Kabanata 4

806 17 0
                                    

KABANATA 4
ANG PAGPAPARAMDAM

PEARL Point Of View

Ilang minuto na akong naglalakad sa madilim na kagubatan na ito ng wala manlang hawak-hawak na flashlight. Hindi ko alam kung nasaan na ba ako ngayon? Hindi ko makita ang tamang daan at mas lalong hindi ko alam kung nasaan na nga ba ako ngayon.

Sa paglalakad-lakad ko sa madilim na kagubatang ito. Mayroon akong naaninagan na tila isang bahay na mayroong katandaan na ang itsura nito. Madilim at tila wala ng nakatira. Nagse-second thought tuloy ako kung pupunta ba ako dito o hindi sa bahay na nakita kong 'to. Hindi ko alam kase kung ano ang sasalubong sakin kapag pumasok ako dito. Yung left and right brain ko ngayon nagtatalo dahil sa pag-iisip ko.

Ilang minuto ang lumipas kusang lumakad ang paa ko sa direksyon ng bahay na nakita ko. Pagpasok ko dito nabighani ako sa laki at luwag ng mga espasyo nito. Kahit na madilim nasisinagan ito ng buwan dahil nakatapat dito ang buong bilog na buwan. "Sino kayang nakatira dito?" tanong ko sa sarili ko. Habang naglalakad ako sa may sala yata ito. May napansin akong mga litrato na nakasabit sa may pader. I think ito yung may-ari nitong bahay.

Kinuha ko ito para tingnan ng malapitan ang itsura nito. "Ang tanda na nitong picture." wika ko habang hawak-hawak ko yung frame. "Maibalik na nga 'to!" muli kong sinabit yung frame sa pader ngunit natanggal ang sabitan nito kaya ito ay nalaglag. "Hala!" tangi kong nasabi. Bago ko damputin ito. Tumingin muna ako sa paligid baka mayroong taong dumating. Pakialamero ko kase. Akma ko na sanang dadamputin yung frame ng biglang may nakita akong nakasulat sa may likod ng litrato. "Mercedes, Benzene, Samara, Supremo, Valenciana, Diego at Devorah." basa ko sa mga pangalan. Sa tingin ko pangalan ito ng nagmamay-ari nitong bahay. "Ang gwapo nitong nasa gitna."pagpupuri ko sa isang lalaki matapos kong baliktarin ang picture mula sa harap nito.

Nang maisabit ko na muli yung litrato. Naglibot ako dito at nangapa para hanapin yung switch ng ilaw kung meron man. Todo kapa ako sa kada pader na nahahawakan ko kaso sa kada pindot ko naman ng switch ni isa wala manlang gumana. "Hindi siguro nagbabayad ng kuryente yung mga nakatira dito." pagbibiro ko tapos bigla na lang humangin ng malakas na ikinangatog ng tuhod ko. "Bakit biglang nilamig ako?" pagtataka ko. Napayakap ako sa sarili ko ng biglang may napansin akong isang lalaking nakaupo sa may bandang kusina. Nakatingin siya sakin na tila tinititigan niya ako. "Kayo po ba may-ari nitong bahay? Pasensya na po kung pumasok na lang ako bigla ng walang paalam" sambit ko dito. Kamukha niya yung lalaking nasa picture frame na nakasabit sa may Sala. Ilang segundo din siya nakatitig sakin kaya nung ipikit ko na ang dalawa kong mata ay bigla na lang itong nawala na parang bula sa muli kong pagmulat.

Sino kaya yung lalaking yun? Feeling ko napakatagal niya ng namatay dahil sa suot niyang pang-sinauna pa. I think mga nasa 1890's pa ang ganung klaseng suot. Sa paglabas ko ng kusina yata 'to. Nakaramdam ako ng takot sa dibdib ko. Pinagpawisan ako ng malamig kasabay pa nito ang hangin na malamig na ikinatayo ng balahibo ko sa katawan. Ano bang klaseng lugar 'to. Bakit pa kase ako lumayo sa mga kasamahan ko.

Pagdating kong sala. Muli na naman akong nakakita ng isang ligaw na kaluluwa ng isang babae. Maganda ang mukha at mukhang may sinasabi siya na hindi ko maintindihan. May bakas ng sugat ang suot niyang filipiniana na tila binaril noong mga nakaraang kapanahunan niya.

My knees is already shaking dala ng takot. Nang mapansin ko ang picture na nakasabit sa may pader. Nakita ko ang isang mukha na kahawig nitong babaeng nagpaparamdam sakin. "Tulong!" malamig nyang pagkakasabi kaya napatakip ako ng aking mata dulot ng takot rito.

Sa muli kong pagtanggal ng aking kamay sa mata ko. Hindi ko na muli siyang nakita. I will try to open the closed door but I can't. Pilit ko itong itinutulak pabukas ngunit walang nangyayari. The wind blowing so strong, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung hangin na nararamdaman ko ngayon. Walang bintana ang bahay na ito ngunit may pumapasok na hangin.

Sa oras na ito. Unti-unting nakakaramdam na naman ako ng isang elemento na tila sumasagi sa katawan ko. Lumalamig ang katawan ko na para bang may yumayakap sakin. Pilit kong hinahawakan ang door knob para buksan ang pinto ngunit wala parin. Hinampas-hampas ko na ang pinto ng napakalakas subalit hindi parin ito bumubukas.

