Kabanata 19

552 16 0
                                    

KABANATA 19
PAGPAPARAMDAM NG MGA KALULUWA


PEARL Point Of View

Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad. Nagpahinga kami saglit sa may puno na nakahiga ang pagkakatubo. Kakaiba nga eh first time ko pa lang makakita ng ganitong klaseng puno. Pwede siyang higaan atsaka may bunga. Sa paglapit ni Trevor sa mga bunga ng Kaymito. Pumitas siya ng isa at kinain.

"Ang tamis!" usal niya.

Pumitas siya ng isa para sakin. Ibinato niya ito sa akin tapos dalian ko itong binuksan. Totoo nga. Matamis yung bunga kaso malagkit yung katas niya.

"Gusto mo pa?" pag-aalok ni Trevor sakin habang nasa may itaas siya ng puno.

"Oo. Hagisan mo pa ako ng isa!" sagot ko sa kanya habang inaantay ko yung paghagis niya ng kaymito sa direksyon ko.

Dala ng gutom. Naparami yung kain namin tapos sobrang lagkit na namin gawa nang katas ng kaymito.

"Hintayin mo ako dito. Kukuha lang ako ng tubig sa may ilog."pagpapaalam ko. Akma na sana akong tatayo ng biglang pinigilan niya ako.

"Sama ako. Alam mo namang delikado aalis kang mag-isa." wika niya sakin ng may pag-aalala.

"Oh sige. Sa bagay madilim eh saka nakakatakot." sambit ko sa kanya habang marahan niyang hinahawakan yung kamay ko.

"Let's go!" pagyayaya niya habang nakangiti.

Sa paglalakad-lakad namin sa gubat para pumuntang ilog. Napatingin ako sa kalangitan na lumiliwanag dahil sa buwan at bituin na kumikinang sa itaas.

"Ang sarap tingnan ng mga bituin. Parang mga diamante na nagkikinangan sa paningin ko."

"Kaya kong abutin yan para sayo!" wika niya sakin ng pabiro.

Napatingin ako sa kanya. "Asus, drama mo. Batukan kita dyan eh!" tugon ko habang napapangiti ako.

"Isang batok. Isang halik." biro niya sakin ng nakangiti. Natigilan ako sa paglalakad nung sinabi niya iyon.

"Ewan ko sayo!" tugon ko sa kanya saka  ako nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa may ilog. Agad kami umupo ni Trevor habang nakatupi yung tuhod namin. Sa paghuhugas namin. May naaninagan akong isang imahe sa may tubig na nasa harapan ko. Napatitig ako dito kaya medyo nawala ako sa pokus.

"Are you okay?" tanong ni Trevor sakin na ikinakuha ko ng atensyon.

"May nakita kase akong imahe ng babae sa may tubig kanina." sagot ko sa kanya. Hindi na bago sakin ang mga ganitong bagay kaya konting takot na lang yung nararamdaman ko.

Nakaaninag ako ng isang imahe ng babae na nakapang-filipiniana may katangkaran at sa tingin ko si Valenciana iyon ang kapatid ni Samara. Hindi ko alam kung bakit siya nagpapakita na naman sa paningin ko.

Matapos naming maghilamos. Agad narin kaming naglakad patungo sa punong kaymito. Sa aming paglalakad, marahang umihip ang hangin kasabay pa ng paglagaslas ng mga punong kahoy sa paligid.

Kaming dalawa ni Trevor napahinto saglit para pakiramdaman ang paligid. Nilingap-lingap namin ang madilim na paligid hanggang sa mayroong makita kami na mga kaluluwa. Isa-isang nagparamdam ang mga ito.

Ang mga kaluluwang nagparamdam ngayon ay ang mga kaluluwa ng pamilya Crisostomo at ng mga pumanaw naming kaibigan.

Isa-isang lumapit sa amin ang mga nagpaparamdam na kaluluwa pero dala ng takot ko ay napayakap ako sa boyfriend ko.

"Pearl 'wag kang matakot!" malamig na pagkakasabi ni Valenciana sa akin.

"Hindi namin kayo sasaktan!" sabi naman ni Garnett.

"Trevor iligtas ninyo ang sarili nyo!" malamig naman na sabi ni Renzo.

"Konting tiis na lang. Makakaalis na kayo sa kagubatang ito!" wika naman ni Devorah.

Nakatingin lang kami sa mga itsura nilang namumuti at lumiliwanag.

"Trevor, mag-ingat kayo kay Samara. Ang paglutas ng problemang ito ay nakasalalay sayo!" wika naman ni Lester.

Sinubukan ko silang hawakan ngunit nabigo ako. Tumagos lang ang aking kanang kamay  sa katawan nila. Para silang sinag at anino na kahit kailan hindi mo ito mahahawakan ngunit mararamdaman mo lang.

"Kung ako yung susi para matapos na 'to. Paano ko matatalo si Samara?" tanong ni Trevor sa mga kaluluwang nasa harapan namin.

"Trevor, kailangan mo lang makumpleto ang apat na bagay. Una ang alaga ni Samara na si Ismael. Pangalawa ang lubid na ginamit niya sa pagpapakatiwakal. Pangatlo ang litrato ng aming pamilya. Pang-apat ikaw..ikaw ang nag-iisa naming kamag-anak na hanggang ngayon ay nabubuhay pa." pagpapaliwanag ni Mercedes ang Nanay ng magkakapatid.

"Pero paano?" nalilitong tanong ni Trevor.

Napatingin kami ni Trevor sa tatay nila na si Don Benzene.

"Kumpletuhin mo lang ang apat na nabanggit ni Mercedes. Katulad sa pagpapakatiwakal ni Samara. Ibigti mo ang pusang itim pagkatapos patuluan mo ng dugo mo ang litrato namin nang sa gayon ay matapos na ang inyong kalbaryo at muling magliwanag ang kagubatang ito." sagot naman ni Benzene ang Tatay ng magkakapatid.

Medyo komplikado man ay pinilit itong isina-isip ni Trevor.

Maya-maya pa ay napansin namin ni Trevor na unti-unti na silang nawawala. Naglalaho na sila na para bang bula. At ngayon dahil sa tulong nila malulutas na namin ang mala-bangungot naming karanasan ngayon.

Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad. Narating na namin ang puno ng kaymito na nakahiga ang pagkakatubo. Naupo kami ni Trevor pagdating namin dito para isipin kung anong klaseng plano ang gagawin namin para makumpleto na namin ang mga kakailanganin namin para matalo si Samara.

"Kailangan pa nating mahuli yung pusang itim nang sa gayon ay mabigti na natin yun!" ani Trevor habang hawak niya yung lubid.

"Yung litrato pa?" tanong ko.

Napansin kong may dinukot siya sa kanyang bulsa na parang isang papel tapos ipinakita sa akin. "Don't worry sa litrato dahil nasa akin na." tugon niyang nakangiti.

"Di ba na kay Devorah yan?" tanong ko ng may pagtataka.

"Kanina nung natagpuan natin si Devorah. Nakita ko ito sa may tapat natin. Dahil kailangan natin 'to. Dinampot ko ito at itinabi para sa gagawin nating ritwal mamaya." pagkukwento niya.

Bakit hindi ko napansin yun. Ganun na ba ako ka-busy para hindi ko na mapansin ang ginawa niya. Hays! Yung isip ko kase nakapokus na lang sa iisa at iyon ay ang makaalis kami ng buhay ni Trevor dito.

ITUTULOY

Don't forget to vote and comment

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon