Kabanata 20

735 16 0
                                    

KABANATA 20
ANG HULING PAGTUTUOS


TREVOR Point Of View

"Yung pusa!" rinig kong sabi ni Pearl matapos niyang makita ang pusang itim na palakad-lakad sa dilim.

"Huwag kang kikilos. Baka lumayo?" pag papahinto ko sa kanya sa pagkilos.

Marahang lumapit ako dito para dakmain ang katawan nito. Siguro mga ilang layo ko na lang sa kanya kaya dito ko na siya dinakma. Sa pamamagitan ng aking kamay. Nahuli ko siya habang nagpupumiglas sa dalawa kong kamay.

"Mag-ingat ka!" turan ni Pearl ng may pag-aalala.

"Ibigay mo sakin yung lubid." pag-uutos ko.

Pagkabato niya ng lubid sa akin. Agad kong ipinasok ang ulo ng pusa sa may nakabuhol na parte nito. Hinila ko ng malakas hanggang sa masakal ito.

"Trevor, yung paligid?" napatingin ako sa dilim habang niyayakap ang buong paligid. Napansin kase ni Pearl ang pag-iiba ng atmosphere dito. Humahangin ng malakas at nagkakaroon ng kakaibang enerhiya na naman na para bang may kasama kami dito.

"Nandito si Samara!" turan ko habang nakatingin parin ako sa paligid.

"BWAHAHAHAHAHA!"

Nang marinig naming tumatawa ng malakas si Samara. Nakita namin ito sa may sanga ng puno. Nakatayo habang nakatingin sa amin.

"Katapusan mo na!" turan ko ng buong tapang.

Pumalakpak lang ito na para bang nang-aasar. "Humanda kayo BWAHAHAHAHAH!!" sabi niya sa amin habang tumatawa.

Sumugod ito sa amin kaya napatalon kami ni Pearl sa magka-ibang direksyon. Gumulong-gulong ako sa lupa habang yakap-yakap ko ang pusang itim na walang buhay.

"Katapusan mo na!" turan ko. Tulad ng sinabi nung mga kaluluwa na nakausap namin kanina. Ibinigti ko ang pusa. Inilabas ang litrato ng pamilya ni Samara at pinatuluan ko ito ng aking dugo.

"Anong akala mo. Sa ganyan mo ako matatalo?" pang-aasar niya.

"Bakit walang nangyayari?" takang tanong ko. Nakatingin lang si Pearl sa akin habang si Samara naman tumatawa na para bang tuwang-tuwa sa nakikita.

"BWAHAHAHAH!"

"Trevor, baka may mali?" panghihinala ni Pearl sa akin. Imposible ginawa ko ang lahat ng sinabi ng mga kakuluwa. Bakit hindi umeepekto yung ritwal?. "Ibahin mo!" pag-uutos nito.

Akma ko na sanang hahawakan ang litrato ng biglang lumiwanag ito. At napansin namin si Samara na para bang nasusunog.

"Umeepekto na!" sambit ko.

"HINDI MAAARI!!!" sigaw niya habang nilalamon siya ng apoy.

Kahit na nababalutan na ng apoy si Samara. Nagpupumilit parin itong sumugod sa akin. Binitbit niya ako ng mahawakan at ibinato ako sa isang puno. Sumalya ako dito kaya nagkaroon ako ng mga sugat sa braso at galos sa katawan. Halos mamilipit ako sa sakit samga oras na 'to.

"Magbabayad ka!" galit na wika ni Samara.

"TREVOR SA LIKOD MO!" rinig kong sigaw ni Pearl. Natuon yung tingin ko sa kanya kaya agad akong naka-ilag kay Samara na pasugod sa akin.

"Hindi nyo ako matatalo!" turan pa ni Samara sa amin.

Pinilit kong tumayo mula sa pagkakasalya ko at lumakad papunta kay Pearl. Kahit na pipilay-pilay ako. Sinikap ko parin na makarating.

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon