Kabanata 17

486 14 0
                                    

KABANATA 17
ANG UNANG PAGTUTUOS

TREVOR Point Of View

Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad. Muli naming nakita si Devorah sa may kakahuyan. May suot itong cloak na itim na may hoodie sa ulo. Nakaupo ito sa may bato habang itinuturo niya gamit ang kanyang tungkod ang buwan na lumiliwanag sa may kalangitan.

Nilapitan namin ito para kuhanin ang kanyang dahilan para malaman namin ang rason kung bakit siya umalis ng hindi namin alam.

"Aling Devorah!" wika ni Lester dito paglapit namin sa direksyon niya. Ngunit hindi ito lumingon at tutok parin sa pagtingin sa may Buwan.

"Aling Devorah!" tawag naman ni Pearl dito. Ngunit hindi niya parin ito pinansin.

Bakit hindi niya kami pinapansin? Mahina kaya yung pandinig niya?

Akma ko siyang nilapitan para hawakan ito sa balikat. Sa paghawak ko sa kanyang balikat. Dahan-dahan itong lumingon sa akin. Nang makita ko ang kabuuan niyang mukha. Laking gulat ko ng makita ko ang pagmumukha ni Samara ng nakangiti ng nakakatakot.

"What the hell?" ang tangi kong nasabi saka ako umatras papalayo sa kanya.

"Si Samara!" sambit ni Pearl na napansin kong bakas sa mukha niya ang takot.

"Muli na naman tayong nagkita. BWAHAHAHAHA!" wika ni Samara habang tumatawa. "Nasurpresa ko ba kayo?" tanong niya pa sa amin na tila nang-aasar.

Mula sa may bato na kinauupuan niya. Lumutang ito papalapit sa akin. Binuhat niya ako gamit ang kakaibang enerhiya niya at saka ako lumutang sa ere. "Ibaba mo ako!" pag-uutos ko sa kanya. Pilitin ko mang kumawala ay hindi ko magawa dahil hawak niya ako gamit ang kanyang enerhiya.

Sa aking paglutang. Sinisikap ko paring kumawala kahit na wala manlang nangyayari sa aking mga pagkilos. "Ibaba mo ako!" pag-uutos ko pa habang pinpilit ko yung sarili ko na kumawala.

Tawa lang ng tawa si Samara habang nagpupumilit akong kumawala mula sa kanyang enerhiya na ginamit sakin. "BWAHAHAHA! Kahit na anong gawin mo. Hindi ka makakaalis!" natatawa nyang saad sa akin..

Mula sa ibaba ko. Nakita ko si Lester na hawak-hawak yung lubid na kinuha namin sa puno kanina. Pinaikot--ikot niya ito na para bang cowboy at inihagis sa may ulo ni Samara.

"Anong ginagawa mo?" galit na sabi nito nung pumasok ang lubid sa kanyang ulo.

Nang maramdaman kong tila bumababa ako mula sa ere naisip kong isa na itong pagtutuos namin. Ito na ang simula ng aming pagtutuos.

"Tanggalin nyo 'to!" irita nyang sabi ni Samara habang pilit na tinatanggal ang lubid na nakasuot sa kanya.

"Tulong!" rinig kong sabi ni Lester na tila nahihirapan na dahil sa lakas ng enerhiya ni Samara.

Matapos kong mahawakan yung lubid. Napansin kong lumalakas ang ihip ng hangin. Kasabay pa muli nito ang tunog na kanina pa namin naririnig ang HIGH PITCH SOUND. Palakas ito ng palakas na para bang pinipihit ng paunti-unti ang bolyum nito. Napatakip kami ng dalawang tenga kaya yung hawak namin na lubid ni Lester ay nabitawan at nakawala si Samara.

The Sound of Death (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon