Kabanata 18

498 14 0
                                    

KABANATA 18
ANG HULING TUNOG NG KAMATAYAN


TREVOR Point Of View

"Paano na ngayon yan?" rinig kong tanong ni Pearl na may pag-aalala.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nanghihinayang sa naunsyaming pangyayari. Shem's naman kase nasa kamay ko na yung paka at sususian ko na lang nawala pa.

"Nakakaasar talaga. Bakit pa siya nakawala?" turan ko na may inis sa mukha.

"Trevor hindi ito ang huli natin siyang makikita. Nararamdaman ko na may kasunod pang pagpaparamdam ang gagawin ng kaluluwa ng Kapatid ko." sambit ni Devorah na ikinakuha ko ng atensyon.

"Nga pala. Saan ka ba galing kanina?" takang tanong ko sa kanya.

Tinanggal ni Devorah yung hoodie niya at lumakad papunta sa direksyon namin. "Umalis ako dahil mayroon akong inasikaso na isang bagay. Nabasa nyo naman yung sinulat kong iniwan sa may litrato diba?"

"Oo. Pero yung tungkol sa lumang bunggalo. Bakit biglang gumuho yun?" pag-iiba ko ng usapan. Medyo nagtaka ako dahil sa nangyari doon. Hindi ko alam kung bakit yun gumuho na lang at nasira ng walang kadahil-dahilan.

"Ang lumang bunggalo na yun ay may edad ng hundred years. Minsan, pinasabog na iyon ng mga mananakop. Ngunit hindi ito nasira dahil gawa iyon sa matitibay na bloke ng semento, marmol, at kung anu-ano pang matitigas na bagay tulad ng granayt dahil siguro sa katandaan na nito. Naramdaman ko na tila nagbibiyak yung pader nito kaya binigyan ko kayo ng babala para mabigyan ko kayo ng kaligtasan upang hindi kayo matabunan nito. "sagot niya sakin.

Tumango-tango lang ako sa king nalaman tapos nahiga na ako sa lupa. "Gusto ko ng matulog!" pagrereklamo ko.

Napansin kong nakatulala si Pearl na parang wala sa sarili kaya nilapitan ko ito mula sa may kabilang side ko. "Are you okay?" natuon yung atensyon niya sakin.

"Tapusin na natin 'to!" sagot niya sakin habang bakas sa mukha niya ang pananabik na makaalis sa lugar na ito.

"Malapit na. Pangako ko sayo. Makakaalis tayo ng buhay dito." sagot ko sa kanya sabay yakap ko rito.

Ilang minuto pa ang lumipas. Sa pagpapahinga namin saglit. Muling nakita namin ang pusa na kamuntik na naming mahuli kanina. Naglalakad ito sa dilim habang nakatitig sa amin ang mapupula niyang mata. "Nasaan na yung lubid?" tanong ko kay Pearl habang nakalahad yung kamay ko sa kanya para kunin iyon.

"Bakit anong gagawin mo?" takang sagot nito sakin.

"Basta!" maikli kong tugon.

Matapos ibigay niya yung lubid sakin. Muli kong pinaikot ito na para bang cowboy sabay hagis ko nito sa may pusa.

"I got it!" masaya kong  pagkakasabi matapos mahuli ko ito.

Pilit na kumakawala ito.

Nag-iingay at pumapalag.

"Meow! Meow! Meow!"

"Huwag ka ng pumalag!" ani ko rito sabay buhat ko sa pusa.

"Trevor, mag-ingat ka baka kagatin ka niyan" pagbibigay babala ni Pearl sakin.

Napansin kong nakatingin lang si Devorah sa amin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Gusto ko siyang kausapin kaso parang may pumipigil sakin para kausapin siya. Hays! Hihintayin ko na lang siya na magsalita.

Sa ngayon, mag-iisip muna ako ng paraan para matalo ang kapatid niya.

"Trevor, kunin mo na yan. Baka makawala pa!" rinig kong pag-uutos ni Pearl. Nakuha niya yung atensyon ko kaya dahan-dahan ko itong hinatak papalapit sa akin.

"Mag-ingat ka!" napalingon ako sa nagsalita. "May ibang kamandag ang pusang yan. Maaari mo iyang ikamatay kapag nakagat ka niyan!" paalala niya.

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya kase parang normal na pusa lang ito. Oo may rabies siya pero ganun ba katindi yung kamandag nito nakakamatay talaga?

"Pero paano nang---"

High PITCH SOUND

"Yung tunog!" wika ni Pearl.

Napatakip kami ng tenga namin dahil sa muling pagpaparamdam ng isang matindi at malakas na tunog ng tila isang super sonic na tunog kaya sa ikalawang beses ng paghuli ko sa pusa ay muli itong nakawala. Nanakbo ito sa gubat habang kami ay namimilipit sa sakit matapos naming marinig  ang tunog.

"May mamamatay sa ating tatlo." wika ni Devorah habang namimilipit ito sa sakit.

Sa ngayon, kakaiba na ang tunog nito. Mas lalong tuminis at lumalakas at tumagal pa di katulad sa mga narinig namin kanina. "Ang sakit na!" wika ni Pearl na tila inis na inis na.

Nagpagulong-gulong ako sa lupa habang nakatakip ang dalawa kong tenga. Hindi ko na kase kaya ang lakas ng naririnig naming tunog na makabasag tenga. "AYOKO NA!"sigaw ko ng bangkalakas-lakas.

PEARL Point Of View

Napatingin ako kay Trevor matapos kong marinig ang sigaw niyang tila may kung anong sumanib. Hindi na siya kase yung lalaking nakilala ko. Pakiramdam ko nadadala na ng galit at inis ang kanyang emosyon ngayon.

"SAMARA! HARAPIN MO AKO!" galit na galit na sigaw ni Trevor.

Hinanap niya si Samara sa buong paligid habang nakaalis na sa kanyang tenga yung nakatakip na kamay niya na para bang hindi niya alintana ang tunog na papatay sa pandinig namin. "KUNG NASAAN KA MAN. KUNG NANDITO KA. HARAPIN MO AKO!" sigaw pa niya habang nililibot niya parin yung kanyang paningin.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ni Trevor ngayon. Parang hindi niya na alam yung ginagawa niya. "Trevor, tama na!" sambit ko sa kanya habang nakatakip parin ako ng tenga.

Sa paglipas ng ilang minuto. Sa tingin ko kwarenta minutos yung lumipas at natigil na ang tunog na narinig namin.

Napansin kong napasandal si Trevor sa may puno ng santol at napaupo sa lupa. Para siyang nadismaya sa mga nangyayari ngayon.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya paglapit.

"Gusto ko ng matapos 'to!" sagot niya sakin na tila dismayang-dismaya.

"Pareho lang tayo. Kaya natin 'tong tapusin. Kahit na anumang mangyari laban lang!" pagmomotivate ko sa kanya tapos naibaling ko yung paningin ko kay Devorah. Napakunot ako ngayon dahil hindi ko siya nakita. "Napansin mo si Devorah?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Hindi!" sagot niya sakin habang nililibot yung kanyang paningin sa kapaligirang madilim.

Saan na nagpunta yun? Kanina nandito pa siya. Bakit hindi na namin siya makita. Hindi kaya napaano na yun?

Sa pagtayo namin habang akay-akay ko si Trevor. Muli kaming naglakad para hanapin si Devorah kahit hindi namin alam kung saan ito hahanapin.

Pagdating namin sa hindi kalayuan nitong lugar na'to. Mayroon kaming nakita na hindi namin maintindihan. Mayroon kaming nakita na isang cloak na itim na nakasampay sa may sanga ng isang puno. Sa pag-abot ni Trevor dito. Tumambad sa amin ang bangkay ni Devorah na para bang sinakal at may tama ng kung anong bagay dahil mayroon itong sugat sa may bandang tiyan. At ang ipinagtataka namin. Paano nakarating ito sa lugar na 'to.

"Si Samara na naman siguro ang gumawa nito." panghihinala ni Trevor.

"Sana wala na 'tong kasunod, Lord." pagdadasal ko.

"Malapit na nating malutas 'tong problemang 'to!" wika niya pa na kumpiyansadong-kumpiyansado.

"SANA! Kase gusto ko na talagang makaalis dito!" sabi ko pa.

Akma niya akong niyakap habang hinahaplos yung buhok patungo sa likod ko. Pareho kaming umaasa na makakaalis kami dito ng sabay at ligtas.

ITUTULOY

Don't forget to vote and comment

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon