KABANATA 12
ANG KATOTOHANAN SA PAGKATAO NI TREVOR MANANSALATREVOR Point Of View
Sa muling pagbalik ni Devorah sa kinaroroonan namin suot na ang itim na cloak para patunayan na siya ang estranghero na tinutukoy namin. Muli itong naupo sa kanyang kinauupuan kanina dala-dala ang baston na hawak niya kanina. "Devorah, kanina nung nakausap ka namin sa may gubat. Bakit parang boses lalaki yung tono ng boses mo?" tanong ni Lester na tila namumuo sa mukha niya ang pagkalito. "Jiho. Bawat tao kaya nilang baguhin ang tunig ng kanilang boses." pagpapaliwanag nito. "Katulad nito." natigilan siya sa pagsasalita upang iparinig sa amin yung boses niyang ginamit sa may gubat kanina. "Madilim ang gubat na 'to." sabi niya gamit ang boses ng isang lalaki na may katandaan.
Oo nga hindi siya nagsisinungaling. Maya-maya pa, habang nakaupo kami at nakatingin sa babaeng 'to muling may namuo na katanungan sa aking isipan na kaagad ko ring ipinaalam sa babaeng 'to. "Miss, Devorah. Nakwento mo kanina na nagkaroon ng anak si Samara. Gusto ko lang linawin. Nasaan na yung anak niya?" pagtatanong ko na may ekspresyong naguguluhan. "Si Juan Miguel, ang naging anak ni Samara. Isang beses ko pa lang siya nakita noon ng ibinigay siya ng kapatid ko sa lalaking nakabuntis sa kanya na si Juanito Mariano Manansala. Si Juanito, ay taga-kabilang Baryo na masugid na nanliligaw sa ate ko ngunit tumutol ang aking magulang sa naging relasyon nila." pagpapaliwanag nito.
"Trevor, alam mo yung tatay ng tatay ng tatay ng tatay mo. Nung nagka-anak sila mag-isa niyang itinaguyod ang anak niyang si Juan Miguel."
Nang maalala ko yung sinabi ng Mommy ko tungkol kay Juan Miguel. Namuo sa isip ko yung mga katanungan na baka kamag-anak namin ang mga Crisostomo? Pero siguro malayo na dahil sa henerasyong lumilipas. "Kawawa naman yung bata." ika ni Garnett ng may pagkadismaya.
"Trevor, di ba yung apelyido nyo Manansala?" sabi ni Pearl matapos may maalala siya. "Oo bakit?" sagot ko ng may pagtataka. "Hindi kaya, Lola mo sa kinanununuan si Samara?" sabi ni Pearl.
Napatingin silang lahat sakin dahil sa sinabi ni Pearl na tila may punto siya dahil sa sinabi. Nang maalala ko kase yung tungkol kay Juanito. Naikwento ng Mommy ko yung tungkol dito. Yung iniwan si Juan sa kanyang ama at pinalaki ito ng buong lakas ng kanyang ama.
"Jiha, tama ka!" tugon ni Devorah sa sinabi ni Pearl. Napatingin kami dito dahil pakiramdam namin mayroon itong sasabihin. "Nung una kong makita ang kaibigan nyong yan. May lukso ng dugo na dumaloy sa aking katawan. Naisip ko na hindi kaya siya ang natitirang kamag-anak ni Samara na nabuhay sa henerasyong ito? Kaya dahil dun sinubaybayan ko na kayo dahil ikaw lamang ang makakatalo sa kapatid kong si Samara." pagpapaliwanag nito sa amin habang nakatuon ang tingin sa akin.
Kaya ba ako ang tinutukoy niya na ako yung susi sa kaligtasan namin dahil ang dumadaloy na dugo sa akin ay dugo din nila?
"Kung ganun. Iisa lang ang dugo na nananalaytay sa kanila?" tanong ni Garnett na halos hindi makapaniwala.
"Oo!" maikling sagot naman ng babae.
Makalipas ang ilang minuto. Nakaramdam si Devorah ng kakaiba sa paligid. Napahinto kami sa pag-uusap para pakiramdaman ang nasa paligid namin. "Nandito siya!" wika ng babae habang pinapakiramdaman niya ang enerhiya na nasa paligid namin. "Yung kapatid mo nakikita ko sila?" ika ni Pearl habang nakatitig sa mga kaluluwang nakikita niya sa paligid. "Si Samara nakikita mo?" mahinang tanong ni Devorah sa girlfriend ko. Napansin kong umiling-iling lang ito at muling natulala. "Bakit?" takang tanong ko rito habang paunti-unting humahangin. "Papalapit sila sa atin." sagot ni Pearl.
"Wala kayong dapat ipag-alala sa kanila sapagkat hindi nila kayo kailangan. Humihingi lang sila ng tulong upang puksain ang kasamaan ng aming Kapatid na si Samara." pagpapaliwanag ni Devorah tapos dahan-dahan ng humihinto sa pag-ihip yung hangin dito sa loob. "Kailangan ninyong ingatan si Trevor dahil siya lang ang magiging susi para makaalis kayo sa kagubatang ito at isa pa alam na ni Samara kung sino ang naging anak ng mga naging bunga ng pag-iibigan nila ni Juanito Mariano." pagbibigay babala ni Devorah sa amin.
Pagkatapos ng eksenang naranasan namin ngayon. Napatayo si Devorah para pumuntang ewan ko kung saan siya papunta. Nung may naamoy kaming tila pagkain bigla-biglang kumalam ang mga tiyan namin.
"Saan nanggagaling yung amoy na yun?" naguguluhang tanong ni Pearl.
"Nagutom bigla ako." sabi naman ni Lester habang nakahawak siya sa may tiyan niya.
"Mukhang ang bango-bango nung niluluto." wika naman ni Garnett habang inaamoy yung mabangong halimuyak ng pagkain.
"Saan nanggagaling ang amoy na yun? Mas lalo tuloy akong nagugutom dahil sa amoy na yun eh!" saad ko naman.
Sa may pinagpasukan ni Devorah. Muling lumabas ito na may bitbit na mga pagkain na nasa mangkok. Nakalagay ang mga ito sa may tray habang hawak-hawak ang mga ito patungo sa may direksyon namin. "Alam kong kanina pa kayo nagugutom. Eto pagkain para malagyan naman ng mainit na sabaw ang mga tiyan ninyo." wika nito sa amin tapos inilapag niya na yung mga maiinit na sabaw sa katabi naming mesa.
"Ano po yan?" magalang na tanong ni Garnett habang tinitignan ang mangkok na may sabaw.
"Tikman ninyo. Masarap yan!" pahayag ng babae.
Unang tumikim si Lester sa inihandang sabaw ni Devorah. Sumunod si Pearl at Garnett. Panghuli naman ako. "Ang sarap po ah!" pagbibigay puri ni Garnett sa sabaw matapos matikman yung niluto. Para siyang tinola na may pagkahamonado ang lasa tapos may pagka-fried chicken yung tigas ng karne tapos may kanin pang halo parang lugaw ang itsura niya. Saan kaya gawa ang pagkaing 'to na curious tuloy ako bigla.
"Miss, saan gawa tong niluto nyo?" tanong ko naman. Narinig ko kaseng hindi nito nasagot yung tanong ni Garnett kanina. Kaya ako naman yung nagtanong. "Gawa yan sa tao!" nanlaki yung mga mata namin dahil sa narinig namin. Muntik ko pa maibuga yung kinakain ko sa pagmumukha ni Pearl mabuti binawi niya rin iyon bigla. "Biro lang!" pagbabawi niya habang nakangiti.
"Mabuti na lang!" rinig kong sabi ni Garnett. Hahaha. Joker 'tong si Devorah.
Napahugot kami ng malalim na hininga tapos itinuloy na muli namin ang pagkain sa kanin na may sabaw na ibinigay niya sa amin.
ITUTULOY
Don't forget to vote and comment
BINABASA MO ANG
The Sound of Death (Completed)
ParanormalRated: SPG Simulan mo ng magtakip ng tenga kung ayaw mong MAMATAY!