KABANATA 16
ANG PANGALAWANG REBELASYON
(LUMANG BUNGGALO)
TREVOR Point Of ViewPagdating naming bunggalo. Inilapag ako ni Lester sa may sofa ng dahan-dahan habang inaalalayan ako. Hanggang ngayon kase ramdam ko parin yung sakit na natamo ko mula sa pagkakabagsak ko sa may puno.
"Nasaan si Devorah?" tanong ni Lester habang nililibot niya ang kanyang mata. Oo nga. Nasaan siya? Hindi ko nakikita siya ngayon. Saan ba siya nagpunta ngayon?
Nagpatuloy kami sa paghahanap mula dito sa may bunggalo. Mula sa sala tinignan ni Lester ang buong kwarto ngunit hindi niya ito nakita.
"Baka may pinuntahan" turan ni Pearl sabay upo naman ni Lester sa may kabilang gilid ko.
Makalipas ang ilang minuto. Hindi parin namin nakikita ang babaeng tumulong sa amin.
"Saan na kaya si Aling Devorah?" tanong ni Pearl na may pag-aalalang tono ng boses.
Napatayo siya sa kanyang kinauupuan at mayroon siyang napansin sa may litrato na nakasabit sa may pader. Minadali niya itong pinuntahan para kunin. "May sulat!" pagpapaalam niya sa amin matapos niya itong makita."Anong laman?" tanong ni Lester.
Sa pagbukas niya sa papel na nakatupi. Binasa niya ito ng malakas.
"Alam kong hahanapin nyo ako mamaya pagdating ninyo. Kaya dito ko nilagay sa may litrato ang sulat para madali nyong makita. Okay sisimulan ko na." napahinto sa pagbabasa si Pearl dahil napabuntong-hininga siya muna bago muling ituloy ang pagbabasa.
"Mahal kong tagapagligtas,
Alam kong hahanapin nyo ako pagbalik ninyo. Umalis muna ako para sa sariling dahilan. Nais kong ipaalam sa inyo na ang bunggalong ginagalawan ninyo ay mayroong itinatago na tanging makikita ninyo lamang kapag muling lumabas kayo dito. Huwag sana kayong mabibigla sa makikita ninyo. - Devorah." basa ni Pearl.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin na mayroong itinatago ang bunggalo na'to? May rebelasyon na naman ba kaya?
"Hindi ko maintindihan!" usal ni Lester na may pagkalito.
"Ano kayang ibig nyang sabihin?" tanong ni Pearl na may parehong ekspresyon.
Lahat kami ngayon naguluhan sa ibig iparating ni Devorah. Kung ang ibig niyang sabihing lumabas kami ng bunggalo. Yun ang gagawin namin ngayon. "Guy's baka ibig na iparating ni Devorah sa atin. Kailangan nating lisanin ang bunggalo na'to." sambit ko sa kanila.
"Kung lalabas tayo. Anong susunod na mangyayari?" tanong ni Pearl sakin.
"Subukan na lang natin. Wala namang mawawala di ba?" sagot ko sa kanila.
Sa paglabas namin. Humarap kaming tatlo sa may tapat nitong bunggalo. Sa ngayon hindi namin alam ang mangyayari.
"Oh ano na?" tanong ni Pearl.
"Ano kayang...." natigilan ako nung mapansin namin na tila gumuguho na yung lumang bunggalo na nasa harapan namin.
"Anong nangyayari?" takang tanong ni Lester.
"Bakit gumuho?" tanong naman ni Pearl na may kabang nararamdaman. Ramdam ko kase yung nginig ng boses niya.
"Ito na siguro yung sinasabi ni Devorah sa sulat" ani ko.
Matapos siguro ang trenta minutos. Napa-upo kaming tatlo sa may lupa ng magkakadikit habang pinapanood at nanghihinayang sa pagguho ng napakatandang bungalo na nakita ko sa tanang buhay ko. "Paano na tayo nito?" tanong ni Pearl na may panghihinayang.
Hindi namin alam ngayon kung saan kami pupunta. Wala na kaming masisilungan at lalo ng wala ng mag-iilaw sa gabing ito. "Kailangan na nating umalis." pag-uutos ko.
Sa muling paglalakad namin. Tumapat yung buwan sa mismong direksyon namin kaya napatingin kami dito. "Sana matapos na 'tong gabing 'to." hinanaing ni Pearl habang nakatingala sa may buwan.
"Kailangan na nating matapos 'to!" matapang na pagkakasabi ko.
Pagdating namin sa kalagitnaan nitong kagubatan. Muling nakasalubong namin ang itim na pusa. Matang nanlilisik lang ang nakita namin ngunit masisigurado namin na pusa ito. "Ayan na naman siya!" sabi ni Pearl na may tonong natatakot.
Napakapit siya sa may braso ko ng mahigpit atsaka siya napatago sa may likuran ko. "Kailangan natin siyang mahuli!" wika ko.
"Pero paano?" tanong ni Lester sakin.
"Dahan-dahanin lang natin para hindi magulat." sagot ko.
Akma na sana naming huhulihin siya. Nang biglang nagngalit ang ngipin nito na para bang gusto kaming sugurin. "Mag-ingat kayo!" pag-papaalala sa amin ni Pearl.
Pinalibutan namin ni Lester ang pusa ngunit hindi namin ito nahuli. Nanakbo ito sa dilim at bigla na lang naglaho na parang bula. "Sayang naman?" panghihinayang ni Pearl habang nakatayo sa may likuran ko.
"May ibang chance pa naman." turan ko.
Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad. Napahinto muli kami. Napansin ko kase si Pearl na tila hinang-hina na dahil yung postura niya ay napapayuko na dala ng pagod. "Abahin kita?" pagsasuggest ko. "Sigurado ka?" tanong niya sakin.
"Oo naman." sagot ko.
Habang naka-aba si Pearl sa likod ko. Si Lester ang ilaw namin para masunod ang daan kahit hindi namin alam ang direksyon. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad sa madilim na kagubatang ito. "Guy's mukhang bumalik tayo sa may ilog?" wika ni Lester matapos muling marinig yung lagaslas ng tubig nag nagmumula sa unahan namin.
"Ano? Wala na bang ibang daan?" tanong ni Pearl na may tonong naiinis na.
"Pakiramdam ko nababalot talaga ng itim na misteryo itong gubat na 'to. Pabalik-balik na lang tayo!" turan ko.
Nang makarating kami sa may ilog. Umupo kami saglit ng mga kasamahan ko sa may pampang. Pinanood namin ang tubig na umaagos sa ilog. Naghagis kami ng maliliit na bato tapos tinignan namin ang itsura namin na parang salamin. "Ang haggard ko na!" mahinang usal ni Pearl matapos makita niya yung repleksyon ng kanyang sarili sa may tubig.
"Mabuti nakikisama yung buwan sa paglalakad natin. "wika naman ni Lester. Sa sobrang pagod niya nahiga ito saglit habang nakaunan yung isa niyang kamay sa may ulunan niya. "Ano kayang ginagawa ng mga kasamahan natin sa camping site ngayon?" sambit ni Lester habang nakatingin sa may maliwanag at bilog na buwan.
"Full moon pala ngayon?" rinig ko pang sambit niya.
Ngayon niya lang napansin? Si Lester talaga.
"Ang ganda ng buwan." wika ko tapos napatingin si Pearl sa akin. "Akala ko ba ako lang yung maganda sa paningin mo?" pabiro nyang tanong sakin ng may pagseselos. Napayakap ako sa kanya habang hinahalikan ko yung ulo niya. "Selos ka kaagad!" ani ko sa kanya habang kaming dalawa ay nakaupo.
ITUTULOY
Don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!