Kabanata 11

555 17 0
                                    

KABANATA 11
ANG UNANG REBELASYON
(ESTRANGHERO)

TREVOR Point Of View

Siguro mag-iisang oras na kaming naglalakad dito sa may madilim na gubat na 'to. Hindi namin alam kung nasaan na ba yung lumang bunggalo na hinahanap namin. Parang halos kase ng nadadaanan namin eh pare-pareho lang ang itsura.

Nagpalingap-lingap ako sa paligid para tignan ang mga bagay na nasa paligid namin. "Wala ba kayong natatandaan na kahit na ano patungong bunggalo?" tanong ko sa kanila. Napatigil kami saglit sa paglalakad para alalahanin ang mga dinaanan namin kanina.

Napatingin sa paligid si Garnett. "Ang natatandaan ko kanina nung nanggaling tayo dito. May nakita akong puno dito parang puno ng sampalok." saad niya tapos itinuro niya yung puno ng sampalok na tinutukoy niya. "Ayun! Eto yun!" dagdag niya pa habang nakaturo yung hintuturo nya sa may sampalok.

"Sigurado ka?" paninigurado ko habang nakatuon yung atensyon ko sa kanya. "Oo hinding-hindi ako nagkakamali." sagot nito sakin.

"Ako rin Bhie. I remembered this place. May nakita kanina akong bulaklak ng kantutay. Wait?" hinanap niya saglit yung hinahanap niyang bulaklak. "Ayun!" sambit niya habang tinuturo niya yung bulaklak ng kantutay sa may bandang kaliwa namin. Mabuti na lang natamaan ng liwanag ng buwan yung hinahanap namin. "Are you sure na yan yun?" paninigurado ko. "Oo I'm perfectly sure na yan yun!" sagot niya sakin na talagang pirsigido siya.

"Eh ikaw Pre? May natatandaan ka?" tanong ko naman kay Lester na kanina ko pang napapansin na pilit inaalala ang mga dinaanan namin kanina. "Ang natatandaan ko lang..." natigilan siya sa pagsasalita at napatingin siya sa paligid na tila may hinahanap. "Meron kanina akong nakita dito na parang......ayun!" pagpapatuloy niya habang may tinuturo siya sa may kanan namin na tila isang punong-kahoy nama'y lubid na may buhol. Lubid na parang ginamit sa pagbigti. "Bakit merong lubid dito?" takang tanong ko pero iisa lang ang pumapasok sa isip. At ito yung baka mayroong nagbigti dito.

"Para saan kaya yan?" wika ni Pearl ng may pagtataka.

"Nakita mo ba talaga yan kanina?" tanong ko kay Lester.

"Oo pre. Napansin ko yan nung nagkahiwalay tayo ng direksyon nila Renzo earlier lang." sagot niya sakin.

"Oh my gosh! Ayun na yung bunggalo oh!" napatingin kami sa may tinuturo ni Pearl sa direksyon ng hintuturo niya.

"Sabi ko sayo eh!" wika ni Lester sakin matapos makita yung bunggalo.

Nang marating na namin ito. Hindi na nag-alangan pa kami na hindi buksan namin ang pinto. Sa pagpihit niya ng doorknob ay agad na sumalubong sa amin ang isang napakagandang babae na may suot na itim na cloak. May mahaba itong buhok, maganda ang hubog ng kanyang katawan, morena ang kulay ng balat, matangos ang ilong, at parang galing ito sa maka-lumang panahon at kamukha nito ang isang anak ng mag-asawang Crisostomo.

"Sino ka?" pambungad na tanong ni Pearl pagkatapos naming pumasok sa loob. Hindi kami pinansin nito habang nakatuon ang atensyon sa may chandelier na bumagsak kanina. "Nasaan na yung katawan ni Tamara?" takang tanong ni Garnett matapos n'yang hindi makita ang bangkay nito. "Miss, naririnig mo ba kami?" mahinahong tanong ko rito.

Gumalaw ng bahagya ang ulo nito kasabay pa ng mga paa nitong naka-de cuatro. "Maupo kayo!" pag-uutos nito sa amin.

Naupo kami sa may bakanteng sofa na mayroong bahid ng dugo na nanggaling pa sa bangkay ng kasamahan namin. "Sure kayo na dito tayo uupo?" tanong ni Pearl sa amin na tila nag-aalangan pa dahil natapat sa kanya yung may dugo na parte. Aaminin ko may pagka-maarte itong girlfriend ko pero mahal na mahal ko yan.

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon