Kabanata 10

534 13 0
                                    

KABANATA 10
LITRATO


PEARL Point Of View

Habang pinagmamasdan namin na papalapit ang estranghero. Mayroon akong napansin sa may suot niyang cloak sa may bandang ulunan. May napansin akong buhok na mahaba at pakiramdam ko hindi isang lalaki ang estrangherong ito. Yes. Nung unang impresyon ko sa matandang 'to ay lalaki but now nagbago ito.

Nang makarating ito sa direksyon namin. Huminto ito sa tapat ni Trevor na tila may hinahanap sa boyfriend ko. Napansin kase namin na may tinitignan ito sa kada bulsa ng pantalon nito. Ewan ko kung ano ang hinahanap nito. But I remembered earlier. May napulot kami ni Trevor na isang litrato sa may pinagpahingahan namin kanina na kung saan doon siya nakapuwesto. I think yun ang hinahanap niya kay kami ang naging suspek niya sa pagkawala nito.

Tahimik at nakatitig lang kami sa ginagawa ng estrangherong ito. Sa hindi namin inaasahang gagawin nito. Nabigla kami sa mabilis na ginawa niyang pagsuksok ng kamay niya sa may kanang bulsa ng pantalon ni Trevor na kung saan dito nito nilagay yung litrato kanina.

"Bakit na sayo 'to?" tanong ng estranghero na may pagtataka. Hindi makasagot si Trevor sa oras na ito dulot ng kaba. Nakatitig lang siya dito habang napapalunok ng laway. "Inuulit ko saan mo nakuha ang litratong 'to?" pag-uulit nito pero nasa mahinahon ang tono ng boses.

"Napulot namin ka-kanina yan pa-pagkatapos mong umalis sa-sa may gu-gubat ka-kanina." sagot ni Trevor na pautal-utal na hanggang ngayon bakas parin sa mukha niya ang kaba.

"Nasaan ang isa ninyong kasama?" nagtatakang tanong ng estranghero na tila may hinahanap dahil napansin kong kumakaliwa at kanan ang eyeball nito. "Wala na si Renzo. Nilamon na ng lupa dahil kay Samara." sagot ni Garnett habang titig na titig dito. "Muli na naman ba siyang nagparamdam?" tanong pa nito. Tumango-tango kami habang napapailing ito. "Kailangan niya ng mawala sa mundong ito." dagdag pa nito habang hawak-hawak yung litrato. "Mamaya magpunta kayo sa bungalow alam kong nakapunta na kayo doon. Hihintayin ko kayo doon." sabi pa nito. Nagsimula ng tumalikod ito sa amin para umalis na.

Sa muling paglakad nito may hinabol akong isang katanungan sa kanya na kanina pang gumugulo sa isipan ko. "Babae ka ba o lalaki?" tanong ko sa kanya. Napahinto ito saglit bago magsalita. "Malalaman nyo kapag nagpunta kayo sa lumang bungalow!" sagot nito saka nagpatuloy na ito sa paglakad papalayo sa amin.

Nang makalayo-layo na ang matandang estranghero. Napag-usapan namin ang tungkol sa pagpapapunta sa amin ng estranghero sa may lumang bungalow. Hindi namin kase maintindihan kung bakit niya kami pinapapunta doon.

"Lester, you have an idea ba kung bakit tayo pinapapunta doon?" nagtatakang tanong ni Garnett na bakas sa mukha nito ang takot.

"Wala, Bhie!" sagot nito sabay yakap para ikomport ito.

Ilang minuto ang makalipas matapos dumaan ang weird na estranghero sa harapan namin. Nagsimula na muli kaming maglakad kahit na yung tipong ramdam na ramdam na namin yung sakit ng mga paa namin dahil sa pabalik-balik lang na lakad namin sa lugar na ito na parang wala namang nagbabago at nandito parin kami sa freaky and creepy na gubat na 'to. "Matagal pa bang mag-umaga?" pagrereklamo ko habang kami ay naglalakad. Gusto ko na kase talagang mag-umaga para yung daan dito magkaroon na ng liwanag. Siguro alas onse palang ngayon dahil pansin ko parin yung mga bituin sa kalangitan padagdag parin ng padagdag.

"Nauuhaw na ako, Bhie!" rinig kong sabi ni Garnett sa kanyang boyfriend.

"Bhie, wala tayong dalang tubig" sagot ni Lester.

"Guy's naririnig nyo ba yung naririnig ko?" sabi ni Trevor. Yes naririnig namin ang ibig niyang sabihin. Mula dito sa direksyon namin. Mayroon kaming naririnig na lagaslas ng tubig mula sa may kabilang direksyon. "Tubig!" masayang binigkas ni Garnett na kanina pang uhaw na uhaw.

