Ride 17

237 27 3
                                    

Ride of Travis:

Kakarating ko lang sa condo mula sa amusement park. Hinatid ako ni Gray hanggang sa lobby nang condominium. Lubos talaga ang saya ko ngayon dahil sa pagdala ni Gray sa akin dun sa amusement park.

Umupo na muna ako sa sofa dahil medyo napagod ako sa naging lakad namin. 
Its already 6:48PM pero parang hindi ko feel ang presensya ni Drake dito sa condo. Siguro gumagala oa sila ni Andrea ngayon.

Hindi ko muna inabalang mag prepare nang kakaining dinner dahil medyo busog pa ako. Siguro naman kakain din si Andrea at Drake dun sa labas kaya nag pahinga na muna ako sa sofa.

Habang nagpapahinga sa sofa naisip ko ang mga nangyari kanina. Mula sa pagsakay ko nang carousel. Sa mga ngiting pinapakita ni Gray sa akin. I know parang ang weird nang dating niya sa akin pero hindi ko talaga inimagine na may ganung side sha. Kanina parang ibang Gray ang kasama ko. Parang ang alive niya kanina malayo sa nakikita kong Gray dito at sa school. Habang nag iisip biglang tumunog ang phone.

Tinignan ko ang phone ko. May nag text isang unregistered number pero parang familiar ito.

*From: 0915*******

Its me Gray. Thanks for today travis. 😊

Scrinoll up ko ang conversation.

*Already here.
Basa ko sa past text nang number ni Gray sa akin.

Wtf! So siya? Siya pala sana yung makakausap ko sa Garden?!

Magtatype na sana ako nang reply nang biglang bumukas ang pinto nang condo kaya napatingin ako doon.

Its Drake.

Pumasok sha sa agad sa kwarto niya. Hindi ko alam pero parang ang hindi maganda ang awra niya ngayon. Kasi padabog niyang sinara ang pinto nang condo ganun din ang pinto nang kwarto niya.

Nagtataka man binalik ko ang tingin ko sa phone ko pero ilabg saglit lang bumukas ulit ang kwarto ni Drake at lumabas ito.

"Nagluto kana? Gutom na ako." Medyo may diing pagkakasabi nito.

Medyo kinabahan ako kay Drake ngayon dahil mukhang hindi talaga maganda ang timpla nito ngayon. At hindi pa ako nakapagluto talaga pero sinagot ko sha.

"Ah- Drake, hindi pa kasi ako nakapagluto" Mahinahon kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"What!? Hindi kapa nakapagluto?!" Inis na tanong nito sa akin.

Medyo napayuko naman ako tsaka sumagot.

"A-akala ko po kasi sa labas kayo kakain ni Andr-"

"May nasabi ba akong sa labas ako kakain?! Wala! What the f! Travis. Ano bang silbi mo?!" Mataas na boses na sabi nito sa akin.

Medyo nasaktan man ako sa mga pinagsasabi ni Drake sa akin ngayon nanatili lang akong nakayuko at hindi sumagot.

Naramdaman kong medyo lumapit sha sa gawi ko. Dahil sa ibaba kitangkita ko ang paa niya na nakasoot nang tsinelas.

"Ano travis?! I didn't hire you here just to be a prince. I don't need useless persons inside in my condo. I don't need someone who hangouts anywhere na parang hindi ko sinasahodan." Malakas na sabi nito sa akin.

LIFE IN A CAROUSEL RIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon