KABANATA 14
PAGSISISIHAN
TREVOR Point Of ViewHabang pinapakalma namin ni Pearl ang kaibigan naming namatayan ng girlfriend. Natuon yung atensyon ko sa mga pangyayari na hindi ko na maintindihan. Maraming mga bagay ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Hindi ko alam kung kailan ba masasagot ang mga katanungang namumuo sa utak ko ngayon.
"Problema?" takang tanong ni Pearl sakin nung mapansin niyang tulala ako at tila sobrang lalim ng iniisip.
"Nothing!" pagsisinungaling ko sabay itinuon na namin yung atensyon namin sa kaibigan namin na naluluha dahil sa nangyayari. Mga ilang sandali pa, habang nakaupo kami dito sa may sofa. Napansin namin ang pagkilos ni Lester. Napatayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at lumakad ng ilang hakbang sabay nagsisisigaw. "SAMARA, LUMABAS KA MAGTUOS TAYO!" sambit niya ng pasigaw habang naluluha.
Akma ko sana siyang pipigilan ng biglang pinigilan ako ni Devorah. "Hayaan mo siya. Hayaan mong mapangal siya sa kakasigaw." aniya.
"HARAPIN MO AKO. LUMABAS KA!" sigaw pa nito habang iniikot niya ang paningin sa buong paligid.
Hindi ko na talaga kaya ang mga ganitong pangyayari. Kailangan ko ng kumilos para wala na muling mamatay sa mga kasamahan ko.
Sa pagtayo ko mula sa sofang ito. Nilapitan ko si Lester para pahintuin ito mula sa kanyang pagsisisigaw. "Pre, tama na. Hindi pa huli ang lahat." wika ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang braso niya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa habang nakatingin siya sakin ng masama. "AKALA KO BA IKAW YUNG SUSI HA? BAKIT WALA KA PARIN GINAGAWA?" sambit niya sakin ng pasigaw atsaka itinulak niya ako papalayo sa kanya.
"Pre, konting panahon pa!" ang tangi kong nasabi. This time I have no idea to solve this kind of problem. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula."KAILAN PA?" tanong niya sakin ng pasigaw. "HA! KAILAN PA? KAPAG PATAY NA AKO?"dagdag pa niya na ikinainis ko.
"LESTER, GIRLFRIEND MO LANG ANG NAWALA. NANDITO PA KAMI AT PAMILYA MO?" sagot ko sa kanya ng pasigaw din. Nang maramdaman kong tumulo narin yung luha ko sa mata. Napaupo ako muli sa may sofa habang tinitignan ko siya na unti-unting napapaupo na sa may sahig na tila mukhang nagsisisi.
"Boys kumalma naman kayo. Lahat tayo nahihirapan na kaya please lang itigil nyo na muna ang pagtatalo nyo." pakiusap ni Pearl sa amin habang nangingilid sa mata niya ang mga namumuong luha. "Kung gusto nyo ng makaalis dito. Magtulungan naman kayo. Hindi yung nag-aaway pa kayo!" dagdag niya pa.
Makalipas ang ilang minuto. Tahimik kami at wala manlang kumikibo sa amin. Siguro nagkakahiyaan pa kami ngayon dahil sa nangyari na pagsisisihan sa isat-isa. "Kumalma na ba kayo?" tanong ni Devorah na ikinabasag ng katahimikan dito. Napatingin ako sa kanya habang nakatuon ang tingin niya sa nakaupo naming kaibigan sa may sahig. "Mukhang kalmado ka na?" sabi nito kay Lester.
Sinuklian lang ni Lester ito ng isang mapait na ngiti habang nakahawak ang kamay niya sa gilid ng kanyang ulo na para bang namomroblema. "Gusto ko ng makaalis dito." rinig kong sabi niya. Napabuntong-hininga siya ng malalim habang unti-unting tumatayo mula sa kanyang pagkakaupo. "Puntahan nyo na lang ako sa labas. Gusto ko munang magpahangin." pagpapaalam niya.
Sa paglakad niya patungong pinto. Natigilan siya saglit na parang may nakalimutan siyang sabihin. "Pasensya na Trevor." paghihingi niya ng tawad sakin atsaka niya hinawakan ang doorknob sabay pinihit ito.
"Pre, sorry rin!" sambit ko rin sa kanya bago lumabas.
LESTER Point Of View
Sa paglabas ko ng bunggalo. Naupo ako sa may tapat ng pinto at nakasandal para magpalipas ng galit maski papaano. Hindi ko kase matanggap ang pagkawala ng girlfriend ko lalo na't nasa Sala parin yung katawan niya. Hindi ko kayang tignan siya ng ganun.
Akala ko sasabay kaming ga-graduate ni Garnett pero ng dahil sa katigasan ng mga ulo namin. Maraming kaibigan namin ang nawala ng dahil sa hindi namin pagsunod.
"Garnett, ako na lang sana yung namatay. At hindi ikaw?" tumulo yung luha ko sa dalawa kong mata ng may pagsisisi sa sarili. Hindi ko na kase alam ang gagawin ngayong wala na siya. Mamimiss ko yung mga araw na magkasama kami nung mga araw na hindi ko na alam ang gagawin ko. May time na down na down na ako pero buti na lang nandyan siya para tulungan ako nung mga araw na kailangan ko siya. At ngayon, wala na siya hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil wala na yung babaeng pinakamamahal ko. "Babe, kung nasaan ka man sana ngayon. Gabayan mo sana kami ng mga kaibigan mo na malutas ang napakalaking misteryo na 'to." wika ko habang umiiyak.
Nang maramdaman kong tila may nagbubukas ng pinto. Nagmadali akong nagpunas ng luha ko na humahalik sa pisngi ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Pearl matapos buksan ang pinto. "Yes okay lang ako." sagot ko kay Pearl na akmang umuupo sa harapan ko. "Kung kailangan mo ng makaka-usap. Nandito ako makikinig sa mga hinanaing mo!"
"Salamat Pearl." tangi kong nasabi tapos niyakap niya ako habang muling tumutulo yung luha ko na sumisilip kanina sa aking mata. "Ilabas mo lang yan. Mahirap kimkimin yang nararamdaman mo." wika niya pa habang tinatapik ng mahina yung likod ko.
Sa muling pagpasok namin. Sinalubong kami ng maaliwalas na mukha ni Trevor. Nakangiti ito habang nakatingin sa amin. "Pre, kumusta?" tanong niya sakin. Ngumiti ako sa kanya ng bukal sa aking kalooban pagkatapos ay naupo ako sa may tabi niya. "Trevor pasensya na kung uminit yung ulo ko kanina. Hindi ko lang kase matanggap yung pagkamatay ni Garnett. Sana mapatawad mo pa ako." paghihingi ko ng tawad.
"Alam mo namang PRE kita. Kaya pinapatawad na kita. Atsaka alam ko namang nadala ka lang ng emosyon mo kanina kaya ka nagalit sa akin."
Matapos niya akong mapatawad. Bumalik na sa dati ang samahan namin. Okay na kami at wala ng kinikimkim na galit ang bawat isa sa amin.
ITUTULOY
Don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!