KABANATA 3
ANG PAGTATAKSIL
TREVOR Point Of ViewNang makalayo-layo na kami sa sasakyan ko. Nahiwalay kami ni Tamara sa mga kasamahan namin. Ewan ko ba kanina lang hawak ko pa kamay ni Pearl pero ngayon si Tamara na ang may hawak sakin.
"Trevor anong gagawin natin?" tanong niya sakin na maarte ang pagkakasabi.
"Hawakan mo lang kamay ko. Basta wag kang hihiwalay!" pag-uutos ko.
Habang nilalakad namin ang kagubatang ito. Unti-unti namang lumalabo ang hawak naming flashlight na galing sa bitbit na shoulder bag ni Tamara. Buti na lang may dala 'to kung wala dilim lang talaga ang makikita namin ngayon.
Halos trenta minutos na kaming naglalakad ni Tamara. Pakiramdam ko paikot-ikot lang kami sa kagubatang ito. Habang naglalakad kami. Nahinto ako sa paglalakad dahil nakaramdam ako ng pag-ihi. Ipinahawak ko kay Tamara yung flashlight para ilawan niya ang paligid habang hinihintay niya ako matapos.
"Matagal ka pa ba?" pag-aangal ni Tamara sakin. Bago pa nga lang ako lalabasan ng ihi. Nagmamadali na 'tong babaeng 'to.
"Wait patapos na!" sagot ko kahit bago palang ako maiihi.
Pagkatapos kong umihi. Inabot niya sakin yung flashlight ngunit hindi ko agad ito kinuha dahil inaayos ko pa ang pagkaka-zipper ng pantalon ko. Ilang segundo ang nakalipas siguro tumuloy na kami ni Tamara sa paglalakad upang hanapin ang iba pa naming mga kasama.
"RENZO NASAAN KAYO?" malakas na sigaw ni Tamara habang kasama ko siya.
"Tamara stop it. Baka kung anong elemento ang lumabas mamaya eh!" pagsusuway ko. Napatingin siya sakin habang nakapamewang. "Trevor, naduduwag ka ba?" tanong niya sakin ng may pang-iinsulto.
"Ako naduduwag? Heh!" usal ko.
Marahang lumapit siya sakin at itinulak ako sa may katawan ng puno. Napasandal ako habang siya naman tila mayroong binabalak sa akin. "Kung hindi ka nga bakla. Halikan mo ako?" pag-uutos niya sakin na tila nang-aakit. Napalunok ako ng laway sa harapan niya. Hindi ko alam kung gagawin ko ba yung inuutos niya sakin o hindi.
Hinawakan niya yung damit ko at piniga saka hinila ako papalapit sa kanya. "Kaya mo?" bulong niya sa tenga ko. "Kung hindi mo kaya. Ako ang gagawa!" dagdag niya pa.
Unti-unti niyang nilalapit ang labi niya sa labi ko. Mga ilang inches na lang siguro ay mahahalikan niya na ako ngunit hindi ito natuloy dahil mayroon kaming narinig na ingay na nagpasakit sa aming tenga. Napatakip kaming dalawa ng tenga habang namimilipit sa sakit.
High Pitch Sound. Yan ang narinig namin ngayon. Isang tunog na hindi namin alam kung saan nagmumula ang ingay. Sobrang sakit sa tenga pakiramdam ko binabarena ang tenga ko dahil sa talim ng tunog nito, napakatinis at talagang mapapa-aray ka sa sakit.
"Saan nanggagaling yung tunog na yun?" tanong ko habang napapatakip kaming dalawa sa tenga dahil sa sobrang sakit.
"Ayoko na!" sabi ni Tamara habang napapahandusay na sa lupa.
Ilang minuto ang makalipas. Unti-unting nawawala ang narinig naming ingay kanina. Dahan-dahan naming tinatanggal ang kamay namin sa magkabilang tenga para pakiramdaman kung mayroon pa.
"Saan ba nanggaling yun?" takang tanong ko habang napapatingin ako sa madilim na paligid ko.
"Ang sakit sa tenga. Pakiramdam ko masisira eardrum ko." rinig kong wika ni Tamara. Napatingin siya sakin katulad kanina bago namin marinig ang tila isang super sonic sound na narinig namin kanina. "Ituloy natin?" paninira niya sa katahimikan habang napapakagat labi sa kanyang lower lips.
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!