KABANATA 6
NAKAITIM NA ESTRANGHEROTREVOR Point Of View
Nasaan na kami? Bakit parang hindi ko nakikita ang iba pa naming kasama? Napalingon ako sa likuran ko habang nakahinto kaming tatlo nila Pearl at Skyler hanggang ngayon kase humuhugot parin ako ng hininga ko na tila magkakaroon pa yata ako ng hika kakatakbo.
"Nasaan na tayo?" rinig kong tanong ni Skyler habang nakayuko siya at yung dalawang kamay niya ay nakalagay sa may dalawang tuhod. Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit hindi namin alam kung nasaan kami ngayon. "Nakakatakot naman dito." rinig kong sabi ni Pearl habang nanginginig na sa takot.
Ilang minuto ang lumipas sa kagubatang ito. Mayroon kaming sari-saring tunog na naririnig. Isa na dito ang huni ng mga kwago, kuliglig, tuko at alulong ng mga aso. "Ano ba 'tong pinasok nating lugar?" wika ni Skyler habang inaalog niya yung phone na unti-unting lumalabo. "Makisama ka naman please!" pakikiusap nito habang tinitignan namin ang ginagawa niya.
Sa hindi kalayuan ng direksyon namin. May nahagip ng ilaw si Skyler na kaagad naming ikinatakot. Isang tao na may suot na itim na balabal. Sinubukang pailawan ni Skyler iyon ngunit hindi ito gumalaw man lang. Sa paglapit ko ng dahan-dahan. Napahinto ako saglit dahil napansin kong tila nakayuko siya at nakatingin sakin. "Manong, alam nyo po ba ang daan palabas nitong gubat?" pagtatanong ko ngunit wala akong tugon na nakuha. "Manong, nasaan po ba yung daan patungong labasan?" tanong ko pa ulit. Gumalaw siya ng bahagya habang hawak-hawak niya yung baston na itim.
"Manong pipi po ba kayo o bingi?" tanong ni Skyler habang nakatingin dito.
"Babe, tara na mukhang wala naman tayong makukuhang kasagutan sa mamang yan!" pagyayaya ni Pearl sakin na may takot na nadarama.
Akma na sana kaming aalis ng biglang makarinig kami ng isang boses ng lalaki na nagsalita. "Mag-ingat kayo. Susunod ka na lalaking may hawak ng ilaw!" napatingin kami rito at naibaling din namin ang atensyon kay Skyler. "Anong ibig nyong sabihin?" natatakot na sabi ni Skyler.
"Mag-ingat ka dahil isusunod ka sa papatayin!" wika pa nito habang nakaturo ang hintuturo nito sa kasamahan namin. Nanlambot si Skyler na tila lantang-gulay atsaka nanakbo papalayo sa amin. "SAAN KA PUPUNTA?" sigaw ko rito ngunit hindi ito lumingon man lang.
"Sundan nyo siya. Kailangan niya ng tulong nyo!" pag-uutos ng matanda sa amin.
Sinundan namin si Skyler sa kagubatan kahit wala kaming flashlight. Ang tanging daan namin sa paghahanap sa kasama namin ay ang ilaw na nilalabas ng bilog na buwan na tila sumusunod sa amin. "SKYLER, NASAAN KA?" tawag ko sa pangalan niya ng pasigaw.
Magkahawak kamay kaming tumatakbo ni Pearl hinahanap ang kaibigang lumayo dahil sa kanyang narinig na ikinatakot niya. "SKYLER!" pagtawag naman ni Pearl.
Lumipas ang ilang minuto naming paghahanap sa gubat. Hindi na muli namin siya nakita. Hindi namin alam kung saan na nagsususuot ang lalaking yun pero hindi kami tumigil sa paghahanap dahil umaasa parin kami ni Pearl na makikita't makikita namin siya.
"Ilang minuto na tayong naghahanap kay Skyler pero wala pa ring nangyayari." pag-aangal ni Pearl. Napahawak siya sa kamay ko marahil may napansin siya na tila isang babae na nakalutang daw sa lupa. "Trevor, hindi ba'to sementeryo?" tanong niya sakin matapos makita ang mga kahoy na hugis krus na nakatusok sa mga lupa. "Oo sementeryo 'to. Pero paano nagkaroon ng ganito dito?" wika ko ng may pagtataka. Lumakad kami ng isang step at mayroon kaming nakita na isang lalaki na mukhang namatay sa giyera noong 1890's siguro. Naka-puting suot na parang magsasaka at naka-mahabang pang-ibaba. May apat na tama ng baril ito sa kanyang dibdib na natamo niya yata sa giyera na agad nitong ikinamatay. "Natatakot na ako." rinig kong winika ni Pearl habang mahigpit siyang nakakapit sa kaliwa kong kamay. "Babe. Don't be afraid. Its just a soul na kailangan lang ng hustisya para makaakyat na sila ng langit." pagpapaliwanag ko.
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!