Chapter 27 (Sana noon pa)

251 8 0
                                    

Chapter 27 (Sana noon pa)

 

 

Nate POV

 

 

Graduation na. Tama pa ba itong ginagawa ko? I mean namin. Tama bang magpanggap nalang ako hanggang ngayon sa harapan ni Leavael na wala akong alam gayong alam ko na ang lahat ng tunay na nangyare? Hanggang kailan ko kayang itago ang lahat kay Leavael? Alam ng Diyos kung gaano ako nahihirapan na itago ang lahat. Sabi niya sakin ayos na siya. Na nakamove-on na siya. Halata naman yun sa mga kinikilos niya ngayon pagkagaling namin sa New Jersey ilang buwan na rin ang lumipas. Sana nga totoo rin ang mga sinasabi niya sakin.

“Congrats Babe”-Leavael

Pero bakit nakikita ko sa mga mata niya ngayong hindi naman talaga siya ganun kasaya? Iba kasi talaga yung gustong ipahiwatig ng mga mata niya ee. Yun bang parang may kulang sa Graduation namin, yun bang may hinahanap parin siyang taong makapagpapasaya sakanya.

“Congrats din Babe, ilan medal mo?”-Ako

“Feelingero, Oo ikaw na Suma Cumlaude at 2nd Honorable Mention lang ako, ang yabang mo talaga”-Leavael

She pouted as she’s done saying her speech, OO matatawag mo na yung speech nagsimula na yan nung pinalaya na namin ang isa’t isa dahil alam naman namin na hindi na talaga namin mapipilit na magmahal muli si Leavel ayoko kasing masakal pa siya sakin nun kahit hindi naman ako nakakasakal at umasang mahal ko pa rin talaga siya.

Kelan ko rin lang napagtanto na mahal ko nga si Leavael pero hanggang parang kapatid nalang at hindi na kasing intense na gusto ko siyang maging girlfriend or what so ever. Siguro sadyang nakasanayan ko lang sa sarili ko na si Leavael ang gusto ko. Halos si Leavael na kasi ang araw araw ko nuon ee.

Narealized ko yun ng makita kong umiiyak si Leavael sa sahig ng Airport. Remember nung umalis sila Count kasama si Aivie, yung mga panahon palang na yun, narealized ko na may gusto na pala ako kay Aivie ng hindi ko alam kung bakit? At kung paano nangyare ang mga bagay na yun.

Muntik pa nga akong nakisabay na umiyak kay Leavel ee. Sadyang pinigil ko lang dahil ayokong makita niyang pinannghihinaaan din ako ng loob, gusto ko kasi nun na maging malakas ako sa mismong harapan ni Leavael ng sa ganun maging matatag siya.

“Congrats Ate at Kuya Panget”-Juniora

Count... Choose me (Finish but NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon