Burn me in heaven (Chapter 29)

62 2 0
                                    

Chapter 29

After 6 months...

AGATHA was humming with the sea waves; her hair was being swept by warmth and salty breeze; her skin was getting tanned under the beautiful sunshine. She felt so serene while lying down on the beach sand and watching the birds soaring up high. It was one of the calmest moments she had for the past months. Memoirs of yesterday seemed surreal to her but she knew it really happened. And no matter what, she would like to cherish it for the rest of her lives.

Sa mga nakalipas na mga buwan din ay tuloy-tuloy ang session niya sa isang psychiatrist. Habang tumatagal ay mas nauunawaan niya ang sarili at kung ano ang nangyayari sa kanya. Nalaman niya rin kung ano ang madalas na trigger ng paglabas ng isa pa niyang katauhan. Mas nagiging in-control din siya sa mga pagkakataong nagpapalit siya ng identity. Kaya hindi na siya masyadong hirap sa bawat transition na nagaganap.

"Agatha!" nawala siya sa pag-iisip at napalingon sa tumawag sa pangalan niya. It was Miranda walking slowly towards her. Ilang linggo na rin mula nang makapaglakad ulit ito ng walang kasamang gabay. Mukhang labis na ini-enjoy ngayon iyon ng abuela niya.

"Join me here, Mama. Let's get tanned together," nakangiting yakag niya at iminuwestra ritong maupo sa tabi niya.

Sumalampak rin sa buhanginan ang lola niya. "I miss the sun very much. I thought I wouldn't see the day again but look at me, hija. Good as new!" nakatawang pahayag nito.

"Yeah, you look amazing, Mama," aniya na hindi malaman kung tatawanan ito o mag-aalala na iniisp pala nitong hindi na ito gagaling pa sa sakit.

Mas lumakas ang tawa nito. "You all know that I'm old even though I look very young. One of these days, I'll be gone but I would like to leave this family as strong as ever before. Masyadong marami ng pinagdaanan ang pamilya natin at alam kong malalagpasan natin ang mga susunod pang darating. Thank you for giving me hope, kayo nila Veronica and Selene. Kung hindi siguro kayo dumating sa buhay namin ni Iñigo ay matagal na akong sumuko sa mga naging sakit ko. But here we are, enjoying the time of our lives," bigla ay seryosong sabi ni Miranda. Ginagap nito ang palad niya. "I know you're happy however, your full happiness isn't here in Florida. Your home is in his arms. Kung gusto mo nang bumalik sa Pilipinas, hija hindi kita pipigilan. You've dealt a lot of things by your own and you deserve to be happy, as in super happy."

Pinigilang maiyak ni Agatha ngunit makulit ang ilang butil ng mga luha at kumawala pa rin sa sulok ng mga mata niya. Niyakap niya ang abuela. "Thank you, Mama. You've given me more than hope, more than strength. You gave me so much love I couldn't contain, more than I have wished for since I was a little kid. Thank you for everything."

Pinahiran ng lola niya ang mga luhang pumatak sa mga pisngi niya. "Pasensya ka na at ginawa kong dramarama sa hapon ang pagbi-beach natin," nakatawang biro na nito.

Sinikap niyang ngumiti upang maudlot ang ilang nagbabadyang mga luha na nais pang kumawala. Sometimes, it's refreshing to cry a little but she didn't want to have any tears of sorrow anymore. She just wanted to be happy and she would be forever thankful to all the people who made her experience genuine happiness. She couldn't ask for more.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa buhanginan at tumakbo patungo sa tubig-dagat. "C'mon, Mama let's swim," yakag niyang 'di lumilingon dito.

Miranda was left smiling, in so much awe while looking at Agatha, of how much she grew and matured from all the things that transcribed in her life. She only wished the best for her 'cause she knew she deserved it far better than anyone else.

TIRIK ang araw sa kasikatan subalit patuloy pa rin sa pagtatrabaho si Javier sampu ng mga kasamahan sa farm. Harvest season na kaya abala silang lahat na maani at maibenta ang mga bunga ng mga tanim nila bago pa iyon masobrahan sa hinog o sa gulang at mabulok lamang. Dahil sa nangyaring gulo na kinasangkutan nila ay hindi agad iyon naasikaso kaya puspusan ang trabaho nila ngayon. Nakadagdag pa sa problema nila ay ilang banta sa katahimikan at kaayusan sa bayan ng Sta. Barbara sapagkat ayaw pumayag ng kasalukuyang vice-mayor sa naging desisyon na pagpili kay Konsehal Agustin bilang bagong mayor. Ang vice-mayor nila ay sangkot din sa ilang illegal na transakyon kasama ang yumaong señor ngunit hindi pa nahahatulan. Ang vice-mayor din nila ang siyang may-ari ng malaking pamilihan at bagsakan ng mga pangunahing produkto sa lugar nila kaya nahihirapan din silang mai-deliver at maibenta ang mga ani nila.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon