Kabanata 8

617 18 0
                                    

KABANATA 8
ITIM NA PUSA


LESTER Point Of View

Nang makalayo-layo na kami sa katawan ni Skyler. Hindi parin matigil ang kakaduwal ni Garnett habang naglalakad kami sa gitna ng kagubatan. "Ayoko na talaga dito!" wika niya habang inaalalayan namin siya ni Renzo. Walang tigil din siya sa kakaiyak dahil sa nangyari kay Skyler.

Si Skyler kase ang naging kaibigan niya simula nung high school hanggang ngayon. Nanligaw rin sa kanya ito kaso hindi niya sinagot dahil ang tingin niya lang dito ay kaibigan lang. Ayaw niya kase humantong sa pagkasira ang pagkakaibigan nila kapag once na naghiwalay sila. Mas okay na raw na maging magkaibigan na lang sila kesa sa maging jowa niya ito pagkatapos ay masisira lang din sa huli.

I tried to comfort her. Pero hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak niya. Maya-maya habang naglalakad kami mayroon kaming naaninagan na tila isang ilaw dito sa kagubatan. Sinundan namin ito hanggang sa makasalubong namin ang dalawa naming kasama na sina Trevor at Pearl na naglalakad na magkahawak ang kamay. "Pre, saan kayo galing?" tanong ko dito. Napayakap si Pearl sa kaibigan niyang si Garnett habang naiiyak dala ng takot. "Wala na si Skyler!" wika ni Pearl habang nakayakap sa girlfriend ko.

Napatingin ito sakin habang nakahawak sa kamay ni Garnett. "Nakita namin siya kanina sa may puno. Nakabitin at wala ng buhay!" turan ko sa dalawa. So ibig sabihin kanina pa pala kami nagkakasalubungan ng mga kasamahan namin hindi lang namin napapansin.

"From now on. Sama-sama na tayo. Walang hihiwalay!" sabi ni Renzo.

Sa pagpapatuloy namin ng paglalakad. Mayroon kaming nakasalubong na isang pusa. Pusang itim na kapareho ng nabangga namin.

Meow! Meow! Meow!

Napahinto kaming lahat sa paglalakad at tinitigan ito. Nagkakamot ng katawan ang pusang nakasalubong namin gamit ang paa nito. "Bugawin nyo malas yan!" pag-uutos ni Renzo.

Meow! Meow! Meow!

Matapos humuni nito. Napatingin ito sa amin habang nanlilisik ang dalawang mata nito. Sa pagtitig nito sa amin. Napansin ko ang paglakas ng ihip ng hangin na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung malamig lang ba talaga dito o sadyang mayroong nagpaparamdam na.

"Lumalamig ang pakiramdam ko!" wika ko habang napapayakap na ako sa sarili ko.

"MAMAMATAY KAYO!"

Muling narinig namin ang boses ng isang babae na tila galit na galit. Napatingin kami sa buong paligid ngunit wala kaming nakitang tao para pagmulan ng boses. Kasunod pa ng boses na yun ay ang pag-ihip ng napakalakas na hangin na nararamdaman naming lahat ngayon. HIGH PITCH SOUND. Unti-unting naririnig namin ang tunog na kanina pa naming naririnig simula nung pagdating namin dito. Isang tunog na napakatinis at napakasakit sa tenga.

"Magtakip kayo!" pag-uutos ko. Sabay-sabay kaming nagtakip ng tenga habang nakikisabay ang nakakatakot na tawa ng isang babae.

"BWAHAHAHAHAHA!!!"

Hindi ko makita ang babaeng tumatawa sa paligid ko kaya habang nagpaparamdam sa amin ang tunog at hangin. Naririnig kong nagdadasal si Pearl habang nakatakip ang kanyang tenga. "In the name of Jesus!" paulit-ulit niya itong binabanggit hanggang sa mawala ang naririnig naming mga tunog at natahimik na rin ang malakas na pag-ihip ng hangin. Dahan-dahan naming tinanggal ang mga kamay namin sa dalawang tenga para pakiramdaman kung meron pa ba o wala na ang mga nararamdaman namin.

"Nasaan yung pusa?" tanong ko ng may pagtataka. Sinubukan kong hanapin yung pusang itim ngunit hindi na ito nagparamdam. Sa pagmulat ko kase ng mata ito kaagad ang hinanap ko dahil baka maging isa itong kasagutan para malutas namin ang misteryo na bumabalot dito.

Ilang saglit ang lumipas. Nagtuloy na kami sa paglalakad kahit na pakiramdam namin ay pabalik-balik lang kami sa gubat na ito. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon. Halos mapakamot na kami ng ulo dahil sa mga nangyayari ngayon. "Parang pinaglalaruan na lang yata tayo dito sa gubat na 'to" wika ni Renzo na pakiramdam niya ay wala ng pag-asa kaming makaalis dito.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Hanggat may buhay may pag-asa!" pagmomotivate ko sa kanya.

Halos apat na oras na kaming nagpabalik-balik dito pero hindi parin namin makita ang tamang daan palabas dito sa kagubatang ito. Hindi namin alam kung makakalabas pa ba kami ng buhay o patay na.

"Pahinga naman tayo!" pakikiusap ni Pearl. Putlang-putla na ang itsura nito. Latang-lata at tila parang hindi pa kumakain.

"Ito biskwit kunin mo!" sabi ni Renzo matapos kunin ang biskwit na dala niya kanina. Kumuha ng isang biskwit si Pearl habang si Trevor naman inaalok ni Renzo ngunit tinanggihan niya ito. I think iniisip pa nito yung kasalanang nagawa nya kanina. "Sige kumuha ka na. Libre yan!" pag-aalok pa ni Renzo. Umiling lang ito habang nakatingin sa kanya. "Huwag mo ng isipin yung nangyari kanina. From now on kailangan natin munang makaalis dito. Gusto mo bang mamatay sa gutom?" sabi pa ni Renzo.

Siniko siya ni Pearl.

"Trevor, don't be shy. Kailangan mong kumain ngayon." sabi ni Garnett habang kumakain ng biskwit.

Pagkakuha ni Trevor. Mayroong isang estranghero ang lumapit sa amin. Lumapit ito sa kaibigan kong si Trevor at inilahad ang kamay na para bang nanghihingi ng makakain.

"Sino yan?" wika ni Renzo ng may pagtataka maski ako nagulat din kung sino ba itong taong 'to na lumapit sa amin.

"Kilala ninyo?" tanong ko sa magkatabing Trevor at Pearl.

"Oo nakasalubong namin yan kanina sa may kakahuyan. Nakaupo siya doon tapos para bang may hinihintay" sagot ni Pearl.

Pagkaabot ni Trevor ng biskwit sa estranghero. Walang pag-aalinlangan niya  itong kinain.

"Hindi kaya yan yung pumapatay?" bulong ni Renzo sakin. Napatigil sa pagkain ang estranghero at tinignan ng masama ang kaibigan namin. "Joke lang po yun!" nakangising pagbabawi niya sa kanyang sinabi sa estranghero. Kinabahan ako doon akala ko mananakit na 'to.

"Mamang estranghero. Alam nyo po ba ang daan paalis dito ng gubat?" malakas na loob na tanong ni Pearl kahit hindi niya ito kakilala. Hindi tumugon ang estrangherong ito dahil busy sa kanyang kinakain.

Matapos kumain nito. Inabutan ni Renzo ng biskwit si Trevor na kanina pang hindi kumakain. Habang kumakain ito. Itinuro ng estranghero ang kaibigan namin sa hindi namin malaman na dahilan. Napatigil ito sa pagnguya at napatingin sa estranghero. "Ikaw ang susi para makalabas kayo dito!" sabi nito habang nakaturo ang hintuturo nito sa kasamahan namin.

Anong ibig nyang sabihin? Si Trevor ang susi para sa kaligtasan namin?

Napakunot ng noo ang kaibigan namin habang nakatitig lang sa estranghero. "Ingatan nyo siya. Kapag nawala yan. Mamamatay kayong lahat."dagdag pa nito.

"Pe-pero paano namin magagamit ang susi kung walang paka?" tanong ni Renzo na pautal-utal.

"Kailangan nyong makita si Samara. Ang nawawalang kapatid nila Valenciana, Devorah, Diego at Supremo kapag nakita ninyo ang ligaw nitong kaluluwa. Kailangan nyong patayin ang itim na pusa sa harapan nito." pagpapaliwanag nito habang nakaturo parin ang hintuturo kay Trevor.

Nang malaman namin kung sino ang susi. Lahat kami ay nabuhayan dahil alam na namin kung sino talaga ang makakapagligtas sa amin kaya pagkatapos naming malaman ang kalutasan mula sa estranghero na 'to. We decided na hanapin namin ang tinutukoy ng estranghero tungkol sa nawawalang kapatid at anak ng pamilya Crisostomo.

ITUTULOY

Don't forget to vote and comment

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon