Burn me in heaven (Chapter 16)

215 3 0
                                    


Chapter 16

Sa mansion ng mga Feron sa Bulacan.


Bumaba si Agatha sa tulong ng pag-alalay ni Javier. Tahimik lamang sila ng lalaki sa naging biyahe at hindi nag-imikan. Batid niyang dinadamdam nito ang naging pasya niya at hindi masyadong pinag-isipang hakbang. Papasok na sila sa loob ng mansion nang pigilan niya ito sa pag-alalay sa kanya. Hinayaan niya munang makapasok ang iba nilang kasama bago ito hinarap.


"Alam kong masama ang loob mo, Javier pero sana intindihin mo naman ako."


"Ipaintindi mo sa akin, Agatha kung bakit hindi mo sinabi sa kanila ang buong katotohanan dahil napakahirap sa aking intindihin iyon ngayong nasa sa'yo na ang lahat ng pagkakataon," may diin nitong sabi, pinipigil ang emosyon.


"Because I still need to find out things about the so-called accident that happened to me. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin noon na baka may gustong pumatay sa akin. And I have suspects now, Javier. Look, basing on the way they welcome me, sigurado akong hindi pa nasasabi ni Anton ang nangyari sa pagitan namin noon. The question is why? And now, believe it or not, Claire is his fiancée. Si Claire na pamangkin ni Don Graciano at ang babaeng nasa ala-ala ko bago ako mahulog sa bangin at mawalan ng memorya. Sound suspicious, right?"


Gumuhit ang pagkagulat at pagtataka sa anyo nito. Naihilamos nito ang palad sa mukha. Nagpakawala ito ng malalim na paghinga pagkatapos. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol kay Claire at Anton?"


"I had just read it on newspaper and I verified it first. Nakumpirma ko lang kanina base sa usapan nila Mama."


"Kung nandito si Claire, matutunton tayo rito ng mga tauhan ng Don."


"For sure, they will. But no worries because I am the one who killed him. Those people are after me. Hinding-hindi ko hahayaang masabit ka pa lalo sa gulong ito, Javier. Nakabalik na ako sa pamilya ko ngayon. Let me plan my action to solve these problems I created."


"Agatha..."


"Agatha! Javier!" si Veronica. "Come over, it's getting cold outside."


"We're getting inside," tugon niya at nagpatiuna na sa paglakad.


Humabol sa kanya si Javier ngunit hindi na rin nagbigay ng dagdag na komento. Pagkapasok nila sa mansion ay nabungaran nila si Natalia na nakaupo sa wheelchair, may benda ito sa noo at naka-cast ang kaliwang braso. Inaalalayan ito ng kanyang ama na siyang may hawak ng wheelchair nito.

Dumiretso sa kanila ang tingin ni Natalia. Pinagmasdan niya ang reaksyon ni Javier. Wala na siyang mabasa sa mukha at mga mata nito. He was literally blank.


"Becareful next time, Natalia. I don't know if this is bad luck or a blessing in disguise, but accident is still accident. It can kill a life," ani Miranda na iminuwestra sa isang katulong na kunin ang bag na hawak nito. "By the way, Iñigo have you contacted Anton? I'm not seeing him here," maya ay baling nito kay Iñigo.


"Yes, Mama. I tried but he's out of coverage," sagot ng kanyang ama.


"Do you have any idea where your son is, Natalia?" baling nitong muli sa babae.


"No, Mama. For sure, he's with Claire. Let them enjoy their personal lives. They are adults. Marunong naman silang umuwi at uuwi sila kapag naisipan nila," she answered, may bahid ng talim ang sagot.


"Nah, we'll be having a celebration and I need them here right now. Ask someone to find Anton and Claire, Iñigo."


Nakikinig lamang si Agatha sa usapan ng mga ito ngunit hindi niya mapigilan ang pagtigas ng katawan tuwing mababanggit ang pangalan ni Anton at Claire. Kailangan niya nang madaming lakas at tapang ng loob para harapin ang mga ito. Hindi niya alam kung anong klaseng laro ang ginagawa ng dalawa pero handa siyang makipaglaro ng apoy kung kinakailangan.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon