Burn me in heaven (Chapter 17)

204 2 0
                                    


Chapter 17

Nagising si Agatha na nakahiga sa malambot na kama. Hinatak niya paitaas ang kumot nang manginig sa lamig ng aircon. Inikot niya ng tingin ang apat na sulok ng silid. The room is very familiar to her. Oh, this is my room. She mouthed when she realized. Hinapuhap niya sa isip kung paano siya napunta roon.

Napabalikwas siya ng bangon nang pumasok sa isip niya ang nangyaring pag-aresto kay Javier ng mga pulis. Halos tumalon siya sa pagkukumahog na makababa ng kama ngunit agad ding napalugmok nang kumirot ang sentido. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na kutson habang nakaluhod sa carpeted wall. Nang maibsan ang kirot ay muli siyang tumayo.

Dinampot niya ang tableta sa bed side table at binasa iyon. It was her medicine. Isinubo niya iyon at nilunok sa tulong ng isang basong tubig.

Lumabas siya ng silid, hindi alintana ang nakayapak na paa at manipis na bestidang pantulog. She roamed on the hallway. Tinungo niya ang east wing na bahagi ng ikalawang palapag ng mansion. Kailangan niyang makausap ang lola niya. They needed to help Javier get out of prison. His innocence didn't deserve to stay on that kind of place. He was born wild and free. Nakakalungkot lamang isipin na siya ang naging dahilan upang mapatid ang kalayaan nito.

Pakatok na sana siya sa pinto ng silid ng kanyang abuela nang makaulinig ng mga nag-uusap sa loob. Napahinto siya at sumilip sa nakaawang na pinto. Natagpuan niyang nakapalibot doon sina Veronica, Natalia, ang Daddy Iñigo niya at ang Lola Miranda niya. Mukhang masinsinan ang pag-uusap ng mga ito. She started eavesdropping on them.

"What should we do now?" tinig ni Veronica.

"We will do nothing about him," tugon ng kanyang abuela.

"What if this guy---Javier comes back? What if Agatha looks for him?" si Veronica muli.

"That guy is already under the police custody. He can't come back here, he'll be imprisoned," anang kanyang ama. "And, we will not let Agatha be with that guy again."

"But we can't assure that, Iñigo... until this guy is proven guilty..." sabad ni Natalia.

Napadako ang tingin ni Veronica sa madrasta. "I agree. For the first time, I agree with Natalia. And you think... ugh, mahirap sa aking paniwalaan ito pero... seeing how Agatha reacted when the policemen took that guy away was something... you know."

Isang malakas na ismid ang sumingit sa usapan. Then, she heard Natalia said: "Do you think they're in love? That is a very ridiculous idea. Ilang buwan lang nawala si Agatha. She couldn't be falling in love with that guy."

"I agree with Veronica's observation. Agatha's vulnerable and maybe she found strength on that guy when he helped her recovered from the accident. Cliché, I must say but possible. Like a whirlwind romance. Oh, my poor Agatha. Pero hindi sapat na dahilan iyon para ilugmok niya at idamay ang sarili sa krimen na ginawa ng hudas na 'yon," may panghihinayang at awa sa tinig ng abuela niya nang sabihin ang mga salitang iyon.

Her dad outburst with exasperation and anger. "That guy could only be using Agatha to get away. Maybe he had planned it all along when he found Agatha. He found an escape goat for his crime."

"Pero paano kung totoo ang sinabi ni Agatha na siya ang pumatay sa uncle ni Claire? Narinig natin siyang umamin. Loud and clear," saad ni Natalia, may iritasyon at galit na rin sa tinig.

"Being a murderer doesn't run in this family!" galit na sikmat ng matandang babae.

"Just saying," sarkastikong sagot nito, may munting tawa sa tinig.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon