Burn me in heaven (Chapter 10)

307 11 0
                                    



Chapter 10

"Ikaw ba ang bumaril sa nanay mo?"

"Hindi! Hindi!" ilang beses nang sinagot ni Agatha ang paulit-ulit na tanong sa kanya ng babaeng nakaputi. Dina raw ang pangalan nito, isang social worker, matambok ang pangangatawan at panay ang sulat sa yellow pad na hawak kahit iisa lang naman ang mga sagot niya.

"Eh, sino ang gumawa niyon sa kanya?" tanong ulit nito, nasa tinig na parang pinagpipilitan nito sa kanyang aminin ang isang bagay na hindi niya ginawa.

"Siya... siya lang," sabi niya at napahagulgol muli ng iyak nang maalala ang mga nangyari.

"Huwag kang umiyak. Hindi tayo magkakaintindihan. Ikaw ba ang bumaril sa tatay mo?"

"Hindi ko siya tatay!" bulyaw niya, sa unang pagkakataon ay pinanlisikan niya ito ng mga mata.

"Sige. Ikaw ba ang bumaril kay Ramon?"

Pinahid niya ang amg luha. "Opo... opo! Sinasaktan niya si Nanay. Sinasaktan niya kami palagi. Hindi ko sinasadyang barilin siya."

"Alam mo bang mali at masama ang ginawa mo? Itatakwil ka ng Diyos."

"Patawad po," mahinang sabi niya. Ayaw niyang itakwil siya ng Diyos dahil sa wakas ay inalis Nito sa buhay niya ang isang masamang taong katulad ng tiyong niya. Pero ang sabi ni Dina masama ang ginawa ko, ang ibig sabihin ay masama akong tao. Papa God, sorry po. Huwag po ninyo akong itakwil.

Naudlot siya sa pagdadasal nang kumalam ang sikmura ng kaharap. "Ano ngang pangalan mo ulit, ineng?" anito at napakamot sa ulo.

"Agatha po."

"O, siya, Agatha. Pulis na ang bahalang kumausap sa'yo. Pagbalik namin ay dadalhin ka na namin sa DSWD. Pasalamat ka at menor ka, hindi ka pwedeng makulong. Kaya tatanungin ka lang nila, huwag kang magsinungaling para hindi na madagdagan ang kasalanan mo."

"Hindi ako nagsisinungaling! Hindi ako sinungaling!," histeria niya.

"Chief! Chief!" sigaw nito at agad namang nilapitan ng isang pulis.

"Hindi po ako sinungaling. Hindi po ako nagsisinungaling," aniya nang tingalain ang pulis.

"This is insane! You are interrogating a child! It can be very abusive for her very young age! Wala ba kayong mga isip! Mga tonta! I will sue every one of you!" galit na galit na sigaw ng matandang bagong dating, pinagduduro nito ng pamaypay ang mga pulis at ang babaeng social worker.

Kasunod na dumating nito ang isang guwapong lalaki na agad itong pinakalma. Natuon ang pansin ni Agatha sa mga bagong dating. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa, hinuha niya ay mag-ina ang mga ito. Pero naguguluhan siya kung bakit bila na lang pumasok ang mga ito roon at galit na galit.

Naisip niyang baka ang mga ito ang aampon sa kanya. Narinig niyang usap-usapan ng mga kapit-bahay nila na pinapaampon sa mayayaman ang mga batang kinukuha ng mga taga-DSWD. Pero naisip rin niya, kung parang galit na galit ang mga ito ay baka katulad lang din ito ng tiyong niya.

"Hindi tama ang ginagawa ninyo sa anak ko! Dapat ay kina-counselling ninyo siya. Based from what I've heard, she experienced a very tragic incident. It can traumatize her, it had just been a week. You don't have any consideration to the child," asik ng guwapong lalaki sa mga tao roon, galit man ang tinig ay mas may kontrol iyon at kalmado kaysa sa matandang babae.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon