Chapter 1 (Gusto ko siya)
Leavael POV
Hello,
“Can I have you?”
“Can I hold you?”
“Can you love me back?”-Love Count-
Augh! Naiinis ako! naiinis ako! Naiinis targa ako. Akala ko ako na ee. Yun pala isa lang malaking akala ko yun. Malaking A-K-A-L-A. akala ko napansin niya na ako ee. Akala ko may pag asa na ako sakanya ee. Akala ko napansin na niya ang mga pagpapacute na ginagawa ko. Pero hindi pala. Ang saklap naman ng buhay pag ibig ko.
“Uwaaaaaah”-Ako
OO, iyak yan. Umiiyak lang naman ang duguan kong puso. Heto ako naglalakad sa hallway ng school, dala dala itong Love letter ni Count para sa Bestfriend.
Si Count na Pogi.
Si Count na Gwapo.
Si Count na makisig.
Si Count na mala Adonis ang hubog.
Si Count na sikat.
Si Count na crush ko.
Si Count na mahal ko, simula nung mga sinabi niyang katagang nagpabaliw sa puso ko. Ikaw ba naman sabihan ni Count ng ganito
“I see my future wife in you”-Count
Yan yung eksaktong sinabi niya saakin nun. Hindi ko lang alam kung tama ba yung gramar niya nun. Kaya lang akala ko na naman ako yung tinutukoy yun pala yung babaeng nakaprint pala sa damit ko. Huhuhubels.
Tama kayo ng iniisip ang Bestfriend kong nag ngangalang Bressaivie David ang nakaprint sa Damit ko. Kasali kasi siya ng pageant nun ee. Kaya ganun ang suot namin. At dahil very supportive Bestfriend niya ako. Ako yung nagprisentang Campaign manager niya.
Nakakainggit nga yung Bestfriend ko ee. Bukod kasi sa Maganda, mabait pa at matalino pa. Oh diba sinalo niya na lahat ng magagandang bagay nung nagsaboy ang nilikha ng kabutihan. Ako kaya bakit ? bakit? Bakit hind niya ako kagaya.
Although maganda naman ako. Kaya lang hindi ako palaayos sa sarili at hindi ako Filipina beauty ee. Half British kasi ako ee. Sa iba nga gandang ganda sila sakin ee. Pero ako hindi, hindi kasi pang pageant ang beauty ko ee.
BINABASA MO ANG
Count... Choose me (Finish but NOT EDITED)
Adventure“You will never regret loving me”- Leavael Lavish