at si gray. Tanging si Drake lang ang hindi talaga tumingin sa akin. Nakita ko namang napalingon kanina sa direksyon ko si raz at yung mga babae kanina. 
Pagtingin ko kay gray nakita ko itong nakatingin din sa direksyon ko. Walang emosyon. Hindi ko maiwasang isipin ang kagabi.

"BACKRIDE"

After training chineck ko muna ang phone ko.

*1 message received. Unregistered number.*

Binuksan ko naman agad ito baka urgent.

*See you at the garden. Don't forget.*

After kong basahin ang text ay agad naman akong sinuri ang paligid. Malakas kasi ang feeling kong prank lang ito at kilala ko angbnasa likod nito.
Pagtingin ko naman sa mga tao sa loob nang gym wala namang kahina'hinala kaya naman inayos kona ang mga gamit ko para ipasok sa bag. Malapit narin kasing mag 6 PM at medyo madilimdilim narin ang paligid kaya makikita mong unti-unti naring nagsi'alisan ang mga players sa ibat-ibang years.

Habang nagliligpit nang gamit may biglang kumalabit sa likoran ko. 
Napalingon naman ako para alamin kung sino ang nasa likod ko.

"Uy! Jack" bati ko kay Jackson.

LIFE IN A CAROUSEL RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon