Burn me in heaven (Chapter 11)

317 12 2
                                    



Chapter 11

Sa paglipas ng panahon ay tuluyang nagbago ang buhay ni Agatha. She was sent to study in school for the rich in the metro, she was even enrolled in one of the most prestigious school in States for children. Kasabay niyang pumapasok sa eskuwelahan ang dalawa pa niyang kapatid na babae. Si Selene at Veronica, pawang mga bastarda. Magkakasing edad lamang sila nitong tatlo.

Kasama rin nila sa pagpasok ang nakatatandang kapatid na si Anton, ang legitimate son ng pamilya Feron. Ito ang inaaasahang papalit sa kanyang ama gayong wala na ito. Her father died in an arson several years ago. Nang mangyari iyon ay nagpunta sila sa States para makaiwas sa kung anumang threat na kinakatakutan ng Mama Miranda niya. But since almost of their family businesses is here in the Philippines ay napilitan na din ang abuela niyang iuwi sila. At kababalik lang nila galing ibang bansa.

Ngayon ay ilang linggo na rin silang nagbalik-eskuwela. Medyo nag-a-adjust pa siya dahil iba ang approach ng pagtuturo sa Amerika kaysa sa Pilipinas. Anyway, it doesn't really made a difference since she doesn't have friends way back in America aside from her sisters. Ganoon din dito sa bagong school nila. Maliban sa tahimik talaga siya sa klase ay may pagka-aloof at snob daw ang aura niya sabi ng kapatid na si Selene.

Naupos siya sa lilim ng isang puno, halos dulo na iyon ng school nila. Ang totoo ay gusto lang niyang makalayo kay Anton kaya doon niya napiling tumambay. Anton's such a bully and he's a maniac. Gusto niya itong isumbong sa kanilang abuela pero natatakot siyang walang maniwala sa kanya at maakusahang gawa-gawa niya lang iyon bilang paninira. Sa isang banda ng isip niya ay naaalala pa rin niya ang araw na walang gustong maniwala sa kanya na hindi siya ang pumatay sa nanay niya. At natatakot siyang mangyari ulit ang bagay na iyon sa kanya.

Kaysa isipin pa ang mga bagay na bagay na nakakapagpa-stress sa kanya ay iwinaksi niya iyon sa isip. Hinagilap na lamang niya sa bag ang lumang diary ng kanyang nanay na nakita niya sa mansion nang magbalik sila kamakailan lang. Dinala pala ang ilang gamit ng nanay niya sa mansion noon ngunit itinago lang sa bodega. Sabi ng abuela niya ay baka mas lalo lang siyang malungkot kapag nakita niya iyon noon kaya minabuti na lamang nilang itago ng daddy niya.

Ang ibang pahina ng diary ay malabo na at hindi na mabasa pa ang mga letra. She started to read a few passages. Pilit inaninag ng mga mata niya ang mga nakasulat sa naninilaw na papel.

March 18, 1991

Pauwi na sana kami ng mga kaibigan ko galing plaza nang makabangga ko ang isang dayo. Natameme ako nang makita ko ang mukha niya. Napakaguwapo at napakakisig. Parang artista. Humingi siya ng sorry sa akin at nang sandaling magtagpo ang mga mata namin ay may naramdaman akong sparks. Iyon talaga ang naramdaman ko, parang daloy ng mahinang kuryente. Pakiramdam ko ay ganoon din ang nadama niya...

March 25, 1991

Nagtagpo ulit ang landas namin kanina ni Iñigo, ang lalaking dayo. Iyon pala ang pangalan niya. Nakakahiya lang dahil naabutan niya akong umiiyak sa isang sulok ng parke. Para akong basang sisiw. Nag-away na naman kasi kami ni Ramon kanina. Niyaya niya akong uminom para raw kahit saglit ay makalimot kami sa mga problema. Sumama naman ako dahil pakiramdam ko ay mabigat din ang dinadala niya sa dibdib...

May 25, 1991

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan ng dalaw. Inalala ko kanina kung kailan ako huling nagkaroon. Napagtanto kong simula nang may mangyari sa amin ni Iñigo noong gabing gusto lang naming lumimot ay hindi na ako nagkaroon. Naglakas loob akong magpa-check-up sa doktor at nakumpirma kong buntis ako. Mas lalo akong naguguluhan ngayon sapagkat hindi ko na mahagilap ang lalaki at muli na kaming nagkakamabutihan ni Ramon...

Burn Me In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon