Ride of Travis.
Maaga akong nagising kinabukasan. Agad akong naghilamos at dumeretso sa kusina upang magluto. 5:30 am palang maaga pa kaya alam kong tulog pa si drake sa mga oras na ito.
Agad akong nagsaing para may rice, ugali kasi ni drake na mag agahan. He prefer eating breakfast than lunch yan ang sabi niya sa akin.
Habang nagsasaing sa rice cooker nag prepare naman ako nang egg, bacon at hotdogs. Simpleng pang agahan lang talaga.
Mabilis na tumakbo ang oras malapit nang mag 7am kaya kailangan ko nang magprepare para pumasok.
Iniligpit ko muna ang mga ginamit ko sa pagluluto at inayos ko muna ang mesa bago ako pumasok ulit sa kwarto ko para maghanda sa pagpasok.
Habang nasa loob nang banyo maraming pumapasok sa isip ko. Bakit ganon ang pikikitungo ni Ivan sa akin. Maraming bumabagabag sa isip ko pero mas nangingibabaw talaga ang salitang " KAILANGAN KO TALAGA ANG TRABAHONG ITO KAYA KAILANGAN KONG MAG INGAT".
Nagmadali na ako sa pagkilos para makapunta agad sa school. Ayaw kong makipagsabay kay drake sa pagpasok kahit ina'aya ako nito dahil sa pagpasok palang nang kotse niya sa loob nang campus ay agaw pansin na. Ayoko sa maraming atensyon kaya mas gusto kong ako na llang mag isa ang papasok.
Isinuot ko ang uniform namin na may kulay na gray at white. At sinuklob ang bag sa aking likod.
Lumabas ako nang kwarto ko at tsaka dumeretso sa kusina. Nadatnan kong kumakain si drake habang nakatingin sa kanyang phone.
"Masamang kumakain habang naka atupag sa cellphone" parining ko sa kanya.
Agad naman siyang napatingin sa gawi ko.
'Ahh, you look ready. Sabay na tayo, masyado pang maaga sa first class ngayon ah?' Sabi niya sa akin habang ipinasok niya sa bulsa niya ang phone niya.
"Wag na, gusto ko kasing maagang pumasok. May hahabulin akong assignments na hindi ko na copy last time." Sabi ko sa kanya.
'Oh, I see okay.' Sagot niya nalang sa akin at tinuloy na ang pagkain.
Agad kong kinuha ang baonan na maylamang kanin at hotdogs. Ginawa ko ito para tipid sa lunch mamaya. Last time kasi pinadala ko lahat yung unang sahod ko sa pamilya ko. Okay naman kasi may pagkain naman akong nababaon at medyo malapit lang ang school sa condo ni drake kaya nilalakad ko nalang ito.
"Una na ako sayo" Pagpapaalam ko kay drake.
'Wait trav!' Sigaw niya sa akin at nagamamadaling pumasok sa kwarto niya.
Nagtataka man ako pero sumunod nalang ako malapit sa pinto nang kwarto niya.
'Here' abot sa akin nang isang brown na sobre.
'Sweldo mo yan for the last week. Monday ngayon kaya I prefer giving it to you kasi alam kong magagamit mo yan for the whole week.' Sabi pa niya habang nakangiti.
Napangiti naman ako habang tinatanggap ang sobre pero bigla niya itong itinaas sa ere.
.
.
.
.
.
'Wait before anything else cook me an adobo for tonight. It really tastes so good kaya lang may asungot di ko na enjoy mashado.'
Sabi niya sa akin habang nakangiti.Naflatter man ako sa mga sinabi ni drake pero hindi ko ito pinahalata. Sinagot ko nalang siya nang isang ngiti at tsaka sinabing.
"Okay, I will master." Birong pagkakasabi ko sa kanya.
Nakangiti niya nang inabot ito sa akin at tsaka ginulo niyang bahagya ang buhok ko.
Nabigla man ako pero hindi kona ito pinansin agad na akong nagtungo palabas nang condo niya.
BINABASA MO ANG
LIFE IN A CAROUSEL RIDE
HumorLife In A carousel RIde Subaybayan ang kwento ni Travis Millan kung paano niya haharapin ang buhay. Ramdamin ang kilig, saya at sakit. Samahan natin ang mala carousel na buhay ni Travis. M2M Stories of Love Original creation of Jim.