Burn me in heaven (Chapter 24)

310 6 3
                                    

Chapter 24


AGATHA felt a sudden surge of wild emotion upon seeing Natalia's car rolled down the cliff. She couldn't help herself but laugh so she laughed victoriously, unmindful of the things around her.

"Agatha?" lumingon siya sa pagtawag ni Javier.

"Oh, dear. It's not Agatha, it's Samantha," sagot niya.

Naguluminahan ang lalaki sa sinabi niya. She just kissed him on the lips, wantonly. When she stopped, he became more confuse.

"Ano ba itong nangyayari?!" bulalas nito at bumaba ng sasakyan. Umikot ito papuntang driver seat at pinausog siya sa passenger seat ng sasakyan. Kinuha nito ang cellphone sa compartment at nag-dial doon. "Hello?! May aksidenteng nangyari dito sa 564 Highway... Oo... Pakibilisan, pakiusap..."

"You are so sweet, Javier. Why not just let her die? Do you still have feelings for her?"

"Hindi tayo mamatay-tao. At kung anuman ang mayroon kami ni Vivian noon ay matagal ng wala. Ang nandito na lang sa puso ko ay ang pag-aalala at pagmamahal para sa'yo."

"I love you, Javier."

"Mahal na mahal din kita at hindi ko pagsasawahang ulit-ulitin 'yan sa'yo," anito at ginagap ng isang palad nito ang isang palad niya.

She kissed his hand dearly. Hinayaan niyang magmaneho ito ng payapa.

Nagpatuloy lamang sa pagdrive si Javier hanggang sa makarating sila sa Pampanga matapos ang kalahating araw na biyahe. Sa isang malaki ngunit lumang bahay sila tumuloy.

The house is eerie. May malamlam na liwanag na nagmumula sa loob ng kabahayan ngunit madilim sa buong labas niyon. Naninindig ang balahibo niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa pinto ng bahay. Nang marating nila iyon ay kumatok si Javier sa pintuan gamit ang bakal na hawakan.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto. Isang may katandaan ng lalaki ang bumungad sa kanila na agad sumalubong kay Javier. "Mabuti at nakarating kayo ng ligtas dito, hijo."

"Sa awa po ng diyos, Konsehal."

Iginiya sila papasok ng lalaking tinawag na konsehal ni Javier at agad din nitong isinara ang pinto. Dumiretso sila sa malawak na salas ng bahay. Mga upuang gawa sa rattan ang naroroon at lamesang pabilog na gawa rin sa kaparehong materyales.

"Marites, narito na sila Javier!" maya-maya ay pagtawag ng lalaki nang makaupo sila.

Mula sa ikalawang palapag ng kabahayan ay rinig na rinig nila ang pagkukumahog ng mga yapak ng mga paa na makababa sa hagdan. Isang matandang babae ang agad na yumakap kay Javier kasunod ng isang dalagita at binatilyo. Mahigpit na yumakap din si Javier sa mga ito. Nang mapasulyap ang tatlo sa kanya ay siya naman ang niyakap ng mga ito.

Hindi niya malaman kung paano magrereact sa warmth na ipinadama at ipinakita ng mga ito sa kanya. Tumingin siya sa kay Javier. "Who are they?" she asked.

Nagkatinginan lamang ang mga tao sa paligid niya sa isa't-isa.


HINDI maialis ni Javier ang tingin kay Agatha habang nakikipag-usap ito sa kambal na Marcelo at Juana. She looked so fragile. But he knows that deep inside, she is strong. And he would like to become stronger for her, for him to be able to protect her and secure her that no matter what happens, he will be here fighting with her side by side. Hinding-hindi niya ito iiwan anuman ang mangyari. Anuman ang kahantungan ng lahat ng iyon. May magbago man dito. Dahil alam niyang ito pa rin ang Agatha na minahal niya noon. Patuloy niya itong mamahalin hanggang sa huling hininga niya.

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon