Burn me in heaven (Chapter 18)

246 6 0
                                    



Chapter 18

"Bakit hindi pa ninyo hinuli ang babaeng iyon!? Napakalakas ng ebidensya laban sa kanila! Hindi ninyo ba inisip na baka tumakas pa 'yun o itakas ng pamilya niya!? Mga estupido!" himutok ni Claire sa pulis na nasa front desk. Hindi siya makapaniwalang nakaligtas na naman si Agatha sa kanila. Mas madali sana itong ipapatay kung nasa piitan ito at mabilis din silang makakatakas sa krimen dahil hindi na sila ang personal na gagawa niyon kahit iyon ang gusto ni Anton noong una. Kailangan nilang maging mas matalino at wais sa pangalawang pagkakataon. Pero naunsyami na naman iyon dahil palpak ang mga pulis na dapat ay aaresto sa babae. Nagpatakot pa kay Iñigo ang mga ito. Mga walang kuwenta!

Napapakamot sa ulo na tiningnan siya ng pulis. "Eh, ma'am, base naman po sa natanggap naming blotter ay si Javier Ramirez lang ang suspek sa pagpatay sa tiyuhin ninyo. Siya lang po talaga kinasuhan ng pormal na reklamo. Kung gutso po ninyo pwede kayong magsampa ng complaint sa korte para magawan po natin ito ng aksyon agad," esplika ng pulis.

"That is ridiculous!" Pinukpok niya ng palad ang desk ng pulis. Ang totoo ay hindi niya rin alam iyon sa simula dahil ang buong akala niya ay parehong kinasuhan sina Javier at Agatha. It was too late when they double checked the papers. Even James was shocked.

"Claire," si James.

Napalingon siya sa bagong dating at nilapitan ito. "Ano na!? Why is it taking too long before they arrest Agatha!?"

"Calm down for a moment, please," ani James at hinila siya paupo sa isang bench. "I already talked to someone and they are able to coordinate with the court. They've sent a subpoena for Agatha."

"What!? Just a subpoena!? Are you kidding me, James!? Is that all they can do!?" paghuhuramentado niya. Muli sana siyang tatayo para balikan ang pulis sa front desk nang pigilan siya ng pinsan at muling paupuin sa tabi nito.

"Be at ease, woman. We need a strong evidence against her. Hindi siya pwedeng basta-basta na lang arestuhin at ikulong. Ni wala siyang motibo para patayin si..." James paused. Hindi na nito itinuloy pa ang pagbanggit sa pangalan ng ama.

"Ano pa bang ebidensya ang kailangan nila? Nandoon sila sa mansion ng oras na patayin si uncle at bigla na lang silang nawala pagkatapos niyon. Napakadaming testigo sa mansion. Pinatay nila si uncle. They are guilty!"

Napabuga ng hangin si James sa bibig. "We both want justice, Claire but we need to wait and follow the right process. Let them investigate on this case further."

She took a deep sigh. "If that what you say, James. You know more than me."

"Umuwin na muna tayo para makapagpahinga ka."

She nodded and went after him. You'll be dead soon, Agatha. Just wait for it to come near you.

Nagpahatid si Samantha sa pinakamalapit na presinto. Inaasahan niyang doon dinala si Javier. Nang makababa at makapagbayad sa driver ng tricycle ay dumiretso na siya sa front desk. Nagtanong agad siya sa pulis na naroon.

"Nakapagpyansa na po si Javier Ramirez. Kanina pa po nakalabas," imporma sa kanya ng pulis.

"Did he mention where is he going?" tanong niya, nakaramdam ng bahagyang relief sa kaalamang hindi nagtagal sa selda si Javier.

"Hindi po namin alam, ma'am. Kontakin na lang po ninyo."

Pero wala siyang dalang cellphone at isa pa ay hindi niya kabisado ang gamit nitong numero. "Nakilala ba ninyo kung sino ang mga kasama niyang umalis dito?" tanong pa niya. Baka sina Nanay Marites ang nagpyansa rito. Baka umuwi na ang mga ito pansamantala sa Sta. Barbara.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon