Burn me in heaven (Chapter 13)

304 6 0
                                    


Chapter 13

"Damn! Wala bang maisip na matinong solusyon ang gobyerno para maresolba ang buwisit na traffic na ito? My god, even here in Baguio!" Natalia shrieked in irritation. Kanina pa sila stucked sa gitna ng traffic na iyon.

"Naku, ma'am... May nagkabangaan daw po kasing..." tugon ng driver nito na hindi na naipagpatuloy pa ang sasabihin nang tadyakan nang babae ang likod ng driver's seat.

"I don't care! Just drive and just do fucking drive, you freaking moron! Kung pwede mong sagasaan lahat ng sasakyan sa harap natin para makaabante tayo ay gawin mo!" nanggagalaiting bulyaw niya. Kinuha niya ang cigarette case sa bag at nagsindi ng isang stick. Binuksan niya ang bintana ng kotse para maitaktak ang abo sa labas.

Pinilit na nilibang ni Natalia ang sarili. Inaliw niya ang nababagot na diwa sa pagtatawa sa mga nakakaawang mga tao sa labas ng magara niyang kotse. Sa pagtatawa niya sa isip ay hindi niya inaaasahang mahagip ng mga mata ang dalawang bulto sa hindi kalayuan sa pwesto niya.

"Agatha..." mahinang bulalas niyang may nakasiksik pang sigarilyo sa bibig. Tuluyang nahulog iyon at bumagsak sa sahig ng kotse nang dumako ang tingin niya sa kasama nitong lalaki. "Javier... Si Javier..." hindi makapaniwalang paulit-ulit niyang usal.

Nang makahuma ay muling natuon ang atensyon niya sa babae. Napuno siya ng galit. That very moment, she wanted to strangle her to death. Bahagyang nagtama ang kanilang mga mata ni Agatha nang tumingin ito sa direksyon niya. Sa ilang saglit ay tila hinapuhap siya nito sa isip bago nakilala. Tila tatawagin siya nito nang hatakin ito ni Javier palayo.

Mas lalo siyang nakaramdam ng galit. Galit at pagkabahala... takot... pangungulila. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at tumakbo patungo sa direksyon ng mga ito. Hinagilap niya ng mga mata kung saan nagtungo ang dalawa pero hindi na niya makita pa. Parang nais niyang umiyak sa nang lukubin siya ng isang estrangherong damdamin. Isa iyong damdaming tila noon pa nasa kanyang dibdib, napuno at ngayon lamang sumabog.

"Ma'am, bakit po kayo tumakbo palabas? Ano pong nangyari? Tara na po at umuusad na ang mga sasakyan," anang driver niya na sinundan na rin pala siya sa pagtakbo.

Naudlot ang luha niya nang harapin ito. "Letse! Sinabi ko bang sundan mo ako at iwan ang sasakyan?! Fucking moron!" nanggagalaiting asik niya at nagpatiuna nang makabalik sa kotse. Nang makabalik siya sa pwesto ng sasakyan ay puro busina ang sumalubong sa kanya sa mga kasunod na sasakyan. She cursed all of them and raised a finger. Nagmadali na rin siyang pumasok.

Nang makaupo ay humugot ulit siya ng isang stick sa cigarette case niya at sinindihan iyon. Ibinubuga niya sa direksyon ng driver ang mga usok ng sigarilyo. Wala itong naging reaksyon. She laughed.

Pero sa isip ni Natalia ay napakaraming bagay ang umiikot. Isang kahibangan lamang marahil ang nakita niya kanina dulot ng walang magawa. It's too impossible for her to see Agatha. That bastard is already dead. Napakataas nang kinahulugan ng sasakyan nito at sumabog pa iyon kaya paano ito makakaligtas sa aksidente? At si Javier, napakatagal na niya itong hinahanap. Kung tutuusin ay mas mahaba pang taon ang ginugol niya sa paghahanap dito kaysa sa sariling anak. Because Javier was her man. No, Javier is still her man. Sa kanya lamang ang lalaki mula noon hanggang ngayon kaya walang karapatan ang sinuman na agawin ito. Lalong higit ang isang bastardang kinamumuhian niya.

Those bastards of her husband were big pain in the neck. If given a chance, she would kill them with her bare hands. She will ensure to make them suffer more than what she had been through. Uunahin niya marahil si Agatha kung totoong buhay pa ito at nakikihati kay Javier niya. At isusunod niya si Veronica, that girl has a hell of a guts she doesn't like the most. Isa pa ay nakita siya nitong may kasamang laruang lalaki. Though, Veronica didn't tell a word about what she saw. It puzzled her or maybe the bitch was planning something for her. Lastly, she would kill Selene, the favorite girl. Napahalakhak siyang muli sa mga naisip.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon