KABANATA 9
ANG PAGLAMON NG LUPA
(PANGATLONG BIKTIMA)
TREVOR Point Of ViewSa paglalakad-lakad namin sa madilim na kagubatan na'to. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ng matandang estranghero na hindi ko maintindihan. Paano ako ang magiging susi sa pagtalo kay Samara? Ni hindi ko nga kilala kung sino ba yung babaeng yun?
"Are you okay?" tanong ng girlfriend ko habang hawak-hawak niya ang kaliwa kong kamay. Napansin nya siguro ang balisa kong kilos ngayon kaya napatingin lang ako sa kanya na may kasamang pag-iling. "May bumabagabag ba sayo?" dagdag na tanong pa nito. Umiling lang ako ng umiling hanggang sa mapansin naman ni Lester ang paligid namin na napapalibutan kami ng mga krus at puntod. "Is that a cemetery?" takang tanong ni Garnett.
Parang pabalik-balik lang kami. Kanina nadaanan din namin ito ni Pearl pero bakit nandito na naman kami? Hindi kaya pinaglalaruan lang talaga kami ni Samara?
"Trevor, di ba napuntahan natin 'to kanina?" sambit ni Pearl na mukhang takot na takot. "Parang pinaglalaruan tayo ng mga masasamang espiritu dito" wika ko.
Sa muling paglalakad namin. Naramdaman kong mas lalong humuhigpit ang kapit ni Pearl ng may makita kaming kaluluwa na palakad-lakad dito. Wala akong third eye ngunit may nakikita akong kaluluwa ngayon. "Nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ko kay Pearl na tila titig na titig sa iisang direksyon ng tinitingnan ko. Tumango-tango siya habang nakaharap sakin. "Nakabukas ba yung third eye mo?" tanong ko sa kanya. Muling tumango-tango ito habang napapapikit.
Ilang saglit ang lumipas. Nang makarating kami sa may tapat ng mga puntod. Mayroon akong nabasa na pangalan. "Mercedes Crisostomo." basa ko dito sa nakaukit na pangalan. Ito siguro yung puntod ng nanay ni Samara. Sa isip ko maraming namumuong katanungan na sobrang hirap sagutin kahit na isipin ko ng isipin wala talagang pumapasok na kasagutan.
"Anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang tanong ni Renzo habang nakatingin sakin.
"Ah wala. May nabasa kase akong pangalan na nasa puntod. I think nanay 'to ng limang magkakapatid." sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa may puntod na tinutukoy ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at naglibot dito sa may sementeryo. Isang sementeryo na kung saan parang dito inilibing ang mga taong pinatay noong unang panahon. May katandaan na ito dahil ang mga kahoy na ginamit sa mga krus dito ay inaanay na at ang mga puntod naman ay nagkakaroon na ng mga biyak.
"Trevor, paano ka kaya naging susi sa misteryong ito?" takang tanong ni Garnett na ikinakuha ng atensyon nilang lahat.
"Oo nga. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari yun?" pagtataka naman ni Pearl.
Nagkibit-balikat lang ako habang iniisip ko rin ang rason kung bakit ako ang naging dahilan ng pagiging susi sa misteryong kinakaharap namin. Sa muling pagbabalik ng tunog ng isang HIGH PITCH SOUND muling nagparamdamdam si Samara kasabay pa nito ang pag-ihip ng malakas na hangin.
"MAMAMATAY KAYO BWAHAHAHAHA!!!"
Nang marinig namin ang mala-demonyong tawa ni Samara. Unti-unti naming nakikita ang itsura nito. Nakaitim siyang suot. Nakalutang sa lupa. May katangkaran at tila galit na galit. "SAMARA,TUMIGIL KA NA!" rinig kong pag-uutos ni Lester. Sa muling pagtawa nito, napansin namin na nagkakaroon ng butas ang lupa kahit wala namang naghuhukay. "IKAW LALAKI!! MAMAMATAY KA!! BWAHAHAHA!" napatingin kami sa isa't-isa dahil hindi namin alam kung sino ang tinuturo at tinutukoy ni Samara. Sa hindi inaasahang pangyayari. Unti-unting lumulutang ang kaibigan naming si Renzo sa ere na para bang hinihila ito habang kami naman ay pinipilit namin itong pinipigilan para hindi ito makalayo sa amin subalit sa paghawak namin sa kanya ay nararamdaman naming unti-unti na namin itong nabibitawan.
"RENZO KAPIT LANG!" mariin na pagkakasabi ni Lester.
"HINDIIIIII!!!!!!!" sigaw ni Pearl ng may pagsisisi.
