Ride of Travis
Naglalakad ako sa hallway. Hindi ko batid ang nararamdaman ko ngayon. Nalilito ako, kinakabahan. Maraming tanong ang dumadaan sa isip ko.
Bakit?
Kailangan paba?
Para saan pa?
Honestly, takot ako baka kung ano-ano na namang masasamang salita ang sabihin niya sa akin.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Panalo ang pangalawang game namin kanina at tanggap nadin ako bilang working student sa canteen kailangan ko lang daw mag i'followup ang mga forms.
Medyo madilim na dahil almost 6pm na nang gabi maginaw din ang paligid dahil parang uulan ngayon. Nagtext narin sa akin kanina si Jack pero hindi ko ito nireplyan. Nandito parin ako sa school.
Hindi ko alam! Dapat ngayon oras na ito pauwi na ako sa bahay nila jack.
Habang naglalakad pansin kong kakaunti nalang ang tao sa loob nang campus ang iba naman ay nagliligpit na nang mga booths na ginawa nila may mga athletes din na palabas na nang campus.
Nasa may auditorium ako nang may marinig akong kaluskos mula sa hallway sa likod ko kaya nilingon ko ito.
"Sino yan?" Sigaw ko.
Madilim na sa parteng iyon. Kaya medyo natatakot ako pero naglakas loob akong tingnan ang naroon.
Pagtingin ko walang tao kaya agad akong naglakad palabas nang building.
Pagkalabas ko sa building ay siya namang pagsimula nang buhos nang ulan kaya napabalik ako sa building upang sumilong.
Napakaginaw nang paligid dahil kaharap nang building ay ang open ground kaya malakas ang ihip nang hangin dito. Plus naka pang jersey lang ako ngayon dahil matapos ang laro hindi kona inabalang maglinis nang katawan dahil sana gusto konang sa bahay nalang nila jack maligo kaya ngayon medyo nanginginig na ako sa ginaw.
Patuloy parin ang pagbuhos nang malakas na ulan nang may biglang nagpatong sa akin nang isang makapal na tuwalya. Kaya nilingon ko kung sino ito.
"Drake?" Usal ko.
"Giniginaw kana. Kaya sayo na muna yan." Sabi niya nang hindi naka tingin sa akin.
Napatingin din ako sa kawalan. Kinakabahan ako ngayon. Dahil nasa malapit sha, hindi ko alam ang magiging reaction dapat.
Nanatili lang akong tahimik ganun din siya. Patuloy parin talaga ang buhos nang ulan, chineck ko ang phone ko 7:15PM na. Marami nadin akong natanggap natext mula kay jack.
"I can't imagine talking to you again right now." Bigla niyang sabi.
Nilingon ko naman ito pero nanatili parin itong naka tingin sa buhos nang malakas na ulan.
Hindi ako sumagot. Ibinalik ko rin abg tingin sa ulan.
"I don't know why but it makes my condo incomplete without you." Sabi niya.
Napatawa ako nang bahagya. Kaya napalingon sha sa gawi ko.
"What's funny?!" Tanong niya.
"Kailangan mo lang nang tagalinis. Bat di ka mag hire nang bago? Diba? Para naman maging completo ulit yung condo mo." Sabi ko sa kanya.
"I trusted you travis. Sana sinabi mo agad sa akin sa simula palang para hindi kita napagsalitaan." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
LIFE IN A CAROUSEL RIDE
HumorLife In A carousel RIde Subaybayan ang kwento ni Travis Millan kung paano niya haharapin ang buhay. Ramdamin ang kilig, saya at sakit. Samahan natin ang mala carousel na buhay ni Travis. M2M Stories of Love Original creation of Jim.