Chapter 4 (Sabay kaming uuwi)
(Author/HaveUHeardMy1stName:Continuation po ito ng flashback sa chapter 3, as you can see wala pa po akong nilalagay na +End of Flashback+)
================================================================
Aivie POV
Nalaman ko man na his heart was taken, hindi ako nawalan ng pag asa lalo pa nung nalaman ko na ang Bestfriend kong si Leavael Lavish pala yung sinasabi niyang babae, alam naman ng sangkatauhan na ang gusto ni Leavael ay si Count.
“Sisteret, ice cream tayo”-Leavael
“Bawal, diet ako ngayon malapit na pageant”-Ako
Hindi talaga pwede sakin ang mga sweets ngayon ee. Required lang na kainin ko mga less fat na food kaya madalas hindi ko na mapagbigyan si Leavael sa mga gusto niya. Hindi lang yung about sa food, kagaya nalang ng hangouts hindi ko na siya nasasamahan kasi nga bukod sa sumasali ako ng pageant, isa rin kasi akong free lancher na model ee.
“Hmmm, Diet diet, ehdih ako nalang”-Leavael
“Sorry talaga Sisteret, next time nalang”-Ako
“Wala ng next time, ngayon lang nga ulit kita yayayain ee”-Leavael
“Promise next time”-Ako
“Hmm, neknek mo, sayo na yang sexy body mo”-Leavael
“Pagtapos ng pageant kahit ilang galoon ng ice cream pa yan”-Ako
Biglang nagningning yung dalawang mata niya sa sinabi ko. Basta talaga pagkain itong mistisang amerikana na ito, susunggapan agad.
“Waaaaaaaaaaah, targa Sisteret? Sabi mo yan aa”-Leavael
Tuwang tuwa yung bata sa sinabi ko. Hindi ko naman kayang tiisin ang Bestfriend ko ee. Ayoko ng nasasaktan yan, kasi feeling ko mas nasasaktan ako. Halos kapatid na ang turing ko jan ee. Napaka isip bata niya kasi at her age, kahit na isang buwan lang naman ang tanda ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Count... Choose me (Finish but NOT EDITED)
Adventure“You will never regret loving me”- Leavael Lavish