Burn me in heaven (Chapter 19)

203 2 0
                                    


Chapter 19

Nangangatog ang buong katawan ni Agatha nang magising siya, dumadantay ang liwanag ng sikat ng araw sa kanyang mga mata. Nang kapain niya ang higaan ay basa iyon at magaspang. Nang tuluyan siyang bumangon ay napagtanto niyang nakahiga siya sa malamig na lupa na nalalatagan ng nahamugang mga damo.

Hindi niyaalam kung paano siya nakahantong sa ganoong kalagayan. Ang huli niyang natatandaan ay nasa sariling silid siya at hindi makalabas dahil ini-locked siya sa loob. Labis siyang naguguluminahan sa mga nangyayari. Nakatakas ba siya at doon nagpunta?

Naglakad-lakad siya sa paligid, nakayapak lamang. Napagtanto niyang nasa masukal na parte siya ng bakuran ng mansion. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa lugar na iyon. Pero base sa puno ng mantsa at nangangamoy na niyang pulang bestida ay mukhang nagtagal siya sa ganoong kalagayan.

Tinunton niya ang daan pabalik sa loob ng mansion. Sa garden siya lumusot at dinaanan ang mosoleo ng pamilya Feron. Nakaramdam siya ng pagtaas ng balahibo nang tumapat siya sa pinto niyon. Imbes na magmadali na't umalis ay binistahan niya ang pigura sa salaming pintuan.

She looked like a mess. Gulo-gulo ang buhok niya, parang hindi pa kailanman nakakatikim ng suklay. Nakapagtaka rin sa kanya ang bagong kulay niyon, mamula-mula. She couldn't remember any instance that she dared coloring her hair. At may mga bahid pa siya ng kolorete sa mukha!

What's happening on you, Agatha? What have you been doing?Piping tanong niya sa sarili.

Isang malakas na sigaw ang naging sagot niyon sa kanya. Nang bumaling siya sa pinanggalingan niyon ay galing sa matandang kawaksi ang ingay. Nakaagaw iyon ng atensyon ng marami. Sunod-sunod ang pagdating ng mga tauhan sa tapat ng mosoleo.

"Agatha!?" gulat na pahayag ni Veronica na isa sa mga bagong dating. Agad na lumapit sa kanya ang kapatid. Hinubad nito ang coat nito at isinuot sa kanya. "Thank, God! You are back!" bulalas nito at iginiya siya papasok sa kabahayan. Agad din itong nagpatawag ng doktor.

"Anong nangyayari sa akin, Veronica? I'm confused," nangangatal ang tinig na anas niya.

"Don't worry, the doctor will check you up. You'll be treated."

"So, I'm sick? Am I a sick woman, Veronica?"

Matamang tumingin lamang sa kanya ang kapatid at niyakap siya.

"Please..." pagsusumamo niya.

Muli siya nitong tiningnan ng mataman, may lungkot sa mga mata nito. "Based on the initial diagnosis of the doctor, you are suffering from a... dissociative identity disorder. And you're gone for two days! The doctor said that you might be in a fugue state. Hindi namin alam kung saan ka nagpunta paggising mo. Pilit mong hinahanap si Javier---."

"Oh, my God! Si Javier... Si Javier..." nabasag ang boses niya, kumakaskas sa lalamunan niya ang pangalan ni Javier sa ilang beses niyang pagbigkas.

"Huwag mo muna siyang alalahanin sa ngayon, Agatha. Sarili mo muna ang isipin mo, please."

"No... No! Kailangan natin siyang mailabas sa presinto, Veronica. Inosente siya. Hindi siya ang dapat na nakakulong doon." Niyugyog niya ang balikat ng kapatid.

Mabilis naman siyang pinigil nito. "Calm down, Agatha. Hindi mo ba natatandaan? Nakapagpyansa na si Javier. Wala na siya sa kulungan kaya huwag ka nang mag-alala pa. At kung gusto mo talaga siyang matulungan, kailangan mong magpalakas. Okay?"

"Pero saan siya nagpunta? Kailangan ko siyang makita para masiguro kong ayos lang siya. I need my phone! Where's my phone? Nena! Nena, pakiabot ang phone ko!" Hindi mapakali ang damdamin niya. She can still feel the overpowering spasm on her bones, flesh and veins. "Nena, please... pakihanap ang phone ko..." ulit niya sa katulong na nakaantabay sa kanila nang hindi ito tuminag.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon