KABANATA 2
MALING DAANLESTER Point Of View
"Garnett umidlip ka muna. Gigisingin na lang kita kapag nasa Mt. Arayat na tayo!" utos ko sa girlfriend ko na kanina ko pang nakikita na napapatumba na dala ng antok. Nirest ko yung ulo niya sa braso ko para gawin niyang pansamantalang unan habang nasa biyahe kami.
Palubog na ang araw at nasa biyahe parin kami. Maya-maya inutusan ako ni Trevor na kunin ang phone ko para buksan ang navigation para tingnan kung nasaan na nga ba kami ngayon. Sa pagkapa ko ng cellphone sa may pocket ng shoulder bag kong hawak ngayon. Nakita ko ang battery nito na zero (0%) percent na ng energy. Napamura ako dahil nakalimutan ko na naman icharge ang phone ko.
"Baka sila Skyler may dalang phone" suhestyon ko. Ginising ni Trevor si Skyler na sobrang sarap ng tulog. Humihilik pa siya habang napapangiti. "Pre, wake up!" paggigising ni Trevor. Nagpunas pa ito ng laway niyang tumutulo saka humarap dito. "Problema nyo?" tanong niya samin na medyo naiirita.
"May I borrow your phone?" pakiusap ni Trevor dito. Kinuha nito ang phone niya sa may pocket ng pantalon niya. Pagtingin niya rito zero percent din ang battery. Napakamot sa ulo si Trevor habang masama ang tingin kay Skyler. "Shit naman, fully charge di ba kanina yan nung nakitext ako sayo?" pag-aangal ni Trevor na may kasamang mura.
"Sorry guys. Akala ko kase hindi tayo matutuloy. Ginamit ko na kase sa panonood ng porn kanina." sagot nito habang napapakamot sa ulo. Napahampas sa manubela si Trevor dahil sa inis. "Bwiset naman!" sabi niya pa ng may kalakasan kaya yung ibang tulog na kasama namin na sina Tamara, Renzo, Pearl at si Garnett nagising dahil sa galit ni Trevor.
"Bakit ka sumisigaw?" takang tanong ni Renzo habang nakatingin dito.
"Shit naman kasi. Wala ba kayong dalang phone na mayroong navigation? Para ma-track natin kung nasaan na tayo?" tanong muli nito.
Pinagkukuha nilang apat ang cellphone nila para tingnan kung may navigation silang application. "Walang navigation phone ko!" wika ni Pearl ang girlfriend niya.
"Me too!" maarteng pagkakasabi naman ni Tamara.
"Meron ako." sabi ni Renzo. Napangiti kaming lahat ngunit bumalik din sa pagkakasimangot ang ekspresyon ng mga mukha namin. "Wala pala akong load" dagdag pa nito habang napapakamot sa ulo.
"Ikaw Bhie, baka meron kang navigation sa phone mo?" tanong ko kay Garnett kaya daliang tinignan niya ito ngunit wala kaming nakita. "Wala eh!" wika nito.
Muling napamura si Trevor na ikinainis naman ni Skyler. Nagkasagutan sila habang nasa loob sila ng sasakyan.
"Trevor, bakit kasalanan ba namin ang nangyayari ngayon?" inis na tanong ni Skyler.
"Kung sumabay sana tayo sa nakararami e di sana nasa Mt. Arayat na tayo. Ang tatanga nyo kasi." sagot naman ni Trevor na ikinapintig ng tenga ko.
"Trevor, kanina ko pa kayo niyayaya. Nakinig ba kayo? Tapos sasabihin mong tanga ako? Mag-isip ka nga!" sabi ko sa kanila na medyo galit. Nakakabwiset. Sinabi ko na kanina na umalis na kami. Nakinig ba sila? Tapos maninisi ang Trevor na 'to. Makakasapak ako nito.
"Alam nyo relax lang kayo. Masyadong maiinit ulo nyo." pamimiit ni Pearl sa amin.
"Mas mabuting mag-stop over muna tayo dito. Trevor bumaba ka muna para magpalamig." utos ng isa naming kasama na si Renzo.
Napailing si Trevor bago bumaba. "Ang malas!" wika pa nito habang napahampas sa may manubela.
Pagbaba ni Trevor naupo ito sa may unahan ng kotse niya habang nakatalikod samin. Bukas ang front light ng kotse niya kaya kahit madilim dito sa gubat kita namin ang nasa paligid namin.
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!