Kabanata 7

675 15 0
                                    

KABANATA 7
NAKABITIN NA KATAWAN
(PANGALAWANG BIKTIMA)

TREVOR Point Of View

Sa muling paglalakad namin ng girlfriend kong si Pearl sa madilim na gubat na'to. Mayroong isang bagay ang umagaw ng aming atensyon. At iyon ay ang suot na sapatos ni Skyler kanina. Nakita kong suot niya ito kanina bago kami umalis para magpuntang Mt. Arayat ngunit dito kami napadpad. Sa pagdampot ko sa isang pares ng sapatos niya. Hinanap ko pa ang isang pares nito sa paligid kahit na may kadiliman ang paligid. Sinubukan parin naming hinanap ni Pearl ang isang pares nito kasabay pa ang nagmamay-ari nito.

"Saan kaya nagpunta yung lalaking yun?" wika ko habang hinahanap namin ang nagmamay-ari nitong hawak kong sapatos. "Sa tingin mo naiwan ito ni Skyler dala ng takot?" tanong ko kay Pearl ngunit nagkibit-balikat lang ito habang nakakapit sa may braso ko.

Sa kabilang dako. Dito namin nakita ang isa pang sapatos ni Skyler. Dinampot ni Pearl ang isang pares at inabot sakin. "Grabeng takot siguro nito ni Skyler. Nasaan na kaya siya?" wika ko habang naglalakad.

Madilim ang paligid kaya wala kami masyadong makita natabunan na kase ng kaulapaan ang kaninang maliwanag na sikat ng buwan na tumamatama sa amin. Sa hindi kalayuan ng direksyon namin. May napansin kami tila liwanag na nagmumula sa isang madilim na lugar. Paglapit namin dito nakita namin ang cellphone ni Skyler na nasa lupa.

Pagkadampot ko nito. Napansin ko ang bahid ng dugo sa may screen nito na agad ko ring pinunasan. Ngayon. Nakaramdam na ako ng kaba at takot dahil muli kong naisip ang sinabi ng estranghero kanina.

"Mag-ingat kayo. Susunod ka na lalaking may hawak ng ilaw!"

Matapos mag-retain sa isip ko ang sinabi niyang yun kinuha ni Pearl ang phone sakin atsaka ginamit. Inopen niya ang gallery nito at nakita ang mga porn videos nito at ang video na nasa camera folder nakalagay. Pinanood namin ito ng sabay.

"Tulong! Tulungan nyo ako!"

"Nagmamakaawa ako. Ayoko pang mamatay!"

"Tuloooong!!!"

Matapos namin mapanood ang maikling video clips na nakunan niya. Nagdalawang isip kami ni Pearl kung ano nga ba ang nangyari sa kanya? Atsaka sino ba yung humahabol sa kanya?

"Saan kaya natin makikita si Skyler?" tanong ko. Nagpalingap-lingap ako sa paligid ko nagbabaka sakali na makita ko siya.

"Umaambon ba?" nagtatakang tanong ni Pearl matapos makaramdam siya ng tila may tumulo sa mukha niya.

"Hindi ah!" tangi kong tugon.

Nang tapatan ko ng ilaw ang mukha niya. Nakita kong may bahid ng kulay pula ang kanyang pisngi. Tinanggal ko ito pagkatapos ay inamoy. "Parang dugo 'to ah?" wika ko matapos kong maamoy yung langsa at amoy kalawang nito. Dito na ako kinutuban ng hindi maganda ngayon.

"Saan galing?" nagtatakang tanong ni Pearl.

Inilawan ko ang buong paligid ngunit wala akong nakita na kahit anong bahid ng dugo. Pero sa pagtapat ko ng ilaw sa may itaas ng kinatatayuan namin. Nakita ko ang nakabitin na katawan ni Skyler sa may katabi naming puno. Nakabigti ito at nakatingin sa baba ang dalawa nitong mata.

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon