Chapter 25 (Nandirito lang ako, naghihintay)

244 8 0
                                    

Chapter 25 (Nandirito lang ako, naghihintay)

 

 

Leavael POV

 

Ito na ang pang labingwalo at huling araw ng paghahanap ko kay Count. May nakapagsabi kasi sakin na ang ibinigay na address ni Fhydah sakin ay ang address kung saan nakatira dito sila Count.

-Number 018,42nd Street Black gate Near Time square at New Jersey and it’s a Good luck, Binibini-

Dala ko parin ngayon yung binigay niya sakin at kasalukuyan akong naglalakad dito sa empty street ng 42nd street. Sa paghahanap ko kasi nun kay Count, minabuti kong magrenta ng Transient dito para incase na gabihin na ako may malalagian ako.

Cold Winter kasi ngayon at ang mga tao dito balot sa winter garments at halata mong pati na ata ang bedsheet ng kama nila nakapulupot na sakanila. Nakakatakot talaga maglakad dito. Cause I have 3 neighbors lang at magkakalayo pa ang mga yun.

Sa unang bahay na nadadaanan ko bago ako makarating sa transient ko ay napakatahimik, as in, ni wala kang marinig na kahit ano, tahol ng aso, tunog ng auto, huni ng musika at kung ano man. Tanging naririnig ko lang tuwing dapit hapon na ay ang pagsara ng nag-iisang bintana ng bahay na yun. Ang laki kaya ng bahay na yun. Minsan nga iniisip ko multo siguro ang nakatira dun.

Sa pangalawang bahay naman ay maingay nga, maririnig mo ang araw-araw na pagtatalo ng mag-asawa duon, yung babae grabe ang boses, sobrang matutina at oras oras siguro ang pagssmoke, wala araw na hindi ko yan makitang nakamake-up ang mukha, maging nga ata sa pagtulog niya nakamake-up na siya ee. Yuck hindi naghihilamos man lang. Tuwing umaga kasi nagwawalis yan ng bakuran nila ee. Na halatang may panis pang laway sa labi niya.

At sa tuwing may mga namamasko o nagbebentang kung abu-ano sa tapat ng bahay nila, naku yung boses na niyang matutina ang maririnig mo at ang mala almalight na pagmumura niya, pag hindi pa yan kuntento bubuhusan ka niya ng mainit na tubig. Sa tuwing dumarating naman yung asawa niyang lasinggero hala dun ka na makakakita ng live show na boxing.

Sa dalawang bahay na yun, medyo ok pa sakin, pero meron itong isang bahay na nasa dulo pero harapan lang ng maliit na bridge ang sobra akong tinataasan ng balahibo. Dun lang kasi talaga yung maraming nagdadaan na Taxi kaya naman dun ako madalas tumambay para mag-abang.

Nakakatakot kasi yung mata nung matandang lalaki duon, mapupula ang mata niya at kakaiba yung mismong bilog ng mata niya. Pagtinitignan niya nga ako para bang binabasa niya oh nababasa niya yung isip ko.

“Take Care Sweety, theres an asshole in there”

 

Yun ang madalas niyang paalala sa akin at sa tinagal ko na dun, hindi ko pa naman namemeet yung sinasabi niyang Asshole daw at ayoko man siyang makadaumpalad man lang. baka halang ang kaluluwa niya at ito pa ang napansin ko, Gabi lang kung lumabas ang mga tao dun at tuwing umaga naman nakatakip lang na itin na kurtina ang lahat ng bintana ng bahay na yun. May sakit ba sila sa balat? At ayaw ng araw? Oh baka bampira sila? Pero sabi ng mga taxi driver mga killer daw ang mga tao dun kaya wag na wag ko daw silang lalapitan.

Count... Choose me (Finish but NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon