Ana's POV
"Gurl narinig ko yung issue. Nagmaldita ka na naman raw."
Sabi saakin ni Alexandra. Well, she's my best friend. Siya yung umiintindi saakin whenever nasa maldita mode ako.
Umirap lang ako sa hangin at sinarado na ang pintuan ng kotse ko. Galing kasi kaming lunch.
Papasok kami ngayon sa university na pinag aaralan namin. Ang De Luca University.
Unibersidad raw ng mga mababait pero ang totoo, ang sasahol ng mga ugali.Sila ang rason why did I ended up like this. Ang pananakit na binibigay ko sa kanila ngayon at kulang pa sa pasakit na ginawa nila saakin noon.
"Well, you know me Alex. I don't have time for plastic friendships. Besides, nandyan ka naman. Masaya naman tayo na tayong dalawa lang."
Tapos ay nginitian ko siya. Hindi ako gaanong ngumingiti dahil palagi akong naka busangot. Nakita ko ang kinang sa mga mata niya. Malamang ay nagulat rin siguro siya sa pag ngiti ko.
"Uy guys nakita nyo ba yun? Ngumiti ang Maldita Queen!"
"Shet! Namamalikmata ba ako kanina?"
"Nakakatunaw yung ngiti nya besh!"
Agad kong binalingan ng tingin ang mga kabataan na nagbulong-bulongan. Binubulong pa rinig na rinig naman. Sana nag mic nalang rin sila para dama.
Agad namang namutla ang iba sa kanila at nag iwas ng tingin.
"Gurl tama na yan. Tara na. 30 minutes nalang start na ng last period natin."
Habang naglalakad kami, may apat na kalalakihan na masayang naglalakad rin. Sa nakikita ko, bago lang sila dito. Para kasi silang walang pakealam. Palapit na kami ng palapit pero nagtatawanan lang sila at di tumitingin sa dinadaanan. Hinayaan ko lang sila dahil gusto kong sila ang umiwas.
Pero tama nga ang hinala ko. Nabangga na ako ng lalaking nasa gitna at natapon pa sa damit ko ang dala dala niyang kape.
Ang maingay na lugar kanina ay natahimik. Ang apat na lalaking nagtarawanan ay napatigil.
"Oh-ow. Besh mukang may magaganap na World War III ngayon?"
"Aray ko beshie. Mukang maling kalaban ang nabangga."
"Ha! Sira! Ang sabihin mo, pareho silang mali ang nabangga!"
Tinitigan ko ng mas matalim ang lalaki. Meron syang buhok na kulay puti. Mapupungay na mga mata. Mahahabang pilik mata. Matangos na ilong at kissable lips.
"Are you done checking me out miss?" Nakangisi niyang tanong.
Ramdam ko naman ang paghigpit ng kapit ni Alexandra sa braso ko.
"Eh ikaw mister? Tapos ka na bang mag sorry sa nagawa mong pagtapon ng kape sa uniform ko?"
"Bro, siya yung Maldita Queen." bulong ng kasama nya.
"Ahhh. So you're Asia Anastasia Valenciano?"
"And so? Anong pake mo? Bakit ba kasi kapag nasa daan nagtatawanan. Daan nga diba. Meaning di lang kayo ang tao na dumadaan. Okay lang sana kung nabangga lang pero yung natapunan ng kape ang uniform ko without saying sorry well I think mister you are already below the belt!"
"Kilala mo ba kung sino ako?"
"Hindi. At wala rin akong balak kilalanin ka." Sagot ko at humakbang pa talaga papalapit sa kaniya.
"Talaga lang ha? Paano kung sabihin ko sayong anak ako ng may ari ng unibersidad na eto?" Sabay ngisi nya at humakbang rin.
Humakbang ulit ako at tinapunan sya ng mapanghamon na tingin.
"Wala akong sinasanto." sagot ko.
Nakita ko ang pag tiim bagang niya. Magbibitaw sana sya ng salita ng biglang tumunog ang bell.
"Hindi pa tayo tapos Anastasia." diin na sabi nya saakin.
Tinaasan ko lang sya ng kilay "Don't call me Anastasia, di tayo kaibigan. At talagang di pa tayo tapos hanggang di moto tinatapos gamit ang sorry mo."
Inirapan ko pa sya at hinila na ulit si Alex.
"Gurl, maling kalaban yata binangga mo." kinakabahang sabi ni Alex.
"TSS. Wala akong sinasanto. Tingnan mo nga ang itsura ko. Para na akong basurang nalanta."
****
Nandito na kami ngayon ni Alex sa room namin. Hinihintay nalang namin ang dadating raw na transferee.Transferee na nga late pa.
Napatigil ang kibuan ng ilan nang may anino na tumabon sa silaw na nagmumula sa labas.
"Kung minamalas ka nga naman Asia." bulong ko sa sarili ko.
Siya na naman?!
Di nalang ako kumibo at pinakalma ang sarili ko.
"Hello everyone. I am Primo Zacharus Vince. It's nice to meet all of you."
Tilian naman ang iba. Psh. Ang lalandi. Akala mo naman kung sinong gwapo para namang gurang. Magpapakulay na nga lang ng buhok kulay puti pa.
"Pumili ka na kung saang upuan ka uupo. It's either sa tabi ni Ms. Valenciano or sa tabi ni Ms. Nasi." sabi ng prof namin sa kanya.
Ang Laila Nasi naman, abot tenga ang ngiti at nag pa cute pa. Kumurap kurap pa. Nanlaki nalang ang mata ko sa inasta nya.
Taglandi nga talaga ngayon.
"I would like to sit beside Anastasia."
Asia! Asia itawag mo saakin di tayo close tarantado ka! Di ka pa humihingi ng sorry saakin.
Pinanlakihan ako ng mata ni Alexandra.
"So Ms. Asia Valenciano, okay lang ba sayo yon?"
Tiningnan ko si Primo. Pinanlakihan niya rin ako ng mata na parang sinasabi niya na umuo ako. Nginitian ko lang siya ng plastic kaya kumunot ang noo niya bigla.
"I guess I don't have a choice anymore sir." sagot ko at umirap sa hangin.
"Okay! That is you're final seating arrangement."
Nagsimula ang klase at tahimik lang ako. Poker lang ang mukha ko dahil napag aralan ko na naman rin ang tinuturo saakin ng prof namin ngayon. Advance ako ng binabasang libro eh.
Lumabas ang prof namin saglit kaya nagkaroon na naman ng sariling mundo ang mga dakila kong kaklase.
"Hey Anastasia--"
"It's not Anastasia! It's Asia! Di tayo magkaibigan kaya wag mo akong tawaging Anastasia!"
"Woah. Amazona, I like that." nakangisi nyang sabi saakin.
"Tigilan mo ako sa kaka asar mo kung ayaw mong sungalngalin kita dyan." sabi ko at umirap.
"Bakit ba ang hilig hilig mong umirap?" inis na tanong nya.
"Eh bakit ba nakikialam ka? Eh kung umirap ka rin kaya dyan?"
"Ahhh. Tama nga pala. Maldita Queen ka nga pala."
"Pake mo? Eh ikaw? Bat di ka pa nagso-sorry sa nagawa mo? Dakilang mayabang ka rin no?" di ko na talaga napigilan ang sarili ko.
This is me. The Maldita me.
YOU ARE READING
When Maldita Falls In Love
RomanceIf you are her, would you chose to fight to get what you truly deserves? Or you would stop and give up, thinking everything was already over? Anastasia Valenciano Primo Zacharus Vince