Sa bandang hindi kalayuan may naaninagan akong isa na namang kaluluwa ng isang lalaki. Kulot ang buhok nito at may katangkaran. Nakalutang siyang lumalapit sakin ng paunti-unti hanggang sa napansin ko na lang ay nasa harapan ko na ito. "Wag kang matakot. Kailangan lang namin ng tulong mo!" wika nito. Napatakip ako ng tenga at hinipan ng bahagya yung ulo ko. "Lumayo ka sakin. Lumayo ka!" pag-uutos ko sa kanya ng may takot.

"Tulungan mo kami kung gusto mo pang mabuhay!" turan niya pa sakin. Sa muli kong paglingon sa kanya. Hindi ko na ulit ito nakita. Ano kayang ibig niyang sabihin? Bakit siya humihingi ng tulong sakin? Maraming katanungan ang namuo sa utak ko. Ngunit hindi ko alam kung paano ko ito lulutasin.

Sa muli kong pagpihit ng doorknob. Bumukas ang pinto at may nabunggo akong tao. "Pearl?" rinig kong sabi ng nakabungguan ko kaya dahan-dahan ko itong tinignan para kilalanin ito.

Nang makita ko ang mukha nito. Nakita ko sina Garnett, Lester at Trevor na nasa harapan ko. "Bakit? Anong nangyari sayo?" takang tanong ni Garnett sakin. Hinanap ko sina Skyler, Renzo at Tamara sa likuran nila ngunit hindi ko nakita. "Bakit parang namumutla ka?" takang tanong ni Trevor matapos makita akong takot na takot.

Hinawakan ako ng boyfriend ko sa magkabila kong braso ngunit tumanggi akong magpahawak sa kanya. "Don't touch me!" galit na tonong sabi ko sa kanya.

"Pearl naman. Patawarin mo na ako!" nakikiusap na sabi niya sakin.

"After ng nalaman ko. Mapapatawad pa ba kita?" tanong ko sa kanya. Pilit niya akong hinawakan sa aking kamay ngunit inaalis ko rin ito. "Huwag mo akong kausapin." sabi ko sa kanya. Pilit niya paring hinawakan ang kamay ko habang nagmamakaawa sa harapan ko. Sinubukan niyang lumuhod sa harapan ko ngunit pinigilan ito ng kaibigan namin na si Lester. "Pre, wag. Hindi ito oras para sa ganyan!" pagpipit nito sa boyfriend ko habang hawak-hawak niya ang braso nito.

"Pearl nung pumasok ka sa loob nitong Bungalow na 'to. Anong nakita mo?" pag-iiba ng usapan ni Garnett nang mapatingin siya sa bahay na nasa harapan namin.

"Madilim, nakakatakot tapos may mga nagpaparamdam." sagot ko sa kanya na ikinahawak niya ng mahigpit kay Lester. "You mean may nakatira ditong ligaw na kaluluwa o tao?" tanong ni Lester na seryosong-seryoso ang mukha habang nakatingin sa may bukas na pinto ng bungalow na 'to.

"May kaluluwang nagparamdam sakin kanina sa loob. Dalawang lalaki at isang babae. Humihingi ng tulong sakin." sagot ko sa tanong ni Lester.

Sa muling pagpasok ko na kasama sila. Napansin ko ang ilaw na nakabukas na ngayon. Sino nagbukas ng mga ilaw? Namuo sa mukha ko ang pagtataka dahil sa ilaw na nakabukas ngayon. "Si-sino nagbukas ng mga ilaw at chandelier dito sa Sala?" takang tanong ko habang nakatingala kami sa may kisame nitong bungalow.

"Eto siguro yung may-ari nitong bungalow?" tanong ni Lester habang nakatingin sa may picture frame na hawak ko rin kanina. Itinuro ko sa kanila ang mga mukha ng magkakapatid na nagpakita sakin kanina.

"Yung tatlong yan yung nakita mo kanina?" wika ni Trevor habang naktingin sa larawan.

"Oo silang tatlo." sagot ko.

Lumakad ako sa may bandang kusina tapos may napansin akong kakaiba sa may gripo na nasa lababo. Nakita kong may pumatak na dugo mula rito kaya napausog ako at nasagi ko si Trevor. "What's wrong?" tanong niya sakin ng may pagtataka. Umiling lang ako sa kanya atsaka hindi ko na pinansin siya.

"Pearl naman. Hindi mo parin ba ako pinapatawad?" rinig kong sabi niya. Hinawakan niya yung kanan kong kamay kaya napatigil ako sa paglalakad. "Babe, sorry na!" rinig kong pagmamakaawa niya.

"May gusto ka ba kay Tamara?" prangka kong tanong habang nakatalikod.

"No. Kahit kailan hindi ko magugustuhan yung babaeng yun. Atsaka di ba nagsabi tayo sa isa't-isa na sabay tayong haharap sa altar kapag ikakasal na tayo. Di ba?" sagot niya. Pumatak yung luha ko sa mata na agad ko ring pinunasan. "I remember that! Sa tingin mo lahat ng yun kaya mong gawin?"sagot ko saka ako humarap sa kanya.

"Ofcourse, please pakinggan mo naman ako" ani nya pa sakin.

"Once na inulit mo pa ang bagay na yun. Papatayin kita!" pananakot ko sa kanya. Tumango-tango lang ito atsaka niya ako niyakap ng mahigpit habang nakangiti ng malaki.

ITUTULOY

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon