Ride of Jackson:
Hi, I'm Jackson Gnaw basta (naw yan) hahahaha. Classmate ako ni Travis mula grade 7 until now. Hindi kami napaghiwalay hahaha ang tibay. Pero seryoso kaibigan ako ni Travis. Si travis kasi ang seryosong tao niyan. Pala-aral at masipag paramg kilalang kilala ko nanga ata siya pero minsan talaga may bagay akong napapansin sa kanya. Hindi ako sure kung tama ba pero ako lang talaga ang nakakahalata siguro?
So much for that. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa motor ko. Actually nasa dulo kasi ang parking lot nang mga motor kaya medyo mahabahaba ang lakad papunta doon.
Napalingon ako sa likod nang mapansin kong walang nakasunod sa akin.
Nakita ko sa di kalayuan si Travis kausap niya yung F4 sa campus.
Oo, F4 kasi mga pagwapo yung apat nayun sila Drake, Ivan, Raz, at Gray. Sila lang naman kasi ang mga sikat na lalake sa loob nag UO. Kaya naman nagtataka ako ngayon kung bakit kausap ni travis ang mga ito.
Bahagya akong bumalik sa paglalakad para sana ayain si Travis papunta sa motor ko. Isa din sa pinagtataka ko kung bakit sa southside ang punta ni Travis pero hindi ko naman siya tinatanong kung ano talaga ang pinipunta niya roon. Privacy kumbaga.
"Trav-......"
Tatawagin kona sana sha nang biglang magsalita ang isa dun sa F4.
"Travis, Sama kana sa akin." Sabi ni Drake.
Napatingin naman doon si travis sa direksyon ni drake.
"May kasama po kasi ako." Sagot niya dito.
(Napaka pormal naman ata nang pagsagot ni travis kay drake) Nasa isip ko.
Liningon ako ni travis at tsaka sinenyasang lumapit sa kanila.
"Ito ang kasama ko. Kilala niyo naman siguro sha diba?" Sabi niya sa mga F4
"Yeah, the same guy again." Sabi bigla ni Ivan.
Hindi ko alam kung anong reaction ang pinapakita ni Ivan at ewan ko kung napansin ba ito ni travis pero bakit parang ang asim naman ata nang pagakakasabi niya noon. Para akong may atraso sa kanya. Ewan koba!
"Ah mga pre, sasabay kasi si Travis sa akin. Inaya ko kasi sha kanina" sabi ko nalang sa kanila.
"Ah, oo sakanya ako sasabay. Sa susunod nalng ako sasabay sayo drake." Sabi ni travis kay drake.
Medyo nagtataka man ako kung paano sila nagkilala nang mga F4 pero hindi kona ito ginawabg bigdeal.
"Una na kami mga pre" Pagpapaalam ko dun sa F4
Wala silang sagot kaya sinenyasan ko naman si travis na sumunod na sa akin.
RIDE OF TRAVIS:
"Una na kami" sabi ko naman sa kanila. Pero umuna na nang talikod si drake at tsaka pumasok sa sasakyan niya.
"Sige enjoy your time with the same guy" sabi naman ni Ivan sa akin.
Tinanguan ko nalang ito at tsaka napatingin kila Raz, at gray. Si gray nahuli kong seryoso ang tingin sa akin ngunit sinenyasan ko nalang ito na aalis na ako at tsaka tumalikod sa kanila at sumunod na kay jack.
--------------------------------
"Dito nalang ako" sabi ko kay jack nung dumating kami sa southside bldg.
Tinangal ko ang muna ang helmet tsaka nagpasalamat sa paghatid nito sa akin.
"Maraming salamat jack." Pagpapasalamat ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
LIFE IN A CAROUSEL RIDE
HumorLife In A carousel RIde Subaybayan ang kwento ni Travis Millan kung paano niya haharapin ang buhay. Ramdamin ang kilig, saya at sakit. Samahan natin ang mala carousel na buhay ni Travis. M2M Stories of Love Original creation of Jim.