Ride of Travis
Nanatili akong nakaupo sa sofa sa sala nang condo ni Drake. Its 3AM in the morning pero hindi parin ako makatulog.
Naka alis na si Gray mg bandang 1AM dahil hahanapin din daw sha sa kanila kaya kailangan niyang umuwi. Nagpresenta naman akong magpaiwan dahil walang ibang tao sa condo kundi si Drake lang walang magbabantay sa kanya kung sakasakali.
Habang nanatiling nakaupo sa sofa nagbalik naman sa aking isipan ang mga pangyayaring naganap kagabi.
"Please comeback I need you."
Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Drake kagabi.
Isa rin sa mga rason kung bakit hindi ako makatulog ngayon ay dahil tila isang plakang sirang bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina.
Bigla namang nag ring ang phone ko. Kinuha ko ito saka tiningnan kung sino ang tumatawag
Jack is calling.
Sinagot ko ito.
"Hello trav? Nasaan ka? Hindi ako makatulog dahil hindi mo sinasagot ang mga text ko. Nasaan kaba ngayon? Bat hindi ka umuwi?" Bungad kaagad sa akin ni Jack pagkasagot ko.
"Nasa condo ako ni Drake." Simpleng sagot ko kay Jack.
Narinig ko namang napabuntong hininga pa ito bago ito magsalitang muli.
"Akala ko nasaan ka. Hindi mo kasi ako nirereplyan kaya tinawagan na kita. Okay kalang ba?" Tanong naman nito.
Bakas talaga sa boses ni Jack ang pag'aalala.
"Oo, okay lang ako. Uuwi nalang ako agad bukas nang umaga. Pasensya na hindi ako nakapagpaalam sayo. Nawala rin kasi sa isip ko. Nagkasakit si Drake ngayon walang kasama kaya hindi ako maka'alis ngayon. Wag kang magalala okay lang ako. " Pagpapaliwanag ko sa kanya
"Mabuti naman. So, makakatulog narin ako. Ingat ka palagi travs. Umuwi kana dito bukas miss na kita agad." Biro nito.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Jack.
"Loko! Sige matulog kana. Uuwi talaga ako bukas." Sabi ko.
"Sige. Goodnight travs." Paalam nito.
"Goodnight Jack." Sagot ko saka pinatay kona ang tawag.
Tinignan ko naman ang oras sa phone malapit nang mag 4AM pero hindi parin ako ina'antok kaya napagdesisyonan kong puntahan si Drake sa kawarto niya para icheck ulit ito.
Pagbukas ko nang kanyang pinto di hamak na mas mainit dito sa kwarto niya dahil walang aircon dahil pinatay ko ito kanina.
Tinignan ko naman si Drake na maaliwalas na natutulog sa kama niya. Nilapitan ko ito saka pinagmasdan ang kanyang mukha.
"Ang bait mong matulog" nasabi ko nalang habang pinagmamasdan shang natutulog.
Umupo naman ako sa gilid nang kama niya para mas mamasdan sha sa malapitan.
Hindi ko talaga maitatanging napakagwapo ni Drake.
Ang ganda nang hugis nang mukha nito. Matatawag na sanang perekto kung hindi lang kasama ang ugali sa bilangan.Napabuntong hininga naman ako saka hinawakan ang bandang noo ni Drake para ramdamin kong may lagnat paba ito.
Normal na ang init ni Drake. Nanatili akong nakatingin sa mukha niya unti-unti naman bumaba ang kamay ko mula sa noo niya papunta sa kanyang mga pisngi. Niramdam ko ang kanyang pisngi. Napangiti naman ako
BINABASA MO ANG
LIFE IN A CAROUSEL RIDE
HumorLife In A carousel RIde Subaybayan ang kwento ni Travis Millan kung paano niya haharapin ang buhay. Ramdamin ang kilig, saya at sakit. Samahan natin ang mala carousel na buhay ni Travis. M2M Stories of Love Original creation of Jim.