"Tuloooooong!" sigaw pa ni Renzo habang tinatangay ito ng hangin.
"BWAHAHAHAHAHA!!!" demonyong tawa ni Samara.
Habang pinapanood naming nilalamon ng lupa ang kaibigan namin na paniguradong kagagawan iyon ni Samara nagsisipag-iyakan naman ang mga natitira kong kasama. Hindi na namin alam kung ano na ang susunod na gagawin namin ngayon. Halos kami nalilito na sa mga nangyayari ngayon. Hindi namin alam kung bakit ba kami minumulto ng kaluluwa ni Samara. Halos madismaya kami dahil tatlo na sa mga kaibigan namin ang namamatay at wala kaming kaide-ideya kung sino naman sa aming natitira ang kanyang susunod na papatayin.
Makalipas ang ilang minuto. Unti-unting nawawala ang pagpaparamdam ni Samara bigla-bigla na lang kase itong nawawala habang nakayuko kami at namimilipit sa sakit ng tunog na naririnig namin. Sa ngayon apat na lang kami. Nabawasan na naman ng isa.
Sa pagpapatuloy ng aming paglalakad. Tahimik naming binabaybay ang kagubatang ito. Sa isip ko, sising-sisi ako dahil kung nakinig lang sana ako sa sinabi ni Lester. E di sana nasa Camping Site na kami sa Mt. Arayat.
"Pagod na pagod na ako!" naibaling ko ang atensyon ko nung marinig kong nagsalita si Pearl na tila lantang-lanta na at putlang-putla na dala ng takot at pagod. "Gusto mo pahinga muna tayo?" tanong ko sa kanya. Tumango ito at nag-stop over muna kami dito sa may puno ng santol. Habang nakaupo kami at nakasandal, nararamdaman ko na unti-unting nananakit na ang mga kasu-kasuan ko kaya napapangiwi na ako habang napapahawak na sa may likod ko dala ng sakit.. "Are you okay?" takang tanong ni Pearl. "Oo naman. Masakit lang yung katawan ko." sagot ko sa kanya.
"Hindi ba pwedeng matulog tayo ngayon?" tanong ni Garnett na tila antok na antok na.
"Oh sige matulog na kayo ni Pearl. Kami na lang ni Lester ang magbabantay sa inyo." sabi ko sabay nirest nila yung ulo sa may braso namin ni Lester habang kami ay nakaupo.
Nang maramdaman namin ni Lester na tulog na yung dalawa. Nakipag-usap ako sa kanya habang nakatanaw sa kawalan. "Ang tanga ko 'no?" paninisi ko sa sarili ko.
"Bakit? Paano ka naging tanga?" tanong niya sakin ng may pagtataka.
"Kung sumunod sana ako sa sinabi mo kanina. Hindi sana tayo mapapadpad sa gubat na'to." sagot ko ng may pagsisisi.
"Okay lang yan, pre. Pero sana makalabas tayo ng buhay sa lugar na'to bago sumikat ang araw." wika nito.
Gusto kong maluha ngayon dahil sa katangahan kong ginawa. Kung sumunod lang ako sa kanya e di sana buhay pa sina Skyler, Tamara at Renzo.
"Umiiyak ka ba?"
"Huh?"
Napansin kong may tumulo na luha sa pisngi ko ng hindi ko namamalayan. Kaya agad ko itong pinunasan na paiwas para hindi mahalata ni Lester na umiiyak ako. "Pre, don't blame yourself. Makakaligtas din tayo!" pagmomotivate niya sakin. "Salamat! Sana wala ng mamatay sa ating apat!" dasal ko.
Makalipas ang ilang minuto may narinig kaming kaluskos na ikinagising ni Pearl. "What's that?" tanong niya sakin ng may pagtataka. Napatingin kami ni Lester sa paligid ngunit wala kaming nakitang kung ano.
"Wait!" narinig kong sabi ni Lester na mukhang may nakitang tao. "May naglalakad sa bandang dulo!" dagdag pa nito habang diretso siyang nakatingin sa may dinaanan namin kanina.
Tinitigan ko ng mabuti ang taong papalapit sa direksyon namin. Nang matapatan ito ng liwanag ng buwan. Nakita namin ang estranghero na uugod-ugod. May hawak parin siyang tungkod habang naglalakad ng mabagal. "Saan kaya 'to pupunta?" nagtatakang tanong ni Pearl habang nakatuon ang tingin sa estranghero.
"Mukhang sa direksyon natin pupunta" rinig kong sagot ni Lester.
ITUTULOY
Don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!