Hindi na kami nag-alangan na hindi ito puntahan dahil lahat kami ay hayok na hayok ng maka-inom feeling ko nga ngayon made-dehydrate na ako. "Malapit na ba tayo?" tanong ni Garnett habang kami ay naglalakad. "Siguro, palakas na ng palakas ang lagaslas ng tubig eh?" sagot naman ni Trevor.

Makalipas ang sampung minutong paghahanap namin sa naririnig naming tubig. Thank you, Lord natagpuan na namin.

"Sa wakas, makakainom na ako." masayang winika ni Garnett akma na sanang iinom si Garnett ng biglang pinigilan ito ni Trevor. "Wait lang Garnett!" pagpipigil ng boyfriend ko. Medyo nagtaka ako kung bakit niya ito pinigilan. Malinis naman ito at siguro running water siya na galing pa sa bundok. "What's wrong?" tanong ko ng may pagtataka. "Hindi natin alam kung malinis iyan" sagot sakin ng boyfriend ko.

"Trevor, running water yan. For sure malinis yan from the mountain. " sabat ni Lester.

"Okay!" ang tanging nasabi ni Trevor ko sabay uminom na kami nila Garnett at Lester gamit ang kamay namin.

"Ahhh. Sarap ng tubig!" usal ni Lester habang nilalasap niya yung tubig. "Napaka refreshing!" wika ko naman. "Try it!" pagyayaya ni Garnett kay Trevor ngunit tumanggi ito.

Sa muling pag-inom ni Garnett at Lester. Napansin ko si Trevor na natulala sa isang direksyon. I don't know why? Tinitigan ko siya ng mabuti dahil sa napansin ko. "Bakit?" tanong ko ng may pagtataka. Napalunok siya ng kanyang laway habang nakatingin sa diretsong linya ng kanyang tinitignan. "Iluwa nyo yung ininom nyo!" pag-uutos niya sakin. Napatigil sa pag-inom ang dalawa naming kasama dahil sa narinig. "Bakit anong problema?" takang tanong ni Lester.

Nang ituro nya ang bagay na tinitignan niya kanina pa. Laking gulat namin ng may makita kaming lumulutang na hindi namin alam kung ano yun dahil papalapit palang ito sa tapat namin. "Ano yan?" tanong ni Garnett. "Hindi ko alam" sagot naman ni Trevor. Sa pagtapat ng bagay na ito sa harapan namin ay mas lumaki ang gulat ko ng makita ko ito ng malapitan. "What the hell is that? "tanong ko habang yung pakiramdam ko ay parang maduduwal na.


TREVOR Point Of View

"Sige isuka mo lang yan!" sabi ko habang nasusuka si Pearl matapos makita ang isang patay na hayop na palutang-lutang sa may ilog na pinag-inuman nila.

"Saan nanggaling yung hayop na yan?" rinig kong tanong ni Lester habang tinatapik ang likod ni Garnett na nasusuka rin sa may tapat ng mangga.

"Lester, ayoko ng masuka!" pag-aangal ni Garnett habang pilit parin siyang pinapasuka kahit wala naman na lumalabas.

Makalipas ang ilang minuto. Umalis na kami sa ilog na 'to. Sa muling paglalakbay namin dito na kami nawalan ng ilaw habang naglalakad. Na-lowbat na yung dala naming flashlight kaya ako naman napamura ng hindi sinasadya. "Shit naman. Bakit ngayon pa?" pag-aangal ko ng may inis.

"Paano na ngayon? Anong gagamitin nating pang-ilaw?" tanong ni Pearl na tila natatakot.

"No matter what happen. Kapit-kapit lang at walang bibitaw." wika ko. Nagkapit-kapit kami habang naglalakad para kahit ni isa sa amin ay walang mawala o maligaw. Nasa mag-kabilang side kami ni Lester at nasa may gitna naman ang girlfriend namin habang magkakakapit-kapit kaming binabaybay ang misteryosong gubat na'to.

Sa paglalakad-lakad namin ngayon hindi na namin alam kung saan na nga ba kami dadaan dahil sa daan na halos hindi na namin makita dala ng dilim na yumayakap sa paligid. Hindi na namin alam kung makakarating pa ba kami sa lumang bunggalo sa oras na 'to o hindi na.

"Nasaan na kaya tayo?" tanong ko.

"Natatakot na ako feeling ko ngayon bulag na ako." pagrereklamo ni Pearl.

"Lester, 'wag mo akong bibitawan ha!" wika ni Garnett sa boyfriend niya.

"Oo Garnett. Walang bibitaw!" sagot ni Lester.

ITUTULOY

Don't forget to vote and comment

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon