Kabanata 5

756 17 0
                                    

KABANATA 5
ANG PAGPATAY
(UNANG BIKTIMA)

RENZO POINT OF VIEW

"Pre, bakit pa kase tayo humiwalay sa mga kasama natin. Hindi mo ba pwedeng palagpasin muna yung nangyari?" rinig kong tanong ni Skyler na nasa likuran ko. Kung alam mo lang sana ang nararamdaman ko ngayon hindi mo masasabi ang mga yan.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya sakin dahil nakatuon parin ang isip ko sa nangyari kanina kina Trevor at Tamara. Hindi ko aakalain na magagawa niya akong traydurin. Itinuring kong kaibigan siya tapos pati girlfriend ko papatusin niya.

"Sweetie!" rinig kong tawag ni Tamara sakin habang nakaupo sa may malaking bato. Nahinto kami ni Skyler sa paglalakad para puntahan ang girlfriend ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya na medyo galit ang tono ng boses. "Galit ka pa sakin?" tanong niya sakin habang nakayuko. "Sayo hindi ako galit. Pero sa kaibigan nating Trevor na yun mapapatay ko yung hayup na yun!" galit na pagkakasabi ko.

Ilang minuto ang lumipas matapos naming magpahinga. Muling naglakad kami patungo sa kawalan. Hindi namin alam kung saan papunta ang sinusundan naming daan na nilalakaran namin. Hindi namin alam kung saan ang patutunguhan ng paglalakad namin ngayon lalo na't ang dala kong flashlight na nagmumula sa phone namin ay unti-unti ng nauubos ang charge. "Sana may makita tayong matutuluyan maski ngayon lang." wika ni Skyler na nasa unahan namin ni Tamara.

Sa hindi kalayuan ng kinatatayuan namin. May nakita kaming isang bahay na mukhang bungalow ang itsura sa may gitnang kagubatan. May sinag ito ng buwan kaya nakipagsapalaran kaming puntahan ito para makituloy muna. Sa pagkatok ko ng pinto. Bigla itong bumukas ng walang taong nagbukas. Sa pagsilip ko sa loob sumalubong sakin ang mga ilaw at chandelier na sumasayaw habang nakabitin ang mga ito sa may kisame. "Wow, ang gara ng loob!" pagpupuri ni Skyler matapos niyang sumilip din sa may pinto. "Sino kaya nakatira dito?" tanong ko sabay pasok namin sa loob.

Pagpasok namin mayroong isang bagay ang umagaw ng atensyon ko at iyon ay ang litrato na nakasabit sa may wall. "Sa tingin nyo ito yung may-ari?" tanong ko sa dalawa habang nakatingin ako sa may mga lumang litrato na nasa harapan ko. Napatingin sila dito at agad na kinuha ni Skyler ito para tignan ang nasa likod nito. "What are you doing?" takang tanong ko habang tinitignan niya yung likuran ng litrato. "Family Crisostomo." basa nito sa nakasulat sa may likuran ng litrato. "Mercedes, Benzene, Samara, Supremo, Valenciana, Diego at Devorah." basa pa nito sa mga pangalan na nakalagay sa may likuran nito. Siguro ito yung mga nagmamay-ari nitong bungalow na tinuluyan namin ngayong gabi.

Nakatitig parin ako sa lumang litrato ngayon habang naglilibot si Skyler sa loob nitong bungalow. Sa hindi kalayuan. Narinig kong napasigaw si Skyler na parang babae kung sumigaw daig niya pa si Tamara kung tumili.

Pagpunta namin ni Tamara sa may direksyon ni Skyler. Nagulat ako sa aking nakita.

"Anong ginagawa nila dito?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin kami sa may kwarto na kung saan natutulog ang mga kasamahan namin. "Gisingin ko ba?" tanong ni Skyler sakin. "No!" sagot ko tapos bumalik kaming sala para umupo saglit sa may sofa na puno ng alikabok.

"Sweetie, can you wipe this part?" pag-uutos ni Tamara sakin. Pinunasan ko ng pa-kamay yung part na may alikabok para matanggal ito.

"Renzo ang ganda dito parang maliit na palasyo" wika ni Skyler habang iniikot niya ang paningin sa buong bahay.

"Sinabi mo pa!" tangi kong tugon.

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon