KABANATA 15
PARAAN NG PAGBAGSAK NI SAMARATREVOR Point Of View
"Paano ba natin matatalo si Samara?" rinig kong tanong ni Lester kay Devorah habang nakaupo kami dito parin sa may sofa na sobrang luma na.
Napatingin ang babae sa binata na para bang may nagawa itong masama dahil sa talim kung tumingin nito kay Lester. "Sa ngayon, ang tanging alam ko lang na paraan para matalo siya ay ang itim na pusa." sagot nito sa kaibigan namin.
Anong kinalaman ng pusang itim kay Samara? Konektado kaya ito sa buhay niya? Ngayon, naguguluhan ako sa pagbuo niya ng mga kasagutan para matalo namin ang Kapatid niya.
"Ale, ano pong kinalaman ng itim na pusa sa pagkatao niya?" tanong ni Pearl dito. Iisa lang ba kami ng iniisip ngayon? Nalaman niya kase yung gusto kong itanong sa babaeng 'to.
"Ang pusang itim ay konektado sa buhay ng kapatid ko. Si Samara noong nabubuhay pa meron siyang alaga na pusa at ang pangalan nito ay Ismael. Si Ismael ang kauna-unahang naging alaga ni ate ngunit nung malaman niyang nawala ito. Dito na nagsimula ang paghahanap niya sa pusang si Ismael. Sampung baryo ang pinuntahan niya ngunit wala siyang napala. Pagkatapos ng pangyayaring yun, nagbago na ang ugali ng ate ko. Nanibago kami sa kanya hanggang sa dumating sa punto na maglayas ulit ito para hanapin ang pusang si Ismael." pagkukwento niya sa amin. Napaka-konektado niya nga sa buhay ni Samara. Ilang saglit pa, habang nakaupo kami sa may sofa. May naramdaman kami na tila hangin na malamig sa bawat tabi namin. Pagtingin namin sa gilid may nakita kaming tatlong kaluluwa na nakatabi sa amin. Isang babae at dalawang lalaki. Sa tingin ko ang tatlong Kapatid ni Devorah ang mga ito.
"Mga Kapatid mo!" pambungad na turan ni Pearl matapos niya muling makita ang mga kaluluwang nakapaligid sa amin.
Ang mga kaluluwang nakapaligid sa amin ngayon ay halos may mga bahid ng dugo. At tila parang may mga tama ng saksak ng bolo at ng baril pero, bakit sila nandidito? Anong ginagawa nila dito para magparamdam? Konektado kaya sila sa magiging solusyon?
"Bakit sila nagpapakita ngayon? Anong ibig nila?" tanong ko ng may pagtataka.
"Para matalo ninyo ang kapatid namin na si Samara. Kailangan ninyong hanapin ang mahiwagang lubid na ginamit niya sa pagpapatiwakal." malamig na sabi ng kaluluwa ni Supremo habang nakatingin sa amin.
"Akala ko ba namatay si Samara dahil sa mga mananakop dahil ni-rape siya?" tanong ni Pearl ng may paglilito.
Oo nga yun din ang pagkakaintindi ko sa mga nalaman namin. Pero bakit mayroong lubid? Anong konek ng lubid na yun sa pagkamatay ni Samara? Hindi ko maintindihan.
"Matapos gahasain si Samara. Nagkunwari itong patay upang layuan na siya ng mga mananakop. Pinilit niyang hindi huminga kaya kinalaunan nung mapansin niyang lumayo na ang mga mananakop na gumahasa sa kanya. Muling huminga siya at pinilit ang sarili upang makatayo at makalayo sa lugar na'to. Humanap siya ng lubid at itinali sa may puno marahil wala na siyang kasama sa buhay. Mas pinili niya na lang magpakamatay upang sumunod sa kabilang buhay." sagot ni Supremo na idinaan sa pagkukwento.
"Teka nga may third eye ba kayo?" naguguluhang tanong ni Pearl sa amin.
"Hindi ko alam e pero nakikita ko yung mga kaluluwa ng mga kapatid ni Devorah" sagot ko sa kanya saka ito tumango ng isang beses.
Sa ngayon unti-unti ko mang nabubuo ang mga dahilan at paraan subalit hindi parin ito sapat para makampante kami dahil hindi lang ito yung nag-iisang paraan upang matalo namin si Samara. "Bukod pa sa mahiwagang lubid. Kailangan nyo din ng litrato ng aming pamilya. Kailangan ninyong patakan ang litrato gamit ang dugo ng isang itinakda." sambit naman ni Diego.
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!