Burn me in heaven (Chapter 28)

104 2 0
                                    


Chapter 28

NAGTIIM ang mga bagang ni Javier matapos muling mapanood ang CCTV video ng tangkang panggagahasa ni Señor Graciano kay Agatha, ang pagdating niya sa eksena at pagtadyak sa matanda, ang pamamaril nito, ang pagsilakbo ng galit ni Agatha... at ang pagpasok ni Juancho sa study room at matagpuan nitong buhay pa ang alkalde at ang pag-kitil nito sa buhay ng matanda gamit mismo ang sariling baril nito. Itinago ni Juancho ang video na iyon upang hindi ito makasuhan sa pagpatay kay Señor Graciano pero nalaman iyon ni Pedro na siyang pinsan nito na naninilbihan din sa mansion ng mga La Jarde. Iyon ang tinungo niya nang umalis siya at daanan sa klinika si Agatha. Malabis ang pangungulila niya sa kasintahan kaya hindi niya napigilan ang katagpuin ito. Hindi muna niya sinabi rito ang laman ng video dahil hindi pa niya hawak iyon at kukunin pa lamang. Ayaw niya itong bigyan ng walang katiyakang pag-asa na matatapos na ang kaso nila laban sa señor.

Sinamantala nila ang nakaw na sandaling iyon upang pagbigyan ang mga sarili, ang madama ang init ng bawat isa at puksain ang uhaw sa pangungulilang mga puso nila. Pero bigla na lamang nawala si Agatha. Binalikan niya ito sa klinika at doon niya nakatagpo at nakilala ang doktor nito na si Thomas. Nabanggit nitong nakasalubong ang kasintahan ngunit hindi na raw ito si Agatha kundi ang isang persona nito na si Samantha. Sa pag-aalala at para makasiguro na walang mangyayaring masama rito ay sinundan nila ang sasakyan nito. Sumama ang doktor sa kanila dahil kailangan daw nitong obserbahan ang magiging behavior ni Samantha upang makatulong sa theraphy nito.

Nang hindi na pamilyar ang tinatahak na ruta ng sasakyan nito ay may kung anong kaba ang bumundol sa dibdib niya kaya agad siyang tumawag ng pulis para matimbrehan ang mga dadaanan nito. Humantong sa isang lumang warehouse ang sasakyan ni Agatha at nakita niya roon ang pamangkin ni Señor Graciano na si Claire. Mabuti na lamang at mabilis ang naging responde ng mga pulis kaya nadakip agad nila ang babae kasama ang mga tauhan nito. Parang nilalamukos ang dibdib niya ng mga sandaling iyon nang malaman na wala na sa loob ng lumang warehouse si Agatha. Mabuti na lamang at na-track agad ng mga pulis ang dinaanan nito at ni Anton at sa huli ay nadakip din ang half-brother nito. Mabilis namang nadala sa ospital ang kasintahan pero hindi nga lamang siya nakasama pa dahil sa restraining order niya. Hinayaan na lamang niya ang doktor nito ang sumama at agad naman siyang binalitaan ni Thomas na stable na ang lagay ni Agatha. Nakahinga siya ng maluwag.

Sa wakas, matatapos na ang lahat.

Naagaw ang pansin niya ng cellphone sa ibabaw ng mesita nang may lumabas na notification doon. Isang message mula sa abogado niya. Iniurong na raw ang kaso laban sa kanya ng anak ni Señor Graciano. Napausal siya ng pasasalamat sa nakapagandang balitang iyon.

Magkasunod na pumasok sa salas ang nanay niya at si Konsehal Agustin. Mukhang natanggap din ng mga ito ang parehong mensahe. Sinalubong niya ang mga ito ng yakap.

"Totoong may awa ang Diyos, Javier. Tapos na ang kalbaryo natin dahil sa pesteng matandang iyon. Nawa'y sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa niya," lumuluhang saad ni Marites.

Pinunasan niya ang mga luha nito. "Salamat sa Diyos, 'Nay. Maraming salamat din sa inyo konsehal. Napakalaki ng naitulong ninyo sa amin."

"Wala iyon, Javier. Sino-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo rin," anito na may malapad na ngiti sa mga labi.

"'Nay, gusto ko pong bisitahin na ngayon si Agatha. Kailangan niya ako ngayon."

"Kahit ako pa ang maghatid sa 'yo, anak. Wala na silang magagamit laban sa 'yo para pigilan ka pang lumapit kay Agatha. Ako na ang bahala sa lecheng restraining order na 'yan!" nakatawa na ngayong bulalas ni Marites.

PUTING mga ding-ding. Puting kisame. Puting higaan. Frustrated na napaungol sa isip si Agatha nang mapagtantong nasa ospital na naman siya. Sa kadahilanang hindi niya maalala. Hanggang sa unti-unting tumimo sa isip niya ang lahat sa tulong na rin ng kapatid na si Veronica na siyang nag-supply ng ilang detalye sa foggy memories niya.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon