Ride 20

243 15 7
                                    

Ride of Travis:

11! Ayusin mo ang receive!

11!

Hoy! 11 umayos ka!

Sigaw ni coach sa akin.

Substitution to 11Millan.

Sabi nung game coordinator.

Agad naman akong lumabas sa court at naupo doon sa mga upuan nang mga kasamahan kong players.

"Millan! Bakit di ka makapaglaro nang maayos!? Ina'asahan pa naman kita ngayon!"

Pasigaw na sermon sa akin ni coach

"Sorry po talaga coach. Medyo masama kasi pakiramdam ko."

Sagot ko naman.

Mabilis naman ang naging takbo nang laro kaya ayun ang resulta talo kami. Magaling din kasi ang naging unang kalaban namin. 

Matapos ang laro nagtungo ako sa loob nang gym para pumunta sa cr doon upang maligo.

Pagpasok ko sa gym nakita ko na ang dami nang tao sa loob nito. Maraming tao talaga aasahan ko dahil laro nila Ivan ngayon. Sila kasi ang last year's champion sa basketball kaya ina'abangan talaga ang laro nila.

Ako naman pagkapasok ko sa gym dumeretso na agad ako sa c.r para makaligo.

Mayiilang tao sa loob nito pero hindi ko ito kilala kaya dumeretso ako sa loob nang isang cubicle.

Agad akong naligo dahil talagang nanglalagkit na ang katawan ko dahil sa pawis kanina sa laro.

Matapos kong maligo agad akong nag bihis nang damit tsaka lumabas nang cubicle. Humarap muna ako sa salamin nang c.r.

'Ano ba kasing problema mo travis! Bakit di ka makapagfocus kanina?!' Inis kong tanong sa sarili ko.

Naputol naman ang pagdadrama ko nang may biglang pumasok sa c.r. 

"Travis?" Bati sa akin ni Raz.

"Raz" Balik ko namang tawag sa kanya.

"Kumusta ang laro nyo? Panalo ba?" Tanong nito sa akin.

Lumapit naman ito sa isang ihian malapit sa side ko tsaka umihi.

"Ah, hindi. Talo kami eah." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Oh? Sayang naman. Bawi nalang kayo sa next game nyo. By the hindi kaba manonood sa game namin ngayon? Malapit nang magstart." Tanong nito sa akin.

"Ah-eh ganun ba? Kaya pala maraming tao. Game nyo pala" Pagkukunwari kong hindi ko alam na game nila ngayon.

"Oo, kaya dapat manood ka dahil maglalaro kami Ivan,Gray at Drake." Sabi nito.

Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Siguro hindi pa nila alam na wala na ako sa condo ni Drake stastay. 

"Tara sabay na tayo doon. Dun kana malapit sa amin umupo para mas kita mo kami." Sabi pa nito.

Nakaramdam naman agad ako nang kaba dahil sa sinabi nito. Hindi ako nakasagot. 

"Tara na" aya nito sa akin.

Hinawakan ako ni Raz sa kamay.  saka sinama sa paglabas niya sa c.r. 

Samantalang ako naman mas dumoble ang kabang nararamdaman ko nang makita ko sila Ivan kasama sila Drake at Gray dun sa inuupuan nilang chairs. Iniharap ako ni Raz sa buong team nila.

LIFE IN A CAROUSEL